Sino'ng idol mo doon?
Hello bloggers! Mas maaga ngayon ang aking blog para kasabay sa mahalagang araw ng item for this week. Sobrang haba ng pagbasa para sa Palm Sunday. Iyong may tiyaga at maraming pasensya lang ang magbabasa simula sa umpisa hanggang sa dulo. Naniniwala ako na isa si Ate sa magtitiyaga at magpapasensya na basahin ang mabuting balita dahil iyon kasi ang nature niya at talaga namang hinahangaan ko siya dahil sa mga katangiang iyon at idagdag pa ang malawak niyang pang-unawa. How would I describe Ate Nym dati? Sobrang strict at disiplinado. Malinis dapat ang bahay lalo na ang kuwarto niya. Pareho sila ni Memey na kapag naglilinis lilipad ang mga gamit mong nakakalat or hanapin mo sa basurahan. Lumaki kaming may takot sa kanya. Sa katunayan mas natatakot pa ako sa kanya kaysa kay Nanay. Isang tingin lang niya, dapat sumunod ka sa gusto niya. Fortunately, hindi naman siya nananakit. Wala akong maalala na kinurot niya kami. Palagi rin niyang ichecheck ang grooming mo (Naku te, please lang huwag...