Isip-isip
"Has no one condemned you? Neither do I condemn you." John 8:1-11Hello mga kablogs! Ang aga ko ngayon no? Dapat nga kanina pa kaya lang nasingitan na naman ako ng facebook. Ang laki talagang time nagugugol ko sa FB. hehehe. Iba iyong nasa isip kong iblog pero irerelate pa rin natin.
"Whatever is going on in your mind is what you are attracting." from The Secret.
Sa totoo lang namimiss ko nang magbasa ng mga inspirational at motivational books kagaya ng ginagawa ko noong nasa Bermuda pa ako. Napansin ko nga na bihira na rin ang mga blogs kong nakakamotivate. Medyo karamihan ngayon ay about sa lent at sa 4S. Ngayong linggo ay iinspire ko ulit kayo at sabay-sabay nating irecall ang mga nabasa ko sa The Secret. Ang main point ng The Secret ay ang law of attraction. Kung ano raw ang naiisip mo, naattract mo. Napansin mo ba iyon na kapag may kanta ka sa isip mo, bigla mong makakanta tapos bigla na lang maririnig mong kinakanta na rin ng iba o kaya biglang papatugtugin sa radyo? Sobrang naniniwala ako sa Law of Attraction at power ng pag-iisip. Alam niyo bang nilaro ko sa isip ko ang mga pangarap ko na natupad na? Nakakatuwa nga 'pag natutupad na kasi hindi na masyadong exciting dahil alam ko nang mangyayari. May example sa book, pangarap ng isang player na maging MVP tapos ilang beses niyang inisip na umaakyat sya sa stage at binibigyan ng trophy. Noong mismong araw ng awarding, sabi ng mga kasamahan niya "Pre, kinabahan ka ba?" Sa isip niya, "Hindi, kasi ilang beses ko ng pinractice iyon." Ang galing diba? Inisip niya at nattract din niya. Iniaaply ko iyon at isa sa mga pangarap ko this year ay ang makapagrefer ng kaibigan dito sa JPM. Sabi ko kailangan ko nang matupad ang goal ko na magkaroon ng kasamang Pinoy. Kailangan kong galingan para kapag nagrefer ako, tatanggapin nila. So, todo isip naman ako ng mga kaibigan ko (Megapips, Arriba, barkada, atbp.) na kunwari magkakatrabaho kami...
Anong resulta? Sa awa ng isip ko, matutupad pero hindi perfect gaya ng naisip ko. hehehe. Would you believe na pupunta ang mga 6-8 Pinoys dito sa Cinci? Hindi dahil sa nirefer ko sila kung hindi dahil ililipat ang isang department sa Pinas kaya magtitrain iyong mga Pinoy rito. Noong ibinalita nga iyon, natuwa ako kasi naisip ko nga ang pangarap kong magkaroon ng kasamang Pinoy. Babalitaan ko na lang kayo ng mga susunod na kabanata about this.
Iyong pag-iisp ko siguro ay hindi naging concrete. Hindi ko inisip na iniinterview ng manager ko iyong kaibigan ko, lilipad sya from MLA o DXB to CVG, magsasama kami sa apartment o tutulungan ko siyang maghanap ng bahay, sabay kaming naglalunch atbp. Ang inisip ko lang ay sa office na agad na may mga kasamang Pinoy kaya ganoon din ang nangyari. hehehe.
Gaya rin ng sinasabi ng pagbasa. Madali tayong manghusga ng kapuwa natin kahit hindi pa natin alam ang buong detalye. Naaalala ko dati pinagtatawanan iyong classmate kong natutulog sa klase. Ang dahilan pala kaya siya inaantok ay dahil nagbebenta siya ng dyaryo sa madaling araw para may pantustos sa pag-aaral. Natural siyempre sa ating mga tao na magkaroon ng first impression pero hayaan sana nating mas kilalanin pa ang kapuwa bago natin iclose ang box. Sana ay maging kagaya natin si Hesus na tinitignan tayo ng buong pagkatao at hindi lang basta ang kasalanan natin.
O diba, connected naman? O paano, bye bye. Ipapaalaala ko lang iyong Law of Attraction, itry niyo dahil effective talaga iyon. Kung anuman ang gusto halimbawa, vacation with your family sa Puerto Galera, job sa dream country mo, high position sa trabaho at marami pang iba. Trabaho kasi ng universe na ibigay sa atin ang mga gusto at naiisip natin. Husayan mo lang sa pag-iisip baka magaya ka sa akin na hindi concrete. Tsaka, mahalaga rin na mabubuting bagay ang naiisip natin para mabubuti rin ang maaattract. Sa ngayon, palaging naglalaro sa isip ko ang isang program 4 or 5 years from now - maraming tao sa auditorium sa gabi ng pagpaparangal namin sa unang set ng 4S Scholars graduates. Tignan mo, one of these days may mag-iinquire ulit about how can they help sa foundation. The universe direct us para matupad ang naiisip natin. Kaya mahalaga rin na guided ng spirit ang pag-iisip natin.
Ayun lang for now. Salamat ulit sa mga bumili ng lapis. May God bless u more.
Happy birthday Kuya Ryan! I love you my brother. mmmwah. Naghanda ako ng pizza at coke rito.
Comments