Karerang Pag-ibig

Noong HS kami sabi ng teacher ko, "ang mahirap sa generation ngayon, minamadali ang lahat." Dapat daw kasi ay pagkakakilala > pagkakaibigan > panliligaw > engagement > pag-aasawa.

That was 12 years ago. Kung ang generation namin noon ay ganyan na ang tingin ng mga panahon ni Maam eh di lalo na sa generation ngayon. Kung noong panahon namin tinatalunan ang engagement, parang sa tingin ko sa panahon ngayon karamihan PAGKAKAKILALA AT PAG-AASAWA na agad. Ang daming tinalunan. hehe.

Diba dati ang pag-aasawa ay between 23 and 25 years old? Tapos nag-iba ang trend, naging 26-28, tapos ngayon iba na rin early 30s naman. Itong sinasabi ko ay iyong mga couples na parehong may pangarap. Sila iyong nag-iisip muna bago pumasok sa isang complicated na buhay. Minsan nga kahit kasal na, todo budget pa bago magdedecide na magkaanak.

May mga kabataan ngayon magugulat ka na lang dahil hindi pa nga nakakatapos ng kolehiyo, ikakasal na agad. Iyong iba naman sa sobrang kasiyahan yata, parang gusto ng magkaanak agad. May mga dahilan naman ang lahat ng nangyayari sa buhay kaya para sa akin oks pa rin ang mga nangyari sa mga kabataang kakilala ko. Ang purpose ko lang ay sagipin pa ang mga kabataang baka nagbabalak ding mag-asawa agad.

Ayos lang magmahalan pero alamin palagi ang limitations kasi may mga bagay na kapag nandyan na hindi mo puwedeng pindutin ang rewind para maitama pa ang mga mali. Ang choice lang ay magpatuloy at harapin ang mga consequences.

Pero bakit nga ba ang mga kabataan mas pinipiling mag-asawa kaysa magtapos ng pag-aaral? Dala ba ng kanilang labis na kaligayahan at nakalimot na sa mga pangarap nila - sa isang kuwartong madilim, gumawa ng lagim? O baka akala nila kapag nag-asawa na sila, nakatakas na sila sa obligasyon nila sa family nila? Dahil kapag may sarili na akong family, hindi na ako tutulong sa mga kapatid ko? Naiisip ba nilang kapag nagreunion ang batch nila from High School, baka hindi na sila makakaattend kasi kailangan pa nilang magpasuso ng mga anak nila? Naisip ba nilang kahit gusto nilang maglaro ng basketball hindi na puwede kasi kailangan na nilang magtrabaho sa factory? Naiisip ba nila kung may ipapambayd sila sa tuition fees ng mga anak nila kapag nag-aral na sila o dahil damay-damay na lang, sama-sama tayo walang magtatapos ng pag-aaral? hmmmmmm. Malay ko sa isip ng mga kabataang ito pero sana habang kaya ka pang masagip kung umiiba ka man ng landas, mag-isip-isip ka na. Bihirang-bihira ang oppotunity na makapag-aral kaya kung ako sa'yo, kunin mo muna diploma mo bago mo hangaring magtimpla ng gatas ng baby mo.

Uulitin ko, ang blog na ito ay para sa mga kabataang gusto kong paalalahan na mag-aral muna bago mag-asawa. Para sa mga kakilala kong kabataan na malalapit sa akin at naisipan nang mag-asawa at magkaanak, I'm proud of you kasi hinarap niyo ang responsibilidad - hindi madali yan ha pero kinakaya niyo. Basta, be responsible fathers and mothers, bigyan ng magandang buhay ang mga anak.

In short, life is short pero hindi pa rin dapat kinakarera. Kailangan ding mag-esep-esep muna.



Ang tamaan magkabukol sana.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?