Posts

Showing posts with the label inspirational

I'm too Blessed to be Stressed P2

"However, as soon as the man went out, he began spreading the news everywhere..." Mk. 1:45 Hello mga kablogs! Hindi pala ako nakapagblog last week. Sobra kasi talagang busy nitong mga nagdaang araw. Contradicting pa lahat ng mga nababsa ko kaya ang hirap dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para bigyan kayo ng ideya kung anong mga pinagdaanan ko, magkukuwento na lang ako simula nong September 2011. Dapat sana ay nasa Pilipinas na ako noong October pa lang. Kaya naman sinabihan ako ng employer kong iterminate ang lease ko. Dati akong nakatira sa isang maliit na studio room. Maliit na nga, hindi pa ako marunong maglinis kaya ayon palaging magulo. Nanay ko lang nakapag-ayos ng kuwartong iyon nong nagbakasyon sya rito. Dahil nga pabalik na ako sa Pilipinas, dali-dali kong ipinabox ang mga gamit ko papuntang Pilipinas. Last week of September nang sinabi ng employer kong hindi pa kami matutuloy sa October. At, kahit anong magic ang gawin ko hindi ko na maibabalik a...

Again and Again

"So will it be: the last will be the first, the first will be the last." Mt. 20:16 Hello mga kablogs! Sobrang kakaibang mga araw na naman ang nagdaan. Unting-unti na lang talagang bibigay na ako pero salamat sa mga taong dumarating para mabigyan ulit ako ng buhay/pag-asa. Ilang gabi akong puyat na puyat at ang mahirap pa sa akin kapag lumagpas ng alas-12 at hindi pa ako natutulog, madaling araw na akong makakatulog at sobrang aga ko ring magigising. Ang hirap pang matulog nang maayos kasi ang dami-daming pumapasok sa isip ko. Ayay! Nakakatuwa lang si God kasi palagi akong bibigyan ng hint kung anong nangyayari sa paligid ko at maaaring mangyari. Kung naaalala niyo ang SUSI tragedy na naging dahilan nang nakitulog ako sa kapitbahay, muntik na namang mangyari kanina at may mas malala pa na hindi ako nadala-dala at palagi ko pa ring ginagawa. Sa sobrang dami ng dapat kong gawin at pagkatapos kong bumili ng mga pagkain (maraming buhat-buhat) isinarado ko na naman ang pinto ...

THE BLOG RETURN: Week 2 WeAk FAITH?

Image
"Woman, how great is your faith! Let is be as you wish." Hello mga kablogs! Akala ko hindi ko na magagamit 'tong blogspot. Buti na lang nareset iyong password. Bago ko simulan ang ikalawa kong blog matapos ang mahabang break, nagpapasalamat ulit ako kay Ate Alma sa pagpush sa akin na ituloy ang blogging. Ang mga kagaya niyang nagbabasa ng blogs ko ang nagbibigay inspiration para ituloy ko ang gawaing ito. Ala-6:00 na ako natulog tapos gising na ako ng 8:00am at kahit gusto kong matulog, hindi talaga ako makatulog. Kaya heto, FB at kung anu-anong anik-anik ang pinaggagawa ko. Gusto ko lang ikuwento ang kaibigan kong matibay ang pananampalataya pero palaging kinakabahan. Taun-taon iyon namomroblema sa career niya pero taun-taon din namang may kasagutan. Ewan ko ba sa kanya na parang hindi pa na-immune at kapag may problema, natatakot pa rin. Hindi raw niya alam ang gagawin niya noong Huwebes kaya inaliw ang sarili sa FB at umiyak nong matutulog na. Before she...

KKK part 2

Image
"I am the handmaid of the Lord, let it be done to me as you have said." Hello mga kablogs! O diba nagbablog pa ako eh 12:13 na. Nagsign up kasi ako sa isang free Webinar eh sa ibang planeta gaganapin, ala-una nila ng hapon, ala-una ko naman ng madaling araw. Free naman kaya oks lang. Nakinig ako ng homily ni Fr. Luke kani-kanina lang at nabanggit niyang muli ang tungkol sa Kapangyarihan, Kayamanan at pagKain. Naalala ko iyong kaibigan kong si Cecille Santos. Nakakabilib ang taong iyon. Sama-sama nating alamin kung bakit. Kapangyarihan Walang dudang sobrang galing niya sa lahat ng bagay. Naging kaklase ko kasi sya kaya alam ko ang style niya. Siya iyong tipo na kahit siya ang isa sa mga nagtatop sa klase, pahumble effect pa siya. Ayaw na ayaw niyang narerecognize siya pero gustong-gusto naman niyang naishashare ang mga techniques niya sa Accounting. Magugulat ka na lang na nakatipon na ang mga kaklase ko sa kanya kasi nagtuturo na siya. Narinig ko rin na hanggang ngayon Team M...

