Nawawala, Bumabalik

Give when asked and do not turn your back on anyone who wants to borrow from you. Mt. 5:42

Hello mga kablogs. Sleeping time na pero magbabablog muna ako. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang alaala ng aking buhay Bda at Cincy. Marami pa ring nagtatanong, "nasa Oh ka na, nagHk ka pa?"

Hindi naman sigurado pero sa tingin ko kung nagstay pa ako ng ilang taon sa Cincy malamang nakipagbargain na ako ng green card. At sa katotohanan nga ang expiration pa ng visa ko ay sa 2012 pero bigla-bigla na lang nasa Asia na pala ako.

Bago pa lang ako lumabas sa airport, may isa na agad pagsubok at nagulat pa ako sa environment ng napili kong tuluyan pansamantala. Nadagukan ko tuloy ang sarili ko... "nandon na e, umayaw pa." Kaya rin naman sa bahay bawal magsabi ng mga negative rito kasi yari ako kay Mudra. Sasabihin lang niyang "ang ayos-ayos ng lagay mo roon, lumilipat-lipat ka pa. Bahala ka."

Napakawalan ko ang ang pagkakataong magkaroon ng green card pero sa totoo lang I am gaining a lot. Sobrang comfortable ako rito sa HK at ngayon nga ay natututunan ko na ring mahalin ang aking munting silid. Napakasaya rito, mababait ang mga tao at ang dali-daling makapunta sa isang lugar. Good luck naman sa akin sa Cincy na 4 o 5 times in 3 months lang akong naggrocery dahil ang layu-layo ng supermarket. Ang mahal naman kung magtataxi palagi tapos bibilihin ko lang bawang at sibuyas.

Malamig man dito pero hindi nagyeyelo. Good luck sa bitak-bitak na balat sa sobrang lamig kapag winter. At higit sa lahat dati kailangan ko pang bumiyahe ng 2 araw to be with my family pero ngayon 2 oras lang nasa Pinas na.

Nawalan man ako pero nakabawi rin at higit pa.

Ngayon ang araw ng pagkamatay ng aming mahal na Tatay. Fifteen years na pala simula nong nawala si Tatay. Tapos, bukas naman ay birthday ng aming panganay na pamangkin, si AJ. Maaalala man naming ang pagkawala ni Tatay, siguradong kinabukasan aalalahanin naman ang pagdating ni AJ sa mundo. Nawalan kami ng Tatay noong Feb. 19, nagkaroon naman kami ng AJ nong Feb. 20. I love you Tatay and Happy bday AJ!

bible connect:

Sa totoo lang namana ko kay Tatay ang aking pagiging kuri - KURIPOT. Naalala ko dati, paluhaan pa bago ako makapagpahiram ng pera kay Nanay. Kapag nagkakaisip na pala may choice pala tayong idrop ang mga ugali nating hindi kaaya-aya. Dahil lumaki na ako at nadagdagan din ang kaalaman, natututunan kong magbigay sa kapwa ko.

Give when asked and do not turn your back on anyone who wants to borrow from you.

Natutunan kong magbukas ng palad ko - nakakawala man ang blessings, marami pa ring dumarating. SIKSIK, LIGLIG at UMAAPAW to the MAX.

Ayun lang. Short, simple and sweet blog.

Sana matutunan mo ring magbigay. Subukan mo para malaman ang galak na idudulot nito.

Isang mapagpalang linggo sa lahat.

lapit na HW.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?