Bermuda is my extended world
I started doing this in December, ngayon lang matatapos. Huli man daw, nakakatuwa at makakatulong, maihahabol pa rin. :-) Isang maligayang pasko sa lahat. Masaya ako kasi nandito akong muli sa Bermuda. Kay saya-saya. Malayo man kami ni Kuya sa aming mga kapamilya, maayos naman ang aming pagsasama kaya masaya. Sana iyong mga kapamilya ko sa Pinas ay masaya rin at nawa'y they are taking advantage of the moment that they are together. Sana ay madama nila ang diwa ng pasko. Anyway, balik sa blog. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari nong bago ako umalis hindi ko pa pala nagagawan ng "kuwento" ang aking buhay-Bermuda. Very timely kasi may nameet akong kababayan yesterday na baguhan sa isla. Minabuti ko ng i-blog para sa iba pang mga Pinoys at Pinays na darating sa isla Batu-bato at para na rin sa mga naku-curious sa kung anong kakaibang buhay sa gitna ng tubig. Una ay tungkol sa biyahe, halos 2 araw ang biyahe from Pinas. Puwedeng via US kapag may visa pero normally sa London d...