SPA
Hello mga kablogs! It's been a long time since I wrote my last blog. (dugo) Nalalapit na naman ang aking exam. Kapag pumasa ako, iyon ang tinatawag na MALAKING HIMALA kasi I am not yet prepared. Anyway, didiretso na ako sa blog ko na related din sa point na 'to. Year 2003 noong naipasa ko ang CPA Board Exam (kailangang magyabang minsan para medyo maniwala kayo sa mga sinasabi ko. hehehe.) Akala ng Nanay ko mababaliw na ako kasi super talaga ang aral ko - umaga, tanghali, gabi at madaling araw. Sobrang salamat sa Diyos at nakapasa naman ako. Noong mapunta ako sa Bda at Oh, ang hirap ng kompetisyon. Hindi na nga ako fluent sa English, mga qualified pa mga katrabaho ko. CA (Chartered Accountant - Canada o South Africa), CFA (Certified Financial Accountant), CIA, CPA USA at kung anu-ano pang letra sa dulo ng mga pangalan nila. Malay ko sa mga examinations na 'yan. Ang alam ko lang kapag Accountancy graduate puwedeng maging CPA. Dahil tayo'y mga Pinoy, kapag CPA ka sa bansa ...