Posts

Showing posts from March 21, 2010

Crucify Him!

Image
Crowd: Crucify Him! Bayan: Ipako Siya sa Krus! Hello mga kablogs! 9:46 pm... Nagsimba na ako kanina (Sabado rito) kasi aattend ako ng Stations of the Cross bukas. Pangatlong Holy Week na simula nong nagtrabaho ako sa ibang lugar. Kung nasa Pinas ako, ngayong mga araw na ito aligaga na kami sa pagpapractice ng play. Busy na rin sa simbahan at maraming mga activities. Damang-dama talaga ang holy week doon sa Pinas. Naalaala ko last year sa Bermuda, feel na feel din sa mga activities ng bawat parishes. Weekly ay mayroong Stations of the Cross tapos marami rin silang mga seminars. Kakaiba lang iyong holy week don especially Good Friday. Kakaiba kasi imbes na lungkot mode, ang ginawa ko noon ay nakijamming sa mga kaibigan ko sa beach. Ang tradition don ay magpalipad ng kites kapag Good Friday. Dito kaya? Hmmmm. Parang feel ko rin na holy week at nakakatuwa kasi may mga activities for Triduum sa parish na sinisimbahan ko. Para sa kaaalaman ng iba, ang Triduum ang pinakamahahalagang araw sa c...
March 23, 5:38am Gabi-gabi ng linggong ito palagi kong naiisip ang opening program ng 4S. Unti-unti ko nang dinadraft sa isip ko ang aking magiging speech. Ngayong March 24, 2010 nagising ako ng 4am at hindi na makatulog ulit kaya sabi ko time na para isulat ang mga nasa isip. Unang-una sa lahat, gusto kong batiin ang lahat ng naririto. Gusto kong magpasalamat sa paglalaan ninyo ng oras para magkasama-sama tayong muli lalo na ngayong gabi ito na maituturing kong isa sa mga highlights ng aking buhay. Salamat sa inyong lahat na naging part ng aking buhay. Sa aking mga katrabaho, sa aking mga katropa from Letran College, ang aking mga co-squatters from Novaliches High School, ang aking mga kaklase at mga kaibigan mula sa Nagkaisang Nayon E/S, ang PYM, AG, pati na ang mga kapamilya nila, mga kababatang-kapitbahay na itinuring ko ng mga kapamilya, mga kamag-anak ko, at higit sa lahat ang aking pamilya lalo na ang aking Nanay. Sino ba namang mag-aakala na ang isang mahiyaing Shiela ay ...

Isip-isip

Image
"Has no one condemned you? Neither do I condemn you." John 8:1-11 Hello mga kablogs! Ang aga ko ngayon no? Dapat nga kanina pa kaya lang nasingitan na naman ako ng facebook. Ang laki talagang time nagugugol ko sa FB. hehehe. Iba iyong nasa isip kong iblog pero irerelate pa rin natin. "Whatever is going on in your mind is what you are attracting." from The Secret. Sa totoo lang namimiss ko nang magbasa ng mga inspirational at motivational books kagaya ng ginagawa ko noong nasa Bermuda pa ako. Napansin ko nga na bihira na rin ang mga blogs kong nakakamotivate. Medyo karamihan ngayon ay about sa lent at sa 4S. Ngayong linggo ay iinspire ko ulit kayo at sabay-sabay nating irecall ang mga nabasa ko sa The Secret. Ang main point ng The Secret ay ang law of attraction. Kung ano raw ang naiisip mo, naattract mo. Napansin mo ba iyon na kapag may kanta ka sa isip mo, bigla mong makakanta tapos bigla na lang maririnig mong kinakanta na rin ng iba o kaya biglang papatugtugin ...