Pasalubong
Holy Saturday - Maraming pagbasa at kinakantang salmo sa madilim na simbahan (court). Ayan ang kapansin-pansin tuwing Sabado de Gloria. Ang pinakagusto ko naman ay kapag bubuksan na ang ilaw at kakantahin ang “Papuri.” Kung napansin niyo hindi kinakanta ang Papuri at Alleluia during lent kaya talagang nakakaexcite kapag muling maririnig. Para bang pakiramdam ng isang nanliligaw kapag narinig niya na ang “Yes, I love you too” ng nililigawan niya. Ito rin ang panahon na nirerenew natin ang ating pangako sa binyag. Sasagot sa mga tanong ni padre ng “Opo, sumasampalataya at Opo, itinatakwil namin.” Kaya ginagawa ito taun-taon dahil may isip na tayong magconfirm sa mga pananampalataya natin. Noong tayo’y bininyagan, ang mga ninong at ninang natin ang sumagot sa pari in behalf of us. Isa pa ipinapaalala ang ating faith. O diba, puwede ng kahalili ni Father sa homily. Hehehe. Magagaling ang mga parish priests sa SILP kaya natanim sa isip ko. Maraming kulang sa paliwanag pero makakatulong na r...