yaki-sobra

YAKI-sobra
.by Maria Shiela M. Cancino on Saturday, January 22, 2011 at 10:49pm.

The people who lived in darkness have seen a great light. Mt. 4:16



Hello mga kablogs! Sinisipon na, sumasakit ang ulo, inaantok pa. Naku po! Paano na ang mga pangarap.... Kahit anong condition ko, palagi pa ring may blog siyempre. Maiksi lang ulit para makatulog na.



Hinahanap ko iyong article re God's ways of answering prayers. Iyong YES, WAIT at NO.



WAIT - ibibigay sa iyo pero sa tamang panahon

NO - hindi ibibigsy sa iyo dahil may ibang nakalaan

YES - ibibigay sa iyo now na dahil makakabuti sa iyo



Sobrang gutom na ako kagabi at pagpasok pa lang sa restaurant, nananabik na akong matikman ang specialty ng pagkain ng mga Korean. WAIT... kaloka kasi nakahain na iyong order pero uminom muna ng alak. Ayun! Tinamaan ng alcohol at nalasing nang madali - panandalian ding kalasingan kasi nakakain din naman agad kami. Yehey! Sa isip-isip ko, "ang mga tinitignan-tignan ko, nakakain ko na." Patience is a virtue talaga.



Kakatuwa iyong mga pagkain. Malilit lang iyong servings pero ang dami kaya naman sinubukan ko ang lahat except sa ilan. Kumuha rin ako ng isang hiwa ng octopus. Kahit alam kong may mga kadena ang ngipin ko, pinagpilitan ko pa ring makipagngat-ngatan. Sobrang pinag-isipan ko kung lulunukin ko ba o iluluwa. Baka naman mabulunan ako, mamatay pa nang madali. Hanggang sa sabi na ng katabi ko, "lagay mo na sa tissue." Eeew. NO. Hindi para sa akin ang karne na iyon.



Aha! Kung nagtagal akong ngumuya nang ngumuya para lang matadtad ang laman hindi ko nakain agad ang isa pang putahe. YES. "Tikman mo 'to kasi ito talaga ang para sa iyo."



Simpleng paghahalintulad lang iyang ginawa ko pero kung titignan natin ang ating mga buhay maraming-maramiing instances na nalulungkot tayo kasi God is not yet answering our prayers at minsan pa nga He is saying NO. Yes answered prayers don't matter much (dahil expected) pero itong WAIT and NO ang nagpapahirap sa mga sarili natin if we don't understand their real meaning.



Kahit nga ako na ilang beses nang dumaan sa tests, bumabagsak pa rin kapag may panibagong test kasi nga dahil tao lang tayo, ang tendency gusto nating matupad palagi ang hinihiling natin. Minsan nakakalimutan nating alam na ni Lord ang wakas ng simula.



Mag-esep-esep ka kung anong mga pangyayari sa buhay mo ang sinagot ka ni Lord ng WAIT and NO at anong natutunan mo.



Pahabol. I once put on my wall na ang problema ay nagpapatibay sa tao. Tapos may nagcomment, "Shiela, bakit parang ayaw akong lubayan? Ang tagal ko nang kiinakaharap 'to." Bigla kong naikumpara kanina sa karne ng octopus. Siguro hindi naman natin dapat iembrace ng bonggang-bongga ang mga problema. Tama na siguro na may natutunan tayo at kung hindi talaga natin kayang i-solve, isuko na natin kay Lord and let Him close the chapter para makapagsimula ulit.



Halimbawa, hindi ka na masaya sa asawa mo dahil palagi kang binubugbog. Bakit mo pa uubusin ang pasensya mo kung puwede mo naman siyang iwan pansamantala at baka magising pa ang diwa kapag nawala ka sa buhay niya. Nagets niyo ba? Hindi naman siguro sabi ni Lord na kapag binigyan kita ng problema dapat hindi ka aalis hangga't hindi solved. May mga bagay na ang solusyon lang ay LETTING GO and LETTING GOD.



Ayun lang! Makita nawa sa atin ng ating mga kapuwa ang liwanag na nanggagaling kay Kristo.



Isang mapagpalang linggo sa lahat! Muling mabubuhay ang PYM! Salamat sa Diyos!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?