Posts

Showing posts from February 13, 2011

yaki-sobra

YAKI-sobra .by Maria Shiela M. Cancino on Saturday, January 22, 2011 at 10:49pm. The people who lived in darkness have seen a great light. Mt. 4:16 Hello mga kablogs! Sinisipon na, sumasakit ang ulo, inaantok pa. Naku po! Paano na ang mga pangarap.... Kahit anong condition ko, palagi pa ring may blog siyempre. Maiksi lang ulit para makatulog na. Hinahanap ko iyong article re God's ways of answering prayers. Iyong YES, WAIT at NO. WAIT - ibibigay sa iyo pero sa tamang panahon NO - hindi ibibigsy sa iyo dahil may ibang nakalaan YES - ibibigay sa iyo now na dahil makakabuti sa iyo Sobrang gutom na ako kagabi at pagpasok pa lang sa restaurant, nananabik na akong matikman ang specialty ng pagkain ng mga Korean. WAIT... kaloka kasi nakahain na iyong order pero uminom muna ng alak. Ayun! Tinamaan ng alcohol at nalasing nang madali - panandalian ding kalasingan kasi nakakain din naman agad kami. Yehey! Sa isip-isip ko, "ang mga tinitignan-tignan ko, nakakain ko na....

24 oras

"Be glad and joyful, for a great reward is kept for you in God." Mt. 5:12 Hello sa lahat. Ang aga kong nagising pero hindi naman conditioned ang mind ko dahil late naman akong natulog kagabi (kaninang madaling araw pala) kaya hindi rin makapag-aral. Ano kaya iyon? Kapag maayos ang tulog ko ayaw ko namang bumangon kasi nakakatamad. Grabe na ito, parang mangyayari na naman ang nakaraan. Last year, dahil sa kayabangan kong kaya kong ipasa ang exam na "mas madali" pa sa naipasa kong exam, hindi ko masyadong sineryoso. Palagi pa nga akong nakababad sa FB. Hanggang sa bumagsak ako at bumagsak ULIT. Dagok sa akin iyon ha bukod sa ang laking nawalang pera sa akin, nawalang time, nakadagdag stress pa dahil hindi ako nakakatulog nang maaayos. Buti na lang naawa rin at nakalusot nong pangatlong take. Nasa part 2 na ako ngayon at nagdecide na nga ako 2 weeks ago na magsisimula nang mag-aral. Nong una, nakakagising pa ako ng maaga e pero nong tumagal nawala na naman a...

Simpleng buhay

SIMPLENG BUHAY .by Maria Shiela M. Cancino on Saturday, February 5, 2011 at 10:52pm. "In the same way your light must shine before others, so that they may see the good you do and praise your Father in heaven." Mt. 5:16 Simpleng buhay ay kay ganda - Ariel Rivera. Nakakuwentuhan ko ang kaibigan kong simpleng namumuhay. Simple lang din siyang trabahador pero nabigyan ng pagkakataong mamuno kaya naman nabigla siya. Nakakatuwa rin daw pero maikukumpara talaga ang buhay ng isang simpleng mangggawa sa higit sa simple. Dati kasi wala raw siyang iniisip kung malelate siya pero ngayon nahihiya na siyang maunahan ng mga katrabaho niya. Dati rin kapag tapos na ang trabaho, tapos na rin ang sa kanya - puwede ng umuwi. Pero ngayon, kala mo hawak niya ang susi na minsan ay nahuhuli pa, etc. etc. Naalala ko tuloy ang pinsan kong simple rin tapos biglang naisipang bumili ng motor. Two weeks ago lang nakareceive ako ng text - nakabangga si Bugoy, magbabayad daw ng Php15,000.00. Iyon...

