BANGAG DAY


Jesus appearance was changed before them; his face shone like the sun and his clothes became bright as light. Mt. 17:2


Hello mga kablogs. Ang sakit ng ulo ko dahil sa sobrang kalasingan (kuwentuhang nag-uumapaw sa tuwa at tawanan). Ano kayang kahihinatnan ng Sabado ko... kailangang mag-aral pero hindi naman makapag-isip ng maayos. Gustong makabawi sa tulog pero hindi naman na makatulog. Eh bakit hindi na lang bumangon, buksan ang laptop at simulang magtype?

Sa totoo masarap sa pakiramdam na nagiging instrument ni Lord na magshare ng mga salita Niya pero minsan nakakakonsensiya rin na I'm not living perfectly ayon sa mga utos Niya. Wala akong karapatang tawaging disipulo Niya dahil ako'y makasalanan. Minsan nga naiisip ko, will I end my sins or will I end inspiring others? Sabi ko hati na lang - bawas ng kasalanan at mag-inspire pa rin.

Kagaya ng sinasabi ng gospel ngayon about transfiguration (ang pagpapalit ng anyo ni Lord), bilang mga tao madali rin tayong magpalit ng anyo. Mabait na Tatay sa loob ng bahay pero nagkakasala pala sa labas ng bahay. Mabait na estudyante sa loob ng klase pero sutil palang anak. etc. etc. Siguro chinachallenge tayo this week na imbes na from good to bad, gayahin natin si Kristo na from ordinaryong anyo ng tao, nagpalit anyo Siya sa isang Diyos.
Stand up, do not be afraid. Mt. 17:7

May natanggap akong email galing sa kaibigan kong kasalukuyang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Isa pa naman ako sa mga nagtulak sa kanya na itake ang risks. Halatang-halata sa kanya ang pangamba na siguro kung ako ang nasa kalagayan niya, susuko na rin ako. Sagot ng isang taong makapagpagaan lang ng loob ay "Kaya mo 'yan, oks lang yan, darating din ang para sa iyo." Marahil minsan sa taong dumaraan sa pagsubok, gasgas na ang mga katagang ito at minsan wala ng bearing.

Para sa iba pang mga kaibigan kong dumaraan sa ganitong point, sa totoo ganito rin ang sasabihiin ko pero dadagdagan ko ng kaunti at napatunayan ko na dahil minsan din akong nangambang mawalan ng trabaho. Sinagad ko ang sarili kong kakayahan. Araw-araw akong naghahanap ng trabaho noon na kahit nga delikadong bansa pinasahan ko rin ng resume. Palagi rin akong nagcocompute ng pera ko kung makakasurvive ba ako in case nga na mabakante. Ganoon palagi ang takbo ng araw ko, hanap ng trabaho, mag-compute, mag-alala. Ang kinalabasan ay kulubot na noo. Isang araw sumuko na talaga ako. Sumuko ako kay Lord. Hinayaan ko Siyang kumilos para sa akin. Sa totoo lang kung hindi pa ako napagod ipinagpatuloy ko ang pagsaid ng lakas ko to solve my problems on my own.

Ganyan yata si Lord na kagaya rin ng mga Tatay at Nanay natin. Hahayaan muna nila tayong isolve ang mga issues na kinakaharap natin para mag-grow tayo at saka lang sila papasok kapag alam na nilang kailangan natin sila. Baka naman sabihin niyo, eh bakit minsan hindi sila lumalapit kahit alam na nilang kailangan natin ng tulong? Ang tanong ko naman, did you ask their help? Kahit na lang sa trabaho - mapapabrika o opisina. Hahayaan lang tayo ng mga managers natin na gawin ang tasks natin, kahit nga minsan alam na nila ang solusyon sa ginagawa natin, hindi pa rin nila sasabihin para mag-isip pa rin tayo. Kapag nakita na nilang we did our best at sinamahan pa ng pagpapakumbaba, RESCUE IS COMING.


Uulitin ko ulit, God sees the big picture. Ang lahat ay pana-panahon lang. Masyado nating pinipilit ang sarili natin sa isang bagay at kapag hindi natin nakukuha, nagtatampo tayo. Bakit hindi tumaas ang position ko sa dating department? I did my best pero hindi nila narerecognize? Bakit hindi ko naipasok ang kapatid ko sa company para kahit paano may kasama ako sa nakakalungkot na bansa na iyon? If those things happened, nastuck na ako sa department na iyon at hindi ko nakilala ang mga kaibigan ko ngayon. Kung nangyari ang mga gusto ko, hindi ako naging mas matatag ngayon sa mga pagsubok na nararanasan ko at hindi ko natatamasa ang benefit na kapag gusto kong lumipad to Phil, it will be easy for me.

Simula nang maranasan ko ang mga pagsubok na iyon, natuto na ako. Hindi pa naman ako sobrang subok na tao pero napatunayan kong alam ni Lord ang ginagawa Niya. Siya ang author ng PROCEDURES NG BUHAY at dahil Siya ang nagsulat walang palya at hindi na kailangan ng revisions. Basta hayaan lang natin Siya. Gawin natin ang part natin pero hindi ibig sabihin na hindi natutupad ang mga gusto natin, we are failed, God failed us. It only means, we need to change direction dahil may ibang nakalaan sa atin. At sa bawat panalangin natin gaya ng kuwento sa Facing the Giants, if we win we will praise the Lord, if we lose we will still praise the Lord.

Bow. God bless us all at ipagdasal natin ang bawat isa lalo na itong kaibigan ko. Salamat po

NS, magchat na tayo at ng masermunan na kita. hehe

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?