Life is Like Going to a Theme Park
Follow me, and I will make you fish for people. Hello mga kablogs! Nagpapsalamat ulit ako kay God sa pag-allow Niyang makapasok si Kuya sa HK. Kahit nahold ulit siya sa HK Immigration at akala ko long night na naman iyon nangibabaw pa rin ang mercy ni Lord na igrant na ang pagpasok ni Kuya this time. Kaya naman susulitin namin ang bawat araw ng stay niya rito sa HK. Nagpunta kami kahapon sa Disney Land. Noong una, sa Ocean Park na lang sana kasi nga nakapunta na ako sa Disney Land pero sabi ng aking adviser mas mabuti raw na iparanas ko ang Disney kay Kuya and the rest is in this blog. Love is sweeter the second time around. Disney experience is nicer the second time around. Marami akong naisip na sabi ko ilalagay ko sa blog. Simulan na natin. Lesson 1: Pagiging maagap Lahat tayo ay may pagkakataon sa mga blessings at opportunities sa mundo pero dahil minsan ay hindi tayo maagap, napapalagpas natin ang pagkakataon. Palagi tayong MANANA HABIT, Mamaya Na tutal mahaba pa naman ang ...