Life is like a blended coffee
Coffee solves everything. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako iinom ng isang tasa ng kape - una at huling tasa ng kape para sa buong araw. Ang nanay at kapatid ko namang panganay nakaka-tatlo hanggang limang tasa yata sa isang araw. Sa office kapag hindi masyadong marami ang ginagawa, nandyan na iyong yayayain ako ng mga katrabaho kong magkape sa "Shine Box" (hindi totoong pangalan). Dahil nga solved na ako sa isang tasa ng kape palagi akong tumatanggi. Grabe pa iyong mga iyon dahil makikita mo nang nagkakape sa umaga, magkakape pa habang nagtatrabaho kaya siguro nakakatatlong malalaking cups din sila in a day. Ano nga bang naidudulot ng kape? Nagresearch ako sa google at ito ang mga nakita kong naidudulot ng pag-inom ng kape... http://www.stylecaster.com/news/7790/benefits-of-coffee-a-cup-a-day-may-keep-the-doctor-away 1. Coffee is the #1 source of antioxidants in the American diet (siguro applicable rin Filipino diet) 2. Coffee increases your metabolism 3. Coffee can...