Magpakumbaba nang maging kaaya-aya
Thursday of the Holy Week
So when he had washed their feet
and put his garments back on and reclined at table again,
he said to them, "Do you realize what I have done for you?
You call me 'teacher' and 'master,' and rightly so, for indeed I am.
If I, therefore, the master and teacher, have washed your feet,
you ought to wash one another's feet.
I have given you a model to follow,
so that as I have done for you, you should also do."
Washing of the feet - Sigurado akong busy na naman si Nanay sa pagkumpleto ng plangganita, pitsel at mapuputing face towels na gagamitin sa ceremony mamaya. Ano nga ba talagang ibig sabihin ng paghuhugas ni Hesus ng mga paa ng mga alagad Niya? Ilagay na agad natin sa sitwasyon sa simbahan para mas madaling intindihin. Si Padre ang pinakapinuno sa parokya. Sa paghugas niya ng paa ng mga parishioners niya, ibig sabihin nagpapakumbaba siya. Ang paliwanag nga ng isang pari, bago mo raw mahugasan ang paa ng isang tao kailangan mong lumuhod which is posture ng nagpapakumbaba. Ang tao kasi madalas na mataas ang tingin sa sarili na kapag pinuno dapat palaging nasusunod, which is taliwas sa mensahe ng paghuhugas ng paa…
Makakapaglingkod tayo nang lubos sa ating kapuwa kapag marunong tayong magpakumbaba. Halimbawa ay gusto mong tumulong sa mga kamag-anak mo kaya lang napipigilan ka ng pride mo na dala-dala mo pa dahil sa tampuhan niyo dati. Para matupad ang mabuting kalooban ng Diyos, dapat ay magpakumbaba ka at kalimutan ang nakaraan. Isa pang halimbawa ay ang pagbibigay ng hug sa kapwa. Gaya ng nabanggit ko sa isang blog na ang hug ay nakakabuti sa tao. Paano mo mayayakap ang kapwa mo kung masyado kang maarte na ayaw mong madapuan ng germs? Maganda ring halimbawa ang mga magulang o nakakatanda sa atin. Hindi ibig sabihin na mas matanda, tama ang lahat ng sinasabi. Matuto sana tayong iweigh ang lahat ng bagay at pakinggan din natin ang sinasabi ng iba kahit nakakabata sa atin.
Nagawa ni Hesus na magpakumbaba sa mga alagad Niya, sikapin din nating magpakumbaba sa ating mga kapuwa.
Chrism mass experience – Kagabi ginanap ang Chrism mass dito. Simula nang dumalo ako sa Chrism mass kagabi lang ako nakaupo sa pew. Palagi kasi kaming late dati pero kagabi mas maaga kami kaya nakapuwesto kami nang maayos. Napakaganda ng misa at talaga namang nakadagdag ang naggagandahang boses ng choir. Natutuwa ako sa sarili ko kasi kahit na wala ako sa Pilipinas nagagawa ko pa ring makadalo sa mga activities na nakasanayan ko. I encourage you na habang may chance pa kayong maranasan ang Pinas holy week, igrab niyo na. Malay mo makapag-abroad ka rin gaya ko na palaging sinasabi “Iba pa rin ang Pinas, hahanap-hanapin talaga.”
Abangan niyo naman bukas ang sharing ko sa isang huling pitong wika.

Comments