bonus blog

Image
Hello mga kablogs! Ang tema ko ngayon ay wala lang. Inaantok na ako pero parang gusto ko lang magtype kaya pagbigyan na natin. Alam niyo naman ang history ng aking career. Ako iyong tipong hindi mapirmi. hehe. Pero hindi yan ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Iniiwanan ko man ang trabaho ko, hindi ko naman iniiwan ang mga relationships ng pagkakaibigan na nabuo ko. Kahit nga mga kaklase ko hanggang ngayon BERKS pa rin kami. Nasurpresa lang ako ng isang munting package galing sa katrabaho-kaibigan ko from Cincy. Nakakatuwa lang na ganoon pala siguro ako kabait (naks) na nag-iiwan ako ng magandang alaala sa mga taong nakakasama ko. Ang hindi mag-aagree, walang chocobot. Magnilay-nilay tayo kung paano ba tayo nakikitungo sa mga kasama natin sa trabaho at tanungin ang ating mga sarili na kapag umalis ba tayo sa current department natin, will our officemates be happy dahil nawala na ang tinik sa kanilang lalamunan or will they be happy sa kadahilanang alam nilang naggo-grow ang ating caree...

BANGAG DAY

Image
Jesus appearance was changed before them; his face shone like the sun and his clothes became bright as light. Mt. 17:2 Hello mga kablogs. Ang sakit ng ulo ko dahil sa sobrang kalasingan (kuwentuhang nag-uumapaw sa tuwa at tawanan). Ano kayang kahihinatnan ng Sabado ko... kailangang mag-aral pero hindi naman makapag-isip ng maayos. Gustong makabawi sa tulog pero hindi naman na makatulog. Eh bakit hindi na lang bumangon, buksan ang laptop at simulang magtype? Sa totoo masarap sa pakiramdam na nagiging instrument ni Lord na magshare ng mga salita Niya pero minsan nakakakonsensiya rin na I'm not living perfectly ayon sa mga utos Niya. Wala akong karapatang tawaging disipulo Niya dahil ako'y makasalanan. Minsan nga naiisip ko, will I end my sins or will I end inspiring others? Sabi ko hati na lang - bawas ng kasalanan at mag-inspire pa rin. Kagaya ng sinasabi ng gospel ngayon about transfiguration (ang pagpapalit ng anyo ni Lord), bilang mga tao madali rin tayong magpalit ng anyo. M...

GISING

Image
"...he put to the test by the devil." Mt. 4:1 Hello mga kablogs. 3:48pm at kakagising ko lang. Kakagising ng katok ng manong na sinamahan pa ng pagpupumilit buksan ang pinto ko. Grabe iyong experience na iyon ha. Kausapin ko naman si Popo, hindi naman kami magkaintindihan. Basta ang nasa isip ko lang natatakot ako at parang aatakihin sa puso. Pinicturean ko lang iyong gasul para maexplain gusto kong sabihin pero wala pa rin. Buti na lang nakakaintindi at nakakapagsalita ng Cantonese si Ate Agnes kaya ayun siya ang nagsabi ng pangyayari. Kahit hindi ako HK local hindi ibig sabihin exempted na ako kung mayroon mang mga akyat-bahay o kung anumang pangyayaring hindi maganda sa paligid ko. Ang aksidente ay walang pinipili. Kilala ang mga Hapon na super power. Ang dinig ko pa nga sa kaibigan ko, grabe raw makapagdemand ang mga Japanese. Kapag may gusto sila, agad dapat ibinibigay. Kapag nagkamali naman kahit na katiting, big deal sa kanila. Balikan natin ang history... eh di ba ang...

YOU Broke My Heart but YOU Increased My Faith

Image
So be alert, for the Son of Man will come at the hour you least expect. Mt. 24:44 November 24(25) ang araw na ngarag. Maulan at madilim ang paligid na animo'y nagluluksa ang langit sa aking pag-alis. (Feeling ko lang...) Sobrang hectic ng flight schedule ko at narealize ko lang late na. Sobrang inis na inis ako sa mga negative na salita kunwari "I hope you don't miss your flight." Para sa akin dapat ay "you will catch your flight." Well, I'm so optimistic kaya binalewala ko pero may halong kaba pa rin kaya ngahanda naman akong mabuti. Sobrang aga kong nakarating sa airport though late pa nga sa naunang plano. I've been waiting for hours sa gate 3 tapos malapit ng ang departure pero hindi pa rin nagbo-board hanggang sa naririnig ko na ang pangalan ko at tinatawag na ako at pinapapunta sa gate 1. Hay naku. Iyong pinaka-inalaala kong flight na baka mamiss ko, ang aga ko pang nakarating. Salamat sa Diyos isang eroplano na lang tapos na ang kalbaryo sa mi...

