Bato Bato sa Langit (ang tamaan masaktan sana)
"...Everyone who is on the side of the truth hears my voice." Jn 18:37 Good morning all at happy weekend! Ang blog natin ngayon ay from one of our sharers, itatago na lang natin sya sa pangalang Maria. As I write it kunwari ako para feel na feel ang blog. Paggising ko kanina, naisip ko ang lahat ng mga dapat kong gawin. Maglaba, mag-aral, maglinis at marami pang iba na para bang kulang ang 24 oras. Pero habang naiisip ko ang mga bagay na iyon mas naiisip ko ang environment sa office namin dito sa Dubai. Ang work environment at ang mga officemates ko mismo. Paano ko magagawa ang mga dapat kong gawin kung binabagabag ako ng bagay na ito kaya idadaan ko na lang sa blog. Bago lang ako sa department namin. Ako lang ang Pilipina sa 14 staff. Ako iyong tipo ng empleyado na papasok sa office, magtatrabaho at uuwi. Ganoon lang. Nakikipag-usap din ako syempre sa mga katrabaho ko pero hindi iyong usapang "naninira ng ibang mga officemates." Bakit hindi ako sumasali sa ganoo...