Simpleng buhay
SIMPLENG BUHAY
.by Maria Shiela M. Cancino on Saturday, February 5, 2011 at 10:52pm. "In the same way your light must shine before others, so that they may see the good you do and praise your Father in heaven." Mt. 5:16
Simpleng buhay ay kay ganda - Ariel Rivera. Nakakuwentuhan ko ang kaibigan kong simpleng namumuhay. Simple lang din siyang trabahador pero nabigyan ng pagkakataong mamuno kaya naman nabigla siya. Nakakatuwa rin daw pero maikukumpara talaga ang buhay ng isang simpleng mangggawa sa higit sa simple.
Dati kasi wala raw siyang iniisip kung malelate siya pero ngayon nahihiya na siyang maunahan ng mga katrabaho niya. Dati rin kapag tapos na ang trabaho, tapos na rin ang sa kanya - puwede ng umuwi. Pero ngayon, kala mo hawak niya ang susi na minsan ay nahuhuli pa, etc. etc.
Naalala ko tuloy ang pinsan kong simple rin tapos biglang naisipang bumili ng motor. Two weeks ago lang nakareceive ako ng text - nakabangga si Bugoy, magbabayad daw ng Php15,000.00. Iyong isa ko ring kakilala kumikita ng sakto tapos biglang tumaas ang sahod kaya parang biglang tumanda kasi hindi na magkaugaga kung saan dadalhin ang pera niya at palagi pang nagkukuwenta.
Minsan napapaisip tuloy ako - masama bang maghangad ng sobra? Dapat bang makuntento na ako sa sinasahod ko? Dapat bang palagi na lang akong empleyedo at hindi na hangaring matawag na "Manager?" Dapat bang hayaan ko na lang ang bahay namin sa Barangay Capri at huwag ng maghangad ng bahay sa isang subdivision? Dapat bang Pilipinas lang ang mapuntahan ko at hindi na makita ang ibang bansa?
Nanakit ang ulo ko last week sa kakakuwenta ng mga pinaghahandaan ko - ang dami kasing credit cards na bayarin (lol). Parang naisip ko, hindi naman ganito kasakit ulo ko dati nong walang kinukuwenta. Tapos, parang gusto ko na lang wakasan na. Matapos na lang sila. Tapos, parang nakaramdaman ako ng pagiging maramot. Originally kasi, pinlano kong ibibigay ko ang 10% sa simbahan kapag may natanggap akong hindi ko inaasahan. Nong nagkukuwenta na nga ako, parang biglang ayaw ko ng bitawan iyong 10% kasi nga bigla ring nagpaalala ng mga babayaran ko. Ang laki pala ng kailangan ko, 10% akin na lang. Hala! Hindi ako 'to! Taning, layuan mo ako.
Then I realized, ang taong hindi marunong humawak ng extra ay napapasama. Kaya nagwawakas na rin ang kaginhawaan. Ano bang nangyayari sa mga mahihirap na biglang yumayaman? Hindi ba nawawalan ng mga kaibigan at mga kamag-anak? Ano namang nangyayari sa mga pulitiko o mga empleyadong makahawak lang ng posisyon, akala mo hindi na kumakain ng kanin at kung paanong maliitin ang mga subordinates nila at gamitin ang kapangyarihan para lang magawa ang mga gusto nila? Eh iyong mga nakatanggap lang ng parangal - lumaki na masyado ang ulo at hindi na nakilala ang mga taong tumulong sa kanila?
Simpleng buhay ay maganda pero sorbang marami tayong puwede pang makamtam sa buhay kung gugustuhin natin. Puwede akong maging Lawyer, puwede akong bumili ng bahay, puwede kong libutin ang mundo, puwede akong bumili ng mga alahas, puwede akong maging Director ng isang company... lahat ay puwede kung gugustuhin natin pero dapat ay naaayon sa kalooban Niya. Kung ako ay tipo ng taong hindi marunong tumanggap ng EXTRA, palagay mo karapat-dapat ba ako sa mga biyaya Niya? Imbes na mabuting tao ako sa simpleng pamumuhay bakit pa ako bibigyan ng sobra kung mapapalayo lang ako sa Kanya?
Maghahangad pa ba ako ng sobra? OO, pero palagi kong ireremind ang sarili ko na si God ang center ng buhay ko. Anuman ang mga natatamasa ko, palaging sa Kaniya ang praises. Kung bibigyan man ako ng pagkakataong magmanage ng tao, magsisilbi akong instrument para maguide ko ang career nila at hindi lang basta-basta utusan sila. Magkaroon man ako ng maraming pera, titiyakin kong una pa rin ang serbisyong simbahan. Makabili man ako ng lote, para lamang mapaligaya ang nanay ko at hindi para magyabang. Mabigyan man ako ng awards, siguradong lahat ng tumulong sa akin, kakilala ko pa rin. Sana nga mangyari 'tong mga 'to. hehe.
In short, puwede naman tayong maghangad ng sobra pero dapat marunong tayong tumanggap ng Extra. Everything happens for a reason. Hindi lang biglaang napili kang mabigyan ng extra dahil ikaw ay maganda - sa tingin ko tinatawag ka sa isang gawaing mas makakapagpaligaya. bow.
I'm inviting all my friends sa 4S, NHS at Capri Scholarship Fndn. Magpapasukan na ulit. Hinihintay ko lang kayo. hehe.
God bless us more!

Comments