KONEKtikat

Image
Save...us.... "Truly, you will be with me today in paradise." Lk. 23 Blog pa rin syempre kahit maraming dapat gawin. This week, may napatotohanan akong muli. Though hindi talaga ako nakatulong sa isa at iyong isa naman ay hindi pa solved, natuwa lang ako kasi napatunayan ko iyong sinasabi ng Law of Attraction na kapag may gusto kang mangyari o may gusto kang makuhang bagay, isipin mo lang, samahan mo ng gawa at tiyak makukuha mo, syempre kung mabuti ang maidudulot sa iyo. Naniniwala rin ako na ang lahat ng bagay at tao ay connected sa isa't-isa. May drivers, may passengers. May teachers, may students. May employers, may employees. At marami pang iba. Try to imagine na lahat ay drivers/teachers/employers. Good luck sa mundo. May kabataang nagmessage sa akin at nagpapatulong humanap ng company na puwede nyang pag-OJThan. Ang nireply ko lang, "oks, gagawin ko best ko." Sobrang tempted na akong magpost sa FB wall ko para makita ng mga friends ko kaya lang sabi ko s...

Pacman!

Image
Through perseverance you will possess your own selves. Luke 21:19 Kagabi ang kauna-unahang manood ako ng boxing na talagang tutok na tutok. Dati sa Pinas, isa ako sa mga nangdideadma sa mga boxing. Manood man ako, silip lang. Simula naman nang nagwork ako sa ibang lugar, ang mamahal ng bayad para lang makanood. Kagabi, parang napilitan lang kaya sinulit ko na kasi nagbayad din ako. hehe. "Sige suntok! Whoooo!" mga sigaw ko kagabi habang nanonood. Naiinis pa ako kay Pacman kasi palaging nagpapacorner sa side, iyong nagigipit sya. Sabi naman ng kasama ko, STYLE NYA IYON PARA KAPAG SINUNTOK SYA, MABUKSAN ANG MUKHA NG KALABAN AT MAKASUNTOK SI PACMAN NG MAS MALAKAS. Sobrang napabilib ako sa style ni Pacman at narealize ko nga na kapag nakakaranas tayo ng sakit lalo tayong lumalaban. Lalo tayong nagtatagumpay. Hindi lahat ng nangyayari sa buhay natin ay puro saya at puro panalo. Mas nagiging effective pa nga tayo kapag nakakaramdam tayo ng kahirapan bago natin matamo ang pagkapanal...

haaaay buhaaaay

Image
For him all are alive. Luke 20:38 Mga kablogs, quick blog 'to dahil kailangan ko pang mag-impake. Mamimiss ko kayo this weekend dahil hindi ako masyadong magfafacebook. Noong nag-aaral kami, nakagawian na naming ipakita ang cards/grades namin kay Nanay at Tatay. Dahil mga teachers sila siguro sawa na sa mga cards kaya walang effect mga grades namin kahit mataas o mababa. Wala kang maririnig na kahit anong comment. Kapag may nagsasabi rin sa akin na mga kabataan ng grades nila na minsan ay may hindi matataas na grades (for them), palagi ko lang isasagot. Ang galing ha. Keep up the good work. Walang negative comment. Ganyan din si Lord, may gawin kang mabuti, matutuwa Siya. May magawa kang mali, malulungkot Siya pero hindi ka Nya sasabihan ng negative. Good luck na lang kapag bigla Siyang nagsalita. Tayong mga tao ang gumagawa ng ating basehan. Tayo ang naglalagay ng grades sa sarili natin. No one really cares. Dahil buhay mo iyan at bihira lang ang mga taong magsasabi sa iyo ng mga...

