Just do it! Join us!
"What shall we do? What are the works that God wants us to do?" Jn. 6:28
"I am the bread of life,whoever comes to me shall never be hungry,and whoever believes in me shall never be thirsty." Jn. 6:35
Hello again mga masusugid kong tagabasa. Sana nga nagbabasa kayo. hehehe. Sunday na naman ng 5:30 kaya heto na naman ako at pilit pinipiga ang isip kong puyat na puyat para lang makapagbigay ng inspiration. Dumarating talaga sa point na parang ang hirap magcompose ng blog. Hmmm. Parang mali ha. Dumarating talaga sa point na parang ang hirap magcompose ng blog kapag sa sarili ko lang nanggagaling ang message. Nakalimutan kong kapag nagsimula na pala akong magtype Holy Spirit na ang gumagabay.
Let's start. Medyo nasa mode pa ako ng 4s kaya imemention ko ulit dito ha para sa iba na ngayon lang makakabasa. Sinimulan kong i-inform last week ang aking mga kaibigan through FS at FB tungkol sa 4s project - Share a Secret Spread Success. Maraming salamat sa lahat ng nag-respond. Naglalayon kaming makatulong sa mga kabataang gustong mag-aral sa pamamagitan ng pagsuporta sa monthly allowance nila. "What shall we do? What are the works that God wants us to do?" Jn. 6:28. Wala naman talaga akong balak na ipaalam sa marami ang project na ito kaya lang gusto ko ring maranasan ng iba ang mga blessings na nararanasan ko. Tunay ngang kapag alam natin kung paano i-manage ang treasure ni God lalo Niya tayong pagkakatiwalaan sa malalaking bagay. Kagaya na lang nangyari sa kaibigan kong si Carla. Mahirap lang ang pamilya ni Carla pero iginapang sya ng Nanay niya para lang makapagtapos sa pag-aaral. Napansin kong generous ang kaibigan kong ito dahil sa bawat pagsahod niya palagi syang may bitbit na pasalubong hindi lamang para sa pamilya kundi pati na rin sa mga kamag-anak. Masayang-masaya ang lahat sa dala niyang kape, asukal at chips. Mas masaya raw sya kung ang lahat ay masaya. Kaya siguro marahil nabigyan sya ng chance na kumita ng malaki sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Ginamit nya ang pagkakataong ito para lalo pang makatulong sa mga kamag-anak at malalapit nyang kaibigan. Imbes na pansarili ang kinikitang pera pinili nyang itulong ang iba para sa monthly allowance ng ilang kabataan. Palagi kong naaalala ang sinasabi ni Carla "Shel, ang sarap sa pakiramdam kapag nakakapagpasaya ng iba." Eh si God kahit mabubuting tao hindi Nya papalampasin sa tests Nya. Ibinalita sa lahat ng empleyado ang pagsasara ng branch nina Carla. Parang gumuho ang lahat ng pangarap nya. "Paano na? Sa recession ngayon, makakakita ba ako ng trabaho na kikita pa rin ako kagaya ng kinikita ko?" Hindi ko maiwasang maiyak kapag nagbabahagi sya sa akin ng sentiments nya. Pinaalalahan ko sya at sinabing "Carla, sa dami ng tinutulungan mo at kabutihan ng hangarin mo hindi ka papabayaan ni Lord. Magtiwala ka lang." Isinuko ni Carla ang lahat kay God. Napagod na syang maghanap ng trabaho araw-araw sa iba't-ibang bansa. At sa bawat pakikipag-usap niya kay Lord, mga kabataan ang nasa isip nya. "Lord, alam mo kung ano ang laman ng puso ko. Gusto ko pong malaman kung anong plano mo." All of a sudden nagbago ang lahat. Sa tulong ng sama-samang pangalangin ng pamilya nya at ng mga taong nata-touch nya hindi na isinara ang company. Paalala sa ating lahat na kapag mabuti ang ating hangarin, si God na ang bahalang magpuno ng ating mga pangangailangan. Walang panama ang recession kapag si God ang panangga natin. "I am the bread of life,whoever comes to me shall never be hungry,and whoever believes in me shall never be thirsty." He will provide, He will make things beautiful in His time.
Kailangan lang ay alam natin kung paanong i-manage ang ari-arian Nya. Baka maiyak pa ako kaya pakibasa na lang iyong blog ko last week ha. http://www.cancinomsm.blogspot.com/ Labis=Lapis.
Sa totoo lang ang daming laman ng isip ko na gusto kong ibahagi sa inyo. Mahaba kasi ang weekend dito kaya marami akong napanood na movie at nabasang pages sa book na The Aladdin Factor. Hmmm. Next week na lang siguro iyong Aladdin...
"What one thing, if you did it, would've made a difference in your life?" Galing ito sa movie na Heart and Souls. 4 na kaluluwang hindi agad napunta sa langit kasi binigyan sila ng chance na gawin ang mga bagay na hindi nila nagawa nong nabubuhay pa sila. Ang isa ay si Penny, huwarang ina, tiniyak niyang maaayos ang mga anak niya bago sya umakyat sa langit. Ikalawa ay si Milo, magnanakaw, na itinama niya ang kanyang pagkakamali sa pamamagitan ng pagbalik ng stamps na ninakaw niya. Ikatlo ay si Harrison. Pangarap niyang kumanta pero palagi siyang nahihiya at nauunahan ng takot kaya hindi nya nasubukan nong nabubuhay pa sya. Maniniwala ba kayong kahit kaluluwa na lang nahiya pa rin? Sabi sa kanya ng kaibigan nilang buhay. "You died as a complete failure because you never tried." Nahimasmasan kaya kumanta rin. Ikaapat naman ay si ... Nakalimutan ko pero ang story naman nya ay hindi nya nasabi sa mahal nya kung gaaano nya sya kamahal.
Tinitiyak ba nating maayos ang ating mga mahal sa buhay? May mga bagay ba tayong dapat ihiningi ng tawad? Baka gusto mo ring kumanta kagaya ni Harrison? At, nasabi mo na ba sa mahal mong mahal mo sya?
Habang may chance pa, gawin mo na. At baka gusto mo ring maranasan ang saya na nararanasan ni Carla sa pagtulong sa kapuwa. 4s will make a difference!
bow.
God bless u all.
Happy birthday Tabby. mwah
Comments