Karerang Pag-ibig

Noong HS kami sabi ng teacher ko, "ang mahirap sa generation ngayon, minamadali ang lahat." Dapat daw kasi ay pagkakakilala > pagkakaibigan > panliligaw > engagement > pag-aasawa. That was 12 years ago. Kung ang generation namin noon ay ganyan na ang tingin ng mga panahon ni Maam eh di lalo na sa generation ngayon. Kung noong panahon namin tinatalunan ang engagement, parang sa tingin ko sa panahon ngayon karamihan PAGKAKAKILALA AT PAG-AASAWA na agad. Ang daming tinalunan. hehe. Diba dati ang pag-aasawa ay between 23 and 25 years old? Tapos nag-iba ang trend, naging 26-28, tapos ngayon iba na rin early 30s naman. Itong sinasabi ko ay iyong mga couples na parehong may pangarap. Sila iyong nag-iisip muna bago pumasok sa isang complicated na buhay. Minsan nga kahit kasal na, todo budget pa bago magdedecide na magkaanak. May mga kabataan ngayon magugulat ka na lang dahil hindi pa nga nakakatapos ng kolehiyo, ikakasal na agad. Iyong iba naman sa sobrang kasiya...

notes of my life

Parang sa lahat ng araw, simula alas-6 ng gabi Feb. 9 hanggang ala-1 ng hating gabi Feb 10 pinakamarami ang notes ko... Ito na ang finale. Promise. Nag-aaral na nga ulit ako 'di ba tapos habang patagal nang patagal pahirap nang pahirap at parang gusto ko maraming time para nga mas makapag-aral pa. Given na ang internet surfing don kasii Facebook lang talaga ang libangan ko. Narealize ko lang TIME IS SHORT. Ilang buwan na lang exam na at halos one month na ang nakain sa budget schedule ko pero heto ako ngayon, I cannot say na comfortable na ako. Talagang wala pa. Narealize ko ulit, pano kaya iyong ibang tao about sa 2011 nila? Nangarap man lang ba sila na sana magkaroon ng mas maraming kakilala/kaibigan, tumaas ang kita, tumaas ang positiion sa trabaho, maging mas responsableng magulang/anak/kapatid, mas maging active sa mga organizations (PYM), mamaintain ang pagdalo sa misa, mas maging lovable sa mga kavalentine, etc. etc. etc.... Paano kaya ang 2011 ko? Ilang araw na lang t...

Love Is In The Air

I tell you, then, that if you are not righteous in a much broader way that the teachers of the Law and the Pharisees, you cannot enter the kingdom of heaven. Mt. 5:20 Hello mga kablogs! Actually, ang in the air ay amoy ng pniritong galunggong. Haha. Addict na yata ako sa isda at kapag may nakita ako, binibili ko agad. Syempre, kailangang IN din ang blog ko at makikivalentine. 2 ang blogs ko ngayon - isang pangkalahatan at ang isa pampagising sa mga kabataan. Sa pangkalahatan muna tayo. Palagi akong nangangarap na baguhin ang mundo. Totoo yan! Sabi sa book ni S. Covey, bago raw mabago ang mundo, simulan muna sa sarili. Sa pag-aakala kong pasado na ako (80%), sinunod ko ang family ko, mga kamag-anak, kasama sa simbahan, mga katrabaho/kaibigan at naabot ko pa nga ang barangay level. Isang araw natuklasan kong may issue sa 4th level (PYM). Bigla akong huminto at nag-isip-isip kung saan ako nagkamali. Hanggang sa binalikan kong muli ang 3rd at 2nd levels at ang aking sarili. Natuklasan kong...

Nawawala, Bumabalik

Give when asked and do not turn your back on anyone who wants to borrow from you. Mt. 5:42 Hello mga kablogs. Sleeping time na pero magbabablog muna ako. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang alaala ng aking buhay Bda at Cincy. Marami pa ring nagtatanong, "nasa Oh ka na, nagHk ka pa?" Hindi naman sigurado pero sa tingin ko kung nagstay pa ako ng ilang taon sa Cincy malamang nakipagbargain na ako ng green card. At sa katotohanan nga ang expiration pa ng visa ko ay sa 2012 pero bigla-bigla na lang nasa Asia na pala ako. Bago pa lang ako lumabas sa airport, may isa na agad pagsubok at nagulat pa ako sa environment ng napili kong tuluyan pansamantala. Nadagukan ko tuloy ang sarili ko... "nandon na e, umayaw pa." Kaya rin naman sa bahay bawal magsabi ng mga negative rito kasi yari ako kay Mudra. Sasabihin lang niyang "ang ayos-ayos ng lagay mo roon, lumilipat-lipat ka pa. Bahala ka." Napakawalan ko ang ang pagkakataong magkaroon ng green card pero sa totoo la...