Mag-esep-esep

Image
So he ran ahead and climbed up a sycamore tree. Luke 19:4 Hello mga kablogs! Happy birthday ulit kina Gaudi at Ate Alma. Sa Bermuda ko natutunan ang happy hour - mag-iinuman na nakatayo at magkukuwentuhan ng bonggang-bongga. Hindi ko masyadong naeenjoy kasi hindi naman ako makuwento at hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Out of my world ba... The other night, niyaya ako ng friend kong kumain ng burger madness. Apat lang kami at comfortable ako sa kanila. Nakakarelate naman ako sa mga pinag-uusapan nang biglang naging topic ang car. Ang dami-daming brands at models ang nabanggit. Naissue pa nga kung 2-door o 4-door. Ano namang malay ko sa car?! Kung tricycle pa yan, puwede kong sabihin sa Pilipinas may iba't-ibang kulay ang tricycle depende sa lugar. As in tameme talaga ako at sobrang wish na iba naman ang pag-usapan. Hindi ko pa kasi iniisip na bumili ng sasakyan (dahil wala akong pambili. wahaha) kaya hindi pa ako ganoon ka-knowledgeable about don. Kung iisipin kong gus...

ASK and BELIEVE

Image
"For whoever makes himself out to be great will be humbled and whoever humbles himself will be raised." Luke 18:14 Hello mga kablogs! Palagi naman akong naglalagay ng mahabang insight these days kaya feeling ko palagi akong nagbablog. Iyong sleeping habit ko hindi pa bumabalik sa ayos. Nagigising pa rin ako ng maaga kaya kung anu-anong kinakalikot ko. Hehe. Sobrang sarap talaga ng feeling kapag gigising ka sa umaga na wala kang dapat alalahanin kasi hindi mo na kailangang mag-aral ulit, good bye accounting books for few months. Ibablog daw ng isang kaibigan ang tungkol sa pag-aaral kaya hindi ko papalawakin 'to. Ang sa akin lang ay ang pagpapaalalang kaunting tiis lang kapag nakalagpas, lifetime na kaligayahan ang katapat. Kahit magdamag ka pang magFB. Ikukuwento ko ulit sa inyo ang buhay ng kaibigan ko. This time si Jana naman. Aariin ko ulit para mas madaling magsulat. Ito ang istorya niya. Mga readers, ramdam na ramdam ko kung gaano akong pinagpala, kung gaano akong ka...

Special Blog Edition 2 of 2

Image
He takes but He will give them back to you in unexpected ways. gawa-gawa ni SMC. Hello mga kablogs! Sana nabasa niyo iyong una kong blog. Special iyon pati ito. Iyong quote sa taas hindi ko alam kung paano ikoconstruct iyong sentence pero nandyan naman iyong thought. hehe. Sisimulan ko na ang aking 2 of 2 Special Edition blog... October 2010 ay panahon ng paghuhukay sa kasuluk-sulukan ng aking mga bulsa para maghanap ng pera. hehe. Simula nang malipat ako sa Cincinnati, Ohio sobrang liit na ng kinikita ko. Ang laki-laki naman kasi ng tax kaya kung sa gipit ang pag-uusapan, ako po'y gipit sa pananalapi. May natanggap akong statement last week at kailangan ko raw magbayad ng $225.00 (almost Php10,000). Eh, pambayad ko na iyon sa isa sa mga pinaghahandaan ko e. Tumawag ako sa insurance at sa clinic para sana mawaive iyong charge pero sobrang pilit sila na kailangan ko raw bayaran iyon kasi hindi ko ginawa ang dapat kong gawin. Ang nangyari kasi, nagpreventive visit ako noong Nov. 200...

OH MY BLOG, the Special Edition 1 of 2

Image
"Was no one found to return and give praise to God but this alien." And Jesus said to him, "Stand up and go your way; your faith has saved you." October 2003: "Carla, kahit hindi ka maging cpa ayos lang. Huwag mong puwersahin ang sarili mo at baka kung anong mangyari sa'yo." Palaging paalala ng Mama ni Carla kasalukuyang peak ng pag-aaral ni Carla for board exam. Ilang araw matapos ang 2 weekends of examinations, mangiyak-ngiyak si Carlang ibinalita sa Nanay at mga kapatid na nakapasa sya. Haaaaaay! To God be the glory! Siguro kung hindi sya nakapasa, baka nasiraan ng bait ang kaibigan kong 'to dahil sobrang effort talaga ang binigay nya. Akala ko doon na nagtapos ang pag-aaral at pagtatake ng exams sa buhay ni Carla... Ang pagiging certified ang nagbigay daan sa kanyang buhay para magkaroon ng maayos na trabaho at nabigyan pa nga ng chance na mapunta sa Dubai. Dahil mag-isa lang na namumuhay, naisipan niyang mag-aral ulit at itake ang Internation...

