Hello mga kablogs! Sabi ko sa blog ko kahapon, durugtungan ko pero ang gusto kong ishare ngayon ay hindi iyong naisip kong idagdag nong Saturday. Saka na lang ulit iyon... Gusto ko lang ishare iyong pakiramdam ko kanina sa stations of the cross. Malayo pa ang Good Friday, may stations of the cross na?? Opo. Kung hindi kayo aware, lahat ng bansa mayroon niyan (sa tingin ko). Ginawa ko iyan sa Bermuda, sa Cincinnati hindi yata kasi masyadong maaga iyong schedule nila eh nasa office pa ako, tapos ngayon nga sa HK. Noong misa pa lang, sinasabi ko na sa sarili ko na pagbalik ko sa bahay magbu-book ako ng ticket to the Philippines dahil gusto kong maging meaningful ang holy week ko. Bago magsimula ang stations of the cross, sinabi ng leader na gawin daw naming meditative at reflective kaya naman nadala talaga ako ng mensahe ng paghihirap ni Hesus. Feeling ko nandoon ako habang pinapako Siya sa Krus. (Hindi naman ako naiyak, muntik lang) Kaya nga gustong-gusto kong ginugunita ang Triduum sa P...