Sino'ng idol mo doon?
Hello bloggers! Mas maaga ngayon ang aking blog para kasabay sa mahalagang araw ng item for this week. Sobrang haba ng pagbasa para sa Palm Sunday. Iyong may tiyaga at maraming pasensya lang ang magbabasa simula sa umpisa hanggang sa dulo. Naniniwala ako na isa si Ate sa magtitiyaga at magpapasensya na basahin ang mabuting balita dahil iyon kasi ang nature niya at talaga namang hinahangaan ko siya dahil sa mga katangiang iyon at idagdag pa ang malawak niyang pang-unawa.
How would I describe Ate Nym dati? Sobrang strict at disiplinado. Malinis dapat ang bahay lalo na ang kuwarto niya. Pareho sila ni Memey na kapag naglilinis lilipad ang mga gamit mong nakakalat or hanapin mo sa basurahan. Lumaki kaming may takot sa kanya. Sa katunayan mas natatakot pa ako sa kanya kaysa kay Nanay. Isang tingin lang niya, dapat sumunod ka sa gusto niya. Fortunately, hindi naman siya nananakit. Wala akong maalala na kinurot niya kami. Palagi rin niyang ichecheck ang grooming mo (Naku te, please lang huwag mong ipapagupit buhok ko ha. hehehe) Kahit na strict at disiplinado si Ate nangingibabaw pa rin ang ugali niyang mapagmahal, mabait, mapagbigay at ever supportive. Siya rin ang unang leader ko sa gawaing simbahan dahil siya ang president ng Legion of Mary noon. Gaya rin ng mga PYM, active rin si Ate sa mga youth activities like teatro, choir, atbp. Siya ang aking idol! Dahil sa kaniyang talino, sipag at tiyaga naging successful ang kanyang pag-aaral at iba pang aspeto ng buhay. Nagtapos siya as Valedictorian sa Nagkaisang Nayon Elementary School at Novaliches High School at with honors naman sa Colegio de San Juan de Letran. Sa sobrang dami ng puwede kong sabihin sa kanya baka kasinghaba ng pagbasa ngayon. Hehehe. Kaya magfocus tayo sa mga main points.
Magaling siyang mang-inspire sa pag-aaral sa aming magkakapatid. Lalo kaming nagsisikap noon kasi sa bawat ribbon at medal na matatanggap namin Jollibee ang katumbas. Naalala ko rin noong hindi ako sumipot sa isang Chess Tournament kaya pinangaralan niya ako na hindi raw dapat pinapalagpas ang bawat opportunity. Mayroon din siyang convincing power na siya ang tinatawag kapag kailangan ng kausapin ng seryoso ang isang taong naliligaw. Nagsikap din ako sa aking trabaho dahil gusto ko ring gayahin ang palagian niyang pagpapasalubong tuwing sahod ng ice cream, pancit malabon, ubas para kay nanay, chips, umaapaw na milo, gatas at iba pang pagkain. Higit sa lahat, kahit na mayroon na siyang sariling pamilya sinuportahan pa rin niya kami.
Nong nagpang-abot ang mga edad namin, nagbago na ang relationship namin - para na kaming magkakabarkada. Maniniwala ba kayo na siya ang nag-impluwensya sa aking uminom ng alak? Hindi ko malilimutan ang pasko na iyon, nagkocomputer ako sa kuwarto niya tapos sabi niya tikman ko raw ang San Miguel. Wala naman daw masama sa pag-inom ng alak basta alam mo kung ano ang ginagawa mo at nilalagay sa tiyan. Heto pa, alam niyo bang si Lolo Ote ang kajamming niya non? Hehehe. Sa awa ng Diyos, 90+ na si Lolo at malakas pa (in fact dadalawin namin sya); kami naman ay “professional alcohol drinkers” na (nalalasing pero matino pa rin).
Kakaiba ring mag-isip si Ate. Maraming pangyayari sa aming pamilya at mag-anak na iba ang pananaw ko sa pananaw niya. In the end, tama pala siya at mabuti na lang nakinig ako. Bago nga kami magdecide, siya muna ang tatanungin namin. Ang nakakabilib pa sa kanya ay sinasangguni rin niya ang mga opinion namin. Sa pamilya namin, mayroon din kaming gm (group message) like "Hello sa inyong lahat... sa palagay niyo? pagpray natin ha. Lab u." Astig diba? Ganyan kami kaconnected sa bawat isa.
My dearest Ate, sobrang laki ng naging impluwensya mo sa akin. Anuman ang maaabot ko, isa ka sa mga naging dahilan. Salamat sa lahat ng suporta lalong lalo na ang privilege na nakapag-aral ako ng libre sa Letran dahil sa’yo. Salamat sa lahat ng mga ginawa mo kaya nagsikap din kami sa mga buhay namin. Hangad ko na marami pang maging kagaya mo para mainfluence rin nila sa mabuting paraan ang mga kapatid nila.
Happy Birthday Ate Nym! Mabuhay ka!

Bloggers, tulad ni Hesus at ni Ate Nym maaari rin tayong maging mabuting halimbawa sa kapuwa natin. Pakaisipin din nating mabuti kung sino ang ating ginagaya... Sino ang idol mo?
Comments