blog ULIT

"If you have faith even the size of a mustard seed, you may say to this tree: 'Be uprooted and plant yourself in the sea,' and it will obey you." Lk. 17:6 See, I am sending an Angel before you to keep you safe on the way and bring you to the place I have made ready. Ex. 23:20 Hello mga kablogs! Grabe, ang tagal ko ring hindi nagblog. Kaya ko naman pinagpaliban ang blogging kasi nga hindi ako napapakali kapag hindi ko nasusulat(type) ang mga tumatakbo sa isip ko. Kagaya ngayon, ala-una pa lang pero hindi na ako makatulog ulit kaya sabi ko husgahan na 'yang blog na 'yan. hehe. Let's start... A year from now, when you look back at today, you'll see that the problem you're so concerned with right now, was another valuable lesson waiting to be learned. - galing yan sa mga quotes na pinopost ko sa Shared Success na nanggaling sa friend kong si Eden. Kukuwento ko ngayon iyong career ng kaibigan kong si Rosel na naka-based sa Dubai. Magkaibigan na kami si...

AKO'Y MAY MUNTING TINIG

Image
For every one who exalts himself will be humbled, but the one who humbles himself will be exalted. Hello mga kablogs! Nandito ako sa trabaho ngayon. Hehe. Wala namang masyadong ginagawa kaya sabi ko isusulat ko na an ... g mga naiisip ko. Sakit ko na ang hindi makaget-over agad sa isang pangyayari na nakatouch sa akin nang sobra. Simulan na natin. Ito ay kuwento ng aking kaibigan. Itatago ko na lang sya sa pangalang Verna Mendiola na nagtatrabaho sa Dubai. Simple lang syang manggagawa. Matalino pero hindi gaanong maboka. Mabuti nga unti-unti na nyang natututunan ang pagsabi ng mga nararamdaman lalo na iyong makakatulong sa department nila. Medyo inis sya sa amo niya (ibang story na ‘to) pero still kapag may naiisip sya about improvement ng grupo nila, pinapadaan pa rin niya ang mensahe rito. Lalo syang naiinis kapag hindi man lang nagrereply ang amo niya. Isang instance, mayroon syang nabasa sa bulletin nila at may message ang director para sa lahat ng empleyado. Dahil concern sa buon...

Queen's Garden

"Blessed are you who believed that the Lord's word would come true." Luke 1:45 Hello mga kablogs! Mabilisang blog 'to dahil ako'y tinatawag na ng aking higaan. Sana naging masaya ang nagdaang linggo niyo lalo na ang inyong weekend. Ako, ayos naman sa trabaho, ang weekend naman busy pa rin sa pag-aaral kaya nag-dalawang isip akong sumama sa mga katrabaho/kaibigan ko nong niyaya nila akong pumunta sa theme park dito. Sumama na rin ako for two reasons - una, baka isang araw hindi na ako nakatira rito sa Cinci tapos hindi ko pa nakikita ang K.I. at panagalawa, para makabonding ang mga kaibigan dahil ilang araw na lang aalis na rin sila pabalik sa Pinas. Sa totoo lang hindi na ako big fan ng theme park lalo na iyong mga nakakatakot na rides. Nagpupunta lang ako sa EK dahil libre palagi ang ticket at para makita ang mga pamangkin kong nag-eenjoy sa mga rides. Pagkatapos ng experience ko sa space shuttle together with my college friends dagdagan pa nong nakita ko iyong p...

Lagina Handa

Image
"Do not be afraid, little flock, for it has pleased your Father to give you the kingdom." Luke 12:32 "Be ready..." Luke 12:35 Hello mga kablogs! May dapat akong gawin kaya lang katatapos ko lang kumain kaya sabi ko blog na muna para puwedeng gawin kahit nakatayo. May magkapareho sa pagbasa ngayon at last week kaya kinanta ulit iyong Where Your Treasure Is kanina. Ang ganda talaga ng kantang iyon. Ok, ok, ang blog ko ngayon ay tungkol sa aking career. Kung titignan mo ang employment background ko sa Pilipinas, pinakamatagal na iyong 1 year and 1 mo. Hindi naman sa nateterminate ako, parang gusto ko lang gumawa ng iba, may mameet ulit na mga kaibigan at wala lang, maiba lang. Sa Bermuda nga kung hindi lang nagkaroon ng economic crisis, naghahanap na ako ng work non. Kahit dito rin sa Cinci, sobrang gusto ko na talagang makalagpas sa mission na 'to. For the past few weeks, todo talaga ako sa paghahanap ng work sa mga isla. Nafufrustrate na nga ako. Hanggang sa isan...