PSP - Novaliches High School



And he will send the angels to gather his chosen people from the four winds, from the ends of the earth to the ends of the sky. Mk. 13:27



Hello mga kablogs! Kamusta kayo? Ako, heto medyo dinapuan ng sakit. Pasaway na katawan bumigay sa nakakapagod na mga araw na nagdaan. hehehe. Salamat na rin kasi narealized ko na nakakalimutan kong ipagpasalamat sa araw-araw na buhay pa ako at malusog. Kaya simula ngayon pag gising ko, unang-una na ang pagpapasalamat sa buhay at malusog na pangangatawan.



Ang topic natin ngayon ay tungkol sa PSP. It sounds technology pero ang ibig sabihin nyan ay Pagpupugay sa Pablik. Para sa kaalaman ninyong lahat, graduate ako sa public schools, elementary at high school. Naaalala ko pa noong malapit ng matapos ang school year sa Nagkaisang Nayon Elementary School, palagi akong tinatanong ng mga classmates ko kung saan daw ako mag-aaral. Iisa lang ang palagi kong sagot "sa Pablik." Bukod sa hindi kaya ng mga magulang kong magbayad ng mataas na tuition fees, dito rin nagtapos ang mga kapatid ko at isa nga ay si Ate Nympha Cancino-Maduli na nagtapos bilang valedictorian. Kaya tahanan na namin ito. Simula panganay hanggang bunso, pati nga mga pinsan at mga kapitbahay. Kami ay proud na batang pablik...


Hindi ko alam ang pagkakaiba ng secondary private schools at public schools kasi nga sa public lang ako nag-aral ng 4 na taon. Hindi ko man maicompare pero may mga ilang ala-ala akong palaging nakatatak sa puso at isipan ko kapag mababanggit ang pablik.




  • 50 to 60 students in 1 class. Totoo yan. Mabuti naaalala ng mga teachers pangalan namin. Hmmm. Kaya siguro palagi kaming may name tag pag start ng klase. Maria Shiela I-Bonifacio. Nakakatuwa. Pangalan at section ko un.




  • group reporting. Eto ung magrereport kami sa klase. Bawat members ng group ay may role na gagampanan. Kung magaling kang umarte, ikaw ung bibigyan ng role like Florante o Laura. Pero kung kagaya ko naman na medyo shyness to the maxx, pangTALASALITAAN o kaya Narrator.




  • weekly flag ceremony. Ito ung ginaganap every Mondays. Pipila ang lahat ng estudyante by section tapos magbabayang magiliw (Lupang Hinirang), panatang makabayan, ako'y Pilipino at minsan may iba pang agenda. Lahat ng mga nalate ay hindi muna pagbubuksan ng gate. Lagot ang mga batang 'to kasi pagpupulutin ng basura pero mas nakakatakot nong 4th year kasi black listed kay Gng. Erlinda Berdin.




  • kopyahan. Yahoo. ito ang pinakafavorite ko, papel ng isa kong kaklase lumilibot sa aming lahat, kokopyahin na lang namin ang mga "tamang" sagot. Naaalala ko pa minsan na may kanya-kanya kaming assignments during periodical exams. Kunwari, Shel kaw bahala sa Filipino ako naman sa English. What a teamwork!




  • yummy foods. gawain na naming kumain ng mga pablik foods. kwek-kwek, penoy, fish balls at palamig. Name it, meron kami nyan sa pablik. Nakakamiss talaga.




  • magagaling na teachers - akala niyong mga taga-private kayo lang ang mayroong mga bibong teachers. Mayroon din kami nyan. Bukod pa sa pagiging guro nila sa amin sa loob ng klase para na rin namin silang kapamilya kasi concern sila sa amin pang-eskuwela o pambahay issues.

Heto lang muna ang ilalagay kong naaalala ko dahil may lakad pa ako. hehehe. Alam kong maraming-marami rin kayong naalala gaya ng COCC experiences, Corps Sponspors, JS Proms, Senior Nights, mga inuman sessions at maraming-marami pa.


Puwede ba namang matapos ang blog na 'to ng walang parangal sa Pablik? Syempre hindi. Muli akong nagpapasalamat sa Novaliches High School, sa lahat ng mga naging teachers ko at sa lahat ng mga classmates ko lalo na ang mga kaibigan kong squatters. Malaki ang naging contribution niyo kung anuman ang naabot ko ngayon. Kapansin-pansin din na maraming successful ngayon ay galing sa Pablik. Patunay lang na kahit batang pablik walastik!



Gusto mo ulit balikan ang buhay pablik? Tamang-tama kasi may reunion sa December 27, 2009. Nasaan ka mang sulok ng mundo you are very welcome to attend.


And he will send the angels to gather his chosen people from the four winds, from the ends of the earth to the ends of the sky.


For more information, please see message below.






Hello everyone! With our grand reunion venue being inside Novaliches High School this December 27th, the committee would like to know this early how we can all accommodate everyone at the venue including the number of people that would be needing catering, souvenirs, raffle prizes, etc.

So please confirm your attendance, by sending me email at nhsqcalumni@gmail.com ASAP.

On your email or fb message to me, please provide me with your full name (maiden name as applicable), batch year and your contact info...email is okay, para ma-include ko rin kayo sa email updates natin and sa Global announcement ko about confirmed attendees at the beginning of December.

You may also visit our Grand Reunion Website at the following link, for recent updates. http://2009nhsreunion.shutterfly.com/

Thanks!!
Best Regards,
Chona Villafuerte-Go NHS Batch 1986
NHSOC Website Administrator
NHSOC website: www.nhsoc.info

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?