Love Is In The Air

I tell you, then, that if you are not righteous in a much broader way that the teachers of the Law and the Pharisees, you cannot enter the kingdom of heaven. Mt. 5:20

Hello mga kablogs! Actually, ang in the air ay amoy ng pniritong galunggong. Haha. Addict na yata ako sa isda at kapag may nakita ako, binibili ko agad.

Syempre, kailangang IN din ang blog ko at makikivalentine. 2 ang blogs ko ngayon - isang pangkalahatan at ang isa pampagising sa mga kabataan.

Sa pangkalahatan muna tayo. Palagi akong nangangarap na baguhin ang mundo. Totoo yan! Sabi sa book ni S. Covey, bago raw mabago ang mundo, simulan muna sa sarili. Sa pag-aakala kong pasado na ako (80%), sinunod ko ang family ko, mga kamag-anak, kasama sa simbahan, mga katrabaho/kaibigan at naabot ko pa nga ang barangay level. Isang araw natuklasan kong may issue sa 4th level (PYM). Bigla akong huminto at nag-isip-isip kung saan ako nagkamali. Hanggang sa binalikan kong muli ang 3rd at 2nd levels at ang aking sarili. Natuklasan kong kahit ako pala ay hindi pa maayos. Hindi naman ako perpekto talaga pero narealize ko lang kagabi na hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong magdala ng aking sarili kapag ako'y naiinis/nagagalit. Ako kasi iyong tipo ng taong kapag galit, galit talaga. Kahit masaktan ka, basta gusto kong malaman mo nilalaman ng puso ko. Ang masama pa sa akin, mga mahal ko sa buhay ang napapagbuntungan ko lalo na ang aking Mamuds.

Sa kasamaan ng loob ko at kataasan ng pride, ayun, hindi lang ako nakatulog nang maayos kagabi at saktung-sakto pa ang pagbasa - bago raw tayo mag-alay sa Diyos, humingi muna ng tawad sa mga taong kagalit natin. Ouch! Nagtext agad ako sa mga kagalit ko at humingi ng pasensya. Sana napatawad na nila ako.
Habang nagmumuni-muni ng mga nangyari kanina tapat na tapat din ang homily ni Fr. at naisip ko ngang irelate sa Valentines. Paano nga bang magmahal? Anong pagkakaiba ng saktong pagmamahal sa wagas na pagmamahal? Usapang relihiyon muna. Mayroong sinasabi ang bibliya tungkol sa pagkakaiba ng mga Kristiyano sa alagad ni Kristo. Hinahamon tayo ni Jesus na lagpasan ang mga gawain ng mga pariseo. Kasi sila sumusunod lang sa batas pero hindi naman nanggagaling sa puso. Para ring sinasabi na bilang isang Kristiyano kailangan nating tulungan ang kapwa natin pero bilang isang sumusunod sa mga turo ni Hesus, inaalam ba natin ang tunay na kailangan na tulong ng kapuwa natin o mabigyan lang natin sila ng tinapay at tubig para sa atin tapos na ang obligasyon natin? Napakadali lang sa ating magbigay ng donation sa simbahan pero baka mamaya higit pa sa donation ang kailangan nila, baka kailangan nila ng time ko para maging usherette o maging member ng LCG.

Bilang mga anak, tungkulin nating igalang ang mga magulang natin pero bilang isang tunay na nagmamahal na anak, maliban sa paggalang sa kanila, binibigyan ba natin sila ng pagkakataong makabonding tayo - kuwentuhan to the max na sa sobrang kakatawa mapapaluha ka na lang? Ganon din sa mga kapatid. Bilang kamag-anak/kapitbahay, kaugalian na nating magbigay ng pagkain kapag may handaan sa atin pero nagawa mo na bang kahit ordinaryong araw lang at ang ulam ay ordinaryo rin, sinorpresa mo na ba sila ng 3 piniritong galunggong at isang mangkok ng monggo? Maraming-marami pang halimbawa. Madali lang tugunan ang ating mga obligasyon pero bilang mga sumusunod sa utos ni Hesus, hinahamon tayong higitan ang sapat na. Paulit-ulit kong sasabhin, hindi lang sa pinansyal puwedeng maglingkod ang tao, mas mahalaga pa nga iyong oras e. Ipadama lang natin ang pagmamahal kahit na sa isang tao, tiyak maghahawaan na ito at hindi mo namamalayan na dahil sa isang simpleng ginawa mo, malaki ang naging dulot sa kapwa mo, siya na mismo ang mag-eexpress how thanful (s)he is by helping others. Subukan mo para malaman mo ibig kong sabihin.

Sa mga lovers naman lalo na sa mag-aasawa, ngayong valentines day, masuwerte na ang asawa kapag may rose at chocolates pa kasi iyong iba matapos magkaanak, lumang tugtugin na ang roses at chocolates. Sana kahit hindi valentines day, may roses pa rin at kung wala mang pera maging tapat lang sa mga sinumpaan, oks na oks na. Puwede na ring candle light dinner - kahit anong pagkain sa lamesa basta lagyan mo lang ng kandila. carry na rin. hehe.

O sya, sunod ang mga kabataan. Yari na naman sila.

Happy Valentines Day sa lahat!

God bless everyone!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?