Special Blog Edition 2 of 2


He takes but He will give them back to you in unexpected ways. gawa-gawa ni SMC.
Hello mga kablogs! Sana nabasa niyo iyong una kong blog. Special iyon pati ito. Iyong quote sa taas hindi ko alam kung paano ikoconstruct iyong sentence pero nandyan naman iyong thought. hehe.

Sisimulan ko na ang aking 2 of 2 Special Edition blog...

October 2010 ay panahon ng paghuhukay sa kasuluk-sulukan ng aking mga bulsa para maghanap ng pera. hehe. Simula nang malipat ako sa Cincinnati, Ohio sobrang liit na ng kinikita ko. Ang laki-laki naman kasi ng tax kaya kung sa gipit ang pag-uusapan, ako po'y gipit sa pananalapi.

May natanggap akong statement last week at kailangan ko raw magbayad ng $225.00 (almost Php10,000). Eh, pambayad ko na iyon sa isa sa mga pinaghahandaan ko e. Tumawag ako sa insurance at sa clinic para sana mawaive iyong charge pero sobrang pilit sila na kailangan ko raw bayaran iyon kasi hindi ko ginawa ang dapat kong gawin. Ang nangyari kasi, nagpreventive visit ako noong Nov. 2009 sa isang clinic dito. Kailangan pala bago ako pumunta sa kahit na sinong doctor, iinform ko muna ang insurance company para icover nila. To think ha, almost a year na iyong pangyayaring iyon at wala talaga sa hinagap kong biglaan akong makakatanggap ng ganito. Haaay. Pasaway!

Mayroon akong project na pinaghahandaan at sabi ko, "Hay naku! Bahala na iyan, ayaw ko ng idagdag sa stress ko. Kung nacharge e 'di magbayad pero alam kong may kapalit yan - mas marami pa."

Pagdating ko sa bahay hindi pa rin nawawala sa isip ko kaya inaliw ko na lang ang aking sarili. Maya-maya lang ay may natanggap akong email galing sa kasamahan ko sa 4S na dati ko ring supervisor. "Tulungan niyo po akong magpasalamat sa bago nating 4S sponsor. Naghulog na raw siya sa account natin." Wow! Kahit hindi ko alam kung magkano ang ipinadala ng taong iyon, nagpasalamat ako kasi may bago na namang nahawaan ng paniniwala ng 4S. Nagreply ako sa kanilang lahat at sinabing "Kanina ko pa hinihintay ang blessings kapalit ng nawala sa akin. Heto na iyon!"

Hindi ko sinabi sa pamilya ko ang nawalang $225 dahil maboboljak ako at baka mag-alala sila. Tapos, isa sa mga matindi kong pinanalangin at nakasabay pa sa aking mga pressures ay ang tungkol sa paghahanap ng trabaho ng aking kamag-anak. Hindi ko na idedetalye. Nasagot ni Lord ang aking panalangin, ang aming panalangin at nagsabi ulit ako "Heto ulit ang kapalit! Mawalan man ako ng $225 basta babalik sa pamilya at mga kaibigan ko, masaya na rin ako."

Matapos ang ilang araw, may nagtext sa akin na bibigyan daw niya ako ng Php2,500.00 na bayad sa hiniram niya. Wow! Sabi ko, hindi ko inaasahan iyon at kung kailangan pa nila, ayos lang. Nagpumilit syang ibigay sa akin kaya may extra akong Php2,500. "Wow! Heto na ang kapalit ng $225.00!"

Kahapon, habang abala sa aking big project, may natanggap akong text message from Switzerland at nagsasabing, "Shel, nagpadala ako ng Php5,000 para sa 4S. Pakikuha na lang ni Ms. Nelileen Sawali sa Western Union." Nakilala ko lang sya sa Facebook. Hindi ko sasabihin ang pangalan para the reward will come from heaven. "Grabe! Ang bait mo Lord! $225.00 lang ang nawala sa akin pero iyong ibinabalik Mo, sobra-sobra pa."

Teka, hindi ko pa pala nasabi na may isa ring kaibigan from Bda ang nagsabi, "Shel, papuntahin mo ulit si Kuya Rye sa store para makapagbigay ulit." Talagang grabe ka Lord!

Walang halong exaggeration yan! Pinababa ko pa nga iyong Php2,500.00 e. Sabi sa nabasa kong book ang pagshashare raw ay kagaya ng garapon na punong-puno ng mga batong ligaw (hindi mamahalin). Paano raw makakapasok ang mga batong mamahalin kung hindi ka magtatanggal ng mga batong ligaw? Kapareho iyan kapag nagbabahagi ka, may nawawala sa iyo pero hindi ibig sabihin nawala na lang iyon. Nawawalan ka kasi nagkecreate ka ng space sa mas masaganang biyaya.

Kung matututunan lang ng marami ang pinagsasabi ko at ng mga librong nababasa ko, sasagana tayong lahat. Uulitin ko po, ang 4S ay hindi lang basta pagtulong sa mga kabataang nangangailangan. Ito rin po ay paanyaya sa mga tao na matutunang magbahagi sa kapwa upang lalong magkaroon ng masaganang buhay.

May kakilala po akong sumasahod lang ng Php6,500 dati pero marunong syang mangalaga ng mga treasures na alam niyang tagapangalaga lang sya. Dahil naimpress sa kanya ang tunay na may-ari, bingyan pa sya ng maraming Php6,500...

Subukan mo lang. Simulan mo sa Php50.00 at bumili ng lapis. hehe. Maniwala ka sana... Gusto lang talaga kitang tulungan. O kaya para maniwala kang wala akong interest sa pera mo, itulong mo sa mga kamag-anak mo o kapit-bahay. Isurprise mo sila ng isang kilong bigay at samahan mo na rin ng delata. hehe. Please....
Ayun lang! God bless us all! Next week ulit

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?