Bato Bato sa Langit (ang tamaan masaktan sana)



"...Everyone who is on the side of the truth hears my voice." Jn 18:37



Good morning all at happy weekend! Ang blog natin ngayon ay from one of our sharers, itatago na lang natin sya sa pangalang Maria. As I write it kunwari ako para feel na feel ang blog. Paggising ko kanina, naisip ko ang lahat ng mga dapat kong gawin. Maglaba, mag-aral, maglinis at marami pang iba na para bang kulang ang 24 oras. Pero habang naiisip ko ang mga bagay na iyon mas naiisip ko ang environment sa office namin dito sa Dubai. Ang work environment at ang mga officemates ko mismo. Paano ko magagawa ang mga dapat kong gawin kung binabagabag ako ng bagay na ito kaya idadaan ko na lang sa blog.



Bago lang ako sa department namin. Ako lang ang Pilipina sa 14 staff. Ako iyong tipo ng empleyado na papasok sa office, magtatrabaho at uuwi. Ganoon lang. Nakikipag-usap din ako syempre sa mga katrabaho ko pero hindi iyong usapang "naninira ng ibang mga officemates." Bakit hindi ako sumasali sa ganoong mga usapan? Una, sabi sa nabasa ko ang mga matatalino ay ideas ang pinag-uusapan tapos ang kabaligtaran naman ay tao ang pinag-uusapan. Kahit naman papaano medyo masasabi ko ring wise ako kaya walk the talk. Ikalawa, pansinin niyo ha. nabasa ko rin 'to; karaniwan, sinisiraan ang isang tao syempre kapag wala sya sa usapan. Don't you think na kapag ikaw kaya ang wala, hindi kaya ikaw ang pulutan? Nagegets niyo ba? Ayaw ko sa lahat ay iyong sinisiraan ako kaya hindi rin ako makikisali kapag may mga ganoong usapan. Minsan tuloy nakakalito kasi ang tingin ko ay normal ang ganoong pag-uugali kaya lang kapag mas maraming gumagawa sa isa parang nagiging normal ang tingin ko sa hindi tama. Heto na nga, dahil tahimik lang ako wala rin silang masabi sa akin (sana nga)... Matulungin din ako sa mga katrabaho ko kasi naniniwala ako na kapag tumutulong may advantages din akong nakukuha kasi nadaragdagan iyong kaalaman ko. Ganito ako mag-isip, ganito ako magtrabaho. Kaya lang pakiramdam ko kahapon, parang pinagkaisahan ako ng 3 kong kateam. Sa tingin ko dahil hindi sila nakakarinig sa akin ng mga negative kagaya ng pagbato nila sa bisor namin akala nila panig na ako sa kabilang grupo. Tapos, nag-eexcel pa ako kasi nga dahil sa pagtulong ko marami akong natututunan. Haaay. Pagbalik nila kahapon galing sa labas hindi ko sila pinansin. Mahirap lang gumalaw sa isang environment kapag hindi ka na comfortable sa mga kasama mo.



Anong masasabi mo Shel? Pareho rin tayo ng pananaw Dubai girl. Ang paniniwala ko kasi mas mabuti pang iconfront mo ang isang tao kapag may mga hindi ka nagugustuhan sa ginagawa niya kaysa sa ibang tao mo sinasabi iyong mga hinaing mo. Ang lumalabas ay sinisiraan mo sya. Tska pala, sa bawat pagsira mo sa isang tao bumababa rin ang tingin sa'yo ng pinagsasabihan mo. Ituloy mo lang yang hindi pagsabi ng masama tungkol sa kapwa sa harap ng ibang tao kasi sabi nga "...Everyone who is on the side of the truth hears my voice."


Tungkol naman sa pakiramdam mo tungkol sa pinagkakaisahan ka, maaaring totoo o maaari ring hindi. Anuman ang totoo, magtuloy-tuloy ka pa rin sa pag-excel mo sa trabaho. Lalo mo pang patunayan na magagaling ang mga Pilipino. Tsaka palagi mong tandaan ang kasabihang "People only throw stones at trees that bear fruit," ibig sabihin lang nyan lumalabas ka na sa comfort zone mo, namumunga ka na. Hindi na ikaw iyong tahimik lang, mayroon ka ng "sinabi" at dahil magaling ka at namumunga expect mong babatuhin ka rin. Galingan mo lang umilag. hehehe. Tska pala mag-aral kang mabuti. Pairalin mo ang disiplina.


Salamat sa iyong kuwento Dubai girl. Sana maraming napulot ang readers natin.


God bless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?