notes of my life

Parang sa lahat ng araw, simula alas-6 ng gabi Feb. 9 hanggang ala-1 ng hating gabi Feb 10 pinakamarami ang notes ko...

Ito na ang finale. Promise.

Nag-aaral na nga ulit ako 'di ba tapos habang patagal nang patagal pahirap nang pahirap at parang gusto ko maraming time para nga mas makapag-aral pa. Given na ang internet surfing don kasii Facebook lang talaga ang libangan ko.

Narealize ko lang TIME IS SHORT. Ilang buwan na lang exam na at halos one month na ang nakain sa budget schedule ko pero heto ako ngayon, I cannot say na comfortable na ako. Talagang wala pa.

Narealize ko ulit, pano kaya iyong ibang tao about sa 2011 nila? Nangarap man lang ba sila na sana magkaroon ng mas maraming kakilala/kaibigan, tumaas ang kita, tumaas ang positiion sa trabaho, maging mas responsableng magulang/anak/kapatid, mas maging active sa mga organizations (PYM), mamaintain ang pagdalo sa misa, mas maging lovable sa mga kavalentine, etc. etc. etc.... Paano kaya ang 2011 ko?

Ilang araw na lang tapos na ang February 2011 meaning 17% na ang nalalakad natin pero sa palagay mo are you in your 17% sa pagtupad ng mga goals mo?

Nakausap ko kanina ang kapatid ko at nakakatuwang sinabi niya, "Te Shel, may naisip na akong tulungan sa pag-aaral - iyong anak ng nagpapaganda ng mga kuko ko." Hindi ako masyadong nagreact para hindi lumaki ang ulo pero sa loob-loob ko, my sister has found the real purpose in life. She has found the true joy.

Naranasan mo na bang kahit pataas nang pataas ang sahod mo, parang kulang pa rin? Kasi we also want more kapag tumaas ang sahod natin - more clothes, more accessiories, etc. etc.

Naranasan mo na bang walang maramdaman kapag napako ka na sa current status mo sa buhay - kunwari sumasahod ng below minimum sa buong 5 taon ng pagtatrabaho mo? Paano kang maghahangad ng mas higit eh wala ka namang pinapaglaanan? Paano ka magsisikap eh feeling mo nga iyong kita mo, wala namang magandang naidulot sa kapuwa mo o even sa sarili mo.

May solusyon dyan sa 2 na yan. Siguro kung alam natin ang purpose natin sa buhay at lalagyan natin ng kaunting excitement, mag-iiba rin ang approach. Kapag natututunan nating we are connected with one another, hindi lang pansarli ang mga bagay-bagay na natatamasa natin. Mahirap na 'to but I believe puwede pa ring maabot.

Hindi natin kailangang maglabas ng sangkatutak na salapi. Magpasaya ka lang ng kamag-anak mo by surprising them 5 kilos of rice with delata, ewan ko lang kung hindi maging masaya iyon. Try mo dali, lalo na iyong mga hikahos ha.

Or baka iyong mga nagpapahalaga sa edukasyon, gustong makijoin sa mga gigs ng Scholarship Organizations, marami dyan.

Sobrang daming paraan, hinihintay ka lang....

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?