24 oras

"Be glad and joyful, for a great reward is kept for you in God." Mt. 5:12



Hello sa lahat. Ang aga kong nagising pero hindi naman conditioned ang mind ko dahil late naman akong natulog kagabi (kaninang madaling araw pala) kaya hindi rin makapag-aral. Ano kaya iyon? Kapag maayos ang tulog ko ayaw ko namang bumangon kasi nakakatamad. Grabe na ito, parang mangyayari na naman ang nakaraan.



Last year, dahil sa kayabangan kong kaya kong ipasa ang exam na "mas madali" pa sa naipasa kong exam, hindi ko masyadong sineryoso. Palagi pa nga akong nakababad sa FB. Hanggang sa bumagsak ako at bumagsak ULIT. Dagok sa akin iyon ha bukod sa ang laking nawalang pera sa akin, nawalang time, nakadagdag stress pa dahil hindi ako nakakatulog nang maaayos. Buti na lang naawa rin at nakalusot nong pangatlong take.



Nasa part 2 na ako ngayon at nagdecide na nga ako 2 weeks ago na magsisimula nang mag-aral. Nong una, nakakagising pa ako ng maaga e pero nong tumagal nawala na naman ako sa hulog. Naiba na naman ako ng landas. Isa pa sa mga pangako ko ay matutulog ako nang maaga at hindi na masyadong magFFB pero wag ka, mag-aalas-dose na, FB pa rin ang inaatupag ko.



Mistakes are just opportunities for learning something new, isa sa mga Life's rules ayon sa nabasa kong book. Hindi raw tayo tatantanan ng isang pangyayari hanggat hindi natin naaabsorb ang lessons na gustong ituro sa atin. At bilang estudyante naman kapag ayaw tayo nang ayaw, saka naman lalong ituturo sa atin.



I should have learnt this lesson noong una pa lang pero heto ako ngayon same test pa rin ang kinakaharap. Ang nakakatuwa lang ay anytime puwede tayong magchange ng direction back to our original goals kapag alam nating naliligaw na tayo. Anytime, puwede nating tanungin sarili natin - "Ikaw ba Shel, gusto mo ba talagang matupad mga pangarap mo? Aba! Magsikap ka! Hindi pinupulot sa kalye ang katuparan ng pangarap, pinaghihirapan 'yan."



Naging alipin na naman ako ni Pareng FB e. Imbes na gamitin sa kabutihan, ginawa kong libangan. hehe. Imbes na nag-aaral ako, naeenjoy ko ang pagview ng mga photos. Kung tatanungin mo nga ako ng top news, masasagot kita e. hehe. Addict talaga!



Graduate na ako at may maayos na trabaho pero bakit nga ba ako nagpapakahirap mag-aral? Nong nag-hit ang economic crisis taong 2008 at nabalitang mawawalan kami ng trabaho, todo apply talaga ako sa lahat ng bansang alam ko. Paano na ang mga umaasa sa akin kapag nawalan ako ng trabaho? Medyo oks naman ang work experiences ko pero hindi maiaalis na irerequire ng company na dapat ganyan ka o dapat meron ka nito o dapat ito na ginagawa mo. God is so good talaga at nalipat ako sa Cincy at sakto naman kasi mag-isa lang ako sa bahay kaya I had opportunity to do things na hindi magagawa kapag may kasama sa bahay, ayun nga ang mag-aral.



Never na pumasok sa isip kong mag-aral ulit after kong magsunog ng kilay up to 2003. Trahedya rin ung experience na iyon kaya sabi ko, wala na ulit aral-aral. Enjoy life na. Things are different in other countries. Sa kanila parang automatic na kapag nakagraduate diretso na sa MBA o paggain ng qualifications. Sa Pinas, bihirang-bihira ang nagtutuloy ng pag-aaral paano nakatali na sa trabaho o kaya ang nakakalungkot hindi pinapahalagan ng iba kaya ayun inaaksaya ang panahon. Kapag tumanda na lang, saka na lang magsisisi kung bakit imbes na nag-aral, nagliwaliw nang bonggang-bongga.




Hindi ko sinasabing wakasan ang kaligayahan pero nagpapaalala lang na hindi na natin maibabalik ang Jan. 28, 2011. Ang perang nawala ay puwedeng kitain pero ang time na lumipas hinding-hindi mo na maibabalik. Kahit anong klase ng tao ka - mayaman, mahirap, maganda, matalino, etc. mayroon tayong tig24 hours a day. Paano mo ginagamit iyong sa 'yo? Have you ever read motivational books? Have you ever watched inspirational movies? Have you experienced to love and to be loved? nyek. nahalo. hehe.




Paalala sa aking bunsong kapatid at pinsang nawawala sa hulog. Paalala rin ito sa mga kabataang malalapit sa akin na nakakalimot sa mga pangarap nilang maging successful sa buhay (makapagtapos ng pag-aaral). Paaalala na rin sa mga kaibigan kong OFWs lalo na iyong mga nasa Middle East - mga kachorbahan ko sa Mega.



Bible connect - sa mga taong nagtitiyaga, siguradong may nilaga. May rewards na naghihintay.



Dahil dyan, ako'y mamaalam ulit sa aking mga kaFB. Sa website ko na lang ipopost mga blogs ko. You know how to contact me kaya doon na lang ha.



Iyong mga groups na binuo ko, weekly kong iaupdate lalo na iyong sa NHS. Marami pang dapat gawin don...



O sya. Maglilinis na ako ng aking munting silid.



Isang mapagpalang linggo sa lahat!



God bless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?