Life is Like Going to a Theme Park
Follow me, and I will make you fish for people.
Hello mga kablogs! Nagpapsalamat ulit ako kay God sa pag-allow Niyang makapasok si Kuya sa HK. Kahit nahold ulit siya sa HK Immigration at akala ko long night na naman iyon nangibabaw pa rin ang mercy ni Lord na igrant na ang pagpasok ni Kuya this time. Kaya naman susulitin namin ang bawat araw ng stay niya rito sa HK.
Nagpunta kami kahapon sa Disney Land. Noong una, sa Ocean Park na lang sana kasi nga nakapunta na ako sa Disney Land pero sabi ng aking adviser mas mabuti raw na iparanas ko ang Disney kay Kuya and the rest is in this blog.
Love is sweeter the second time around. Disney experience is nicer the second time around. Marami akong naisip na sabi ko ilalagay ko sa blog. Simulan na natin.
Lesson 1: Pagiging maagap
Lahat tayo ay may pagkakataon sa mga blessings at opportunities sa mundo pero dahil minsan ay hindi tayo maagap, napapalagpas natin ang pagkakataon. Palagi tayong MANANA HABIT, Mamaya Na tutal mahaba pa naman ang oras. Hanggang sa huli ay magsisisi ka na kasi wala na palang susunod na pagkakataon.
Dapat ay 10:00am nasa Disney na kami kaya lang nagpatumpik-tumpik pa ako at kung anu-anong mga pinaggagawa kaya nakarating kami roon ng 12:30pm na dapat sana ay 10:00am kung ginusto namin.
Lesson 2: Pagiging handa
Hindi ako organized pero I'm trying. Mabuti na lang kamo at sumilip ako sa website ng Disney kahapon ng umaga at inalam ko kung anu-ano ang mga highlights sa araw na iyon. Iyong sinasabi ni Sean Covey na hindi ibig sabihin ay maraming nagpupunta, doon ka na lang susunod. Kadalasan pa nga ay iyong less travelled by ang may mas magandang opportunities. Kahit nahuli kami ni Kuya, napuntahan pa rin naman lahat ng BEST attractions.
Lesson 3: Pagiging matiyaga
Hay naku naman sa pila ang best attractions. Gustuhin man naming makapunta sa ibang lugar hindi na nga kami nakapunta kasi naubos na ang time namin sa paghihintay. Lalo na iyong sa Golden Mickey. Hindi ko napuntahan 'to nong una kong punta at sobrang nagandahan talaga ako lalo na si Kuya Athan. Tuwang-tuwa talaga kami. Totoo po ang kapag may tiyaga may nilaga. Huwag tayong maiinip kung hindi pa natin nakukuha ang mga inasam-asam natin dahil makukuha rin natin iyon in His time at tagalang matutuwa tayo.
Lesson 4: Life is full of blessings
Kahit dumating pa kami ng 10:00am sa park
Naalala ko iyong kuwento na pag-akyat niya sa langit nakita niya ang isang box na punung-puno ng mga regalo. He asked God kung bakit daw ang daming laman ng box pero hindi napunta sa kanya. Sabi lang ni God hindi ka kasi humingi.
Comments