The Way You Look At Me
“A prophet is not without honor except in his native place and among his own kin and in his own house”. – Mark 6:4 Hello mga kablogs! Narito na naman tayo para sa another blog week. Naisip ko lang ibigay yung title na The Way You Look At Me dahil naalala ko yung paboritong singer ng kaibigan ko na si Christian Bautista. Pero yung blog natin ngayon, hindi sya tungkol sa kanta. Isheshare ko lang yung magandang homily sa mass na naattendan ko sa pamamagitan ng pagpapalawak ng song title na yun. Sabi kasi ni Fr., simple lang daw ang pagiging propeta (tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon). Hindi naman kailangan ng degree, kung anong trabaho mo, anong estado ng buhay, o kung anuman. Ang kailangan lang daw ay ang iyong sarili. Sarili na may pananalig, na tayo ay imahe ng Panginoon, na tayo ay tagapagpahayag lang ng gusto Nyang sabihin sa mga taong hindi naniniwala sa Kanya, sa mga taong may matitigas na puso, sa mga taong nasusukluban ng galit, o kahit na ano pang masasamang element...