Life is like a blended coffee


Coffee solves everything.

Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako iinom ng isang tasa ng kape - una at huling tasa ng kape para sa buong araw. Ang nanay at kapatid ko namang panganay nakaka-tatlo hanggang limang tasa yata sa isang araw.

Sa office kapag hindi masyadong marami ang ginagawa, nandyan na iyong yayayain ako ng mga katrabaho kong magkape sa "Shine Box" (hindi totoong pangalan). Dahil nga solved na ako sa isang tasa ng kape palagi akong tumatanggi. Grabe pa iyong mga iyon dahil makikita mo nang nagkakape sa umaga, magkakape pa habang nagtatrabaho kaya siguro nakakatatlong malalaking cups din sila in a day.

Ano nga bang naidudulot ng kape? Nagresearch ako sa google at ito ang mga nakita kong naidudulot ng pag-inom ng kape... http://www.stylecaster.com/news/7790/benefits-of-coffee-a-cup-a-day-may-keep-the-doctor-away


1. Coffee is the #1 source of antioxidants in the American diet (siguro applicable rin Filipino diet)

2. Coffee increases your metabolism

3. Coffee can improve short-term memory

4. Coffee lowers the rates of some cancers

5. Coffee can reduce risk for Type 2 diabetes

6. Coffee is actually good for your teeth

7. Coffee can help prevent/stop headaches


Kahit may pambili ako ng mamahaling kape, nakukuntento na ako sa simpleng kape lang. Katuwiran ko kasing sayang naman kung puwede namang magtiis sa simple. Itutulong ko na lang sa kapuwa ang excess money ko. Itutulong ko na lang sa batang wala ng mga magulang kaya hindi na nakakapag-aral at minsan nga ay hindi pa nakakakain nang maayos. Mga batang napagkaitang magkaroon ng isang masayang pamilya na ang isang simpleng laruan ay makakapagpasaya na sa kanila. Mga batang gustong magtapos ng pag-aaral pero kapos sa pananalapi. Itutulong ko na lang kanila kaysa bumili ako ng mamahaling kapeng marami palang benefits kaya may kamahalan.


Hanggang sa nalaman ko ang tungkol sa La Nilad Coffee and Tea House na may branches sa SM City Pampanga, Clark at Tarlac. Umiinom lang ako dati ng kape dahil nakasanayan ko na. Ngayon sa bawat paginom ko ng kape naiisip kong sana isang araw makapunta ako sa mga branches na ito at matikman ang masarap nilang blended coffee, hindi lang basta nakasanayan pero para na rin sila'y suportahan.

Hindi na ako manghihinayang gumastos ngayon sa bawat beneficial blended coffee na bibilihin ko sa La Nilad Coffee and Tea House dahil isa sa kanilang advocacies ay makatulong sa mga batang nangangailangan through World Vision (http://www.worldvision.org.ph/about-us/our-mission). Naniniwala ang may-ari na ang kinikita niya sa kanyang business ay hindi lang lahat para sa kanya. Alam niyang kailangan niya itong ibahagi lalo na sa mga nangangailangan kaya naman naisip niyang paraan ay sumanib sa World Vision at ngayon nga ay may 2 bata silang natutulungan.


Sa mga taga-Tarlac, taga-Pampanga at taga-Clark na ang hangad ay kapareho ko ring makatulong sa mga batang nangangailangan and at the same time ay makainom ng masarap na blended coffee, bisitahin po natin ang mga stores nila. Pakisabi na rin po sa mga kaibigan niyo.


Our life is like a blended coffee. Hindi lahat ng natatamasa natin ay dahil sa atin lang. Natamasa natin dahil sa mga pinaghalu-halong karanasan at mga nakasama/nakakasama sa buhay. Buksan po natin ang ating mga puso sa mga batang nangangailangan at bigyan natin sila ng pag-asa. Hindi man po tayo mayaman na kayang mag-sponsor ng mga bata, sa pagtangkilik sa La Nilad Coffee and Tea, nakakatulong na tayo sa ating munting paraan.


Salamat po!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?