Here I am Lord
"Speak, Yahweh, your servant listens." 1 Sm 3:9
Hello mga kablogs! Ibang style pala ang blogs ko last week kaya parang namiss ko ang blogging. Napagod ako ngayong maghapon pero ok lang kasipakiramdam ko naman ay natapos ko ang mga dapat tapusin. Mamaya ko na ulit itutuloy iyong mga dapat ko pang gawin. Bago gumawa ng ibang bagay, palagi dapat una si Lord kaya papapurihan ko muna Sya through this blog.
Palagi kong naririnig dati na kapag pumili raw ang Panginoon ng alagad Niya, hindi mo maiisip kung anong dahilan na sila ang napili. Kagaya na lang ng homily ni Fr. Lim kanina, nagsimula lang daw sya sa pagsasakristan pero iyong pagsama niya sa gawaing iyon ay not really to serve God tapos isang araw Pari na pala siya.
Habang homily kanina iniisip ko kung paano nga ba nagsimula ang lahat na bigla na lang for me God is above all at kahit ano pang nakaharang sa daraanan ko to hear mass ay talagang sasagasaan ko. Be it career, fame, money, friends at kahit nga family, si God pa rin ang uunahin ko. Naaalala kong nagkaroon pala ako ng problema nong first year college ako at parang gusto ko na lang masagasaan para matapos na problema ko. Ayun, palagi ako sa simbahan at dasal lang nang dasal. Hanggang sa naging active na ako sa simbahan at nakasama ang mga kabataan. Ang pagiging mahina ko ang ginamit ni Lord para pakinggan ko lang ang sinasabi Niya.
Tapos, nong naramdaman Niyang nasurpass ko ang mabigat na pagsubok na muntik muntik nang magpasuko sa akin, binigyan Niya ulit ako ng mas marami pang pagsubok. Kaya lalong lumalim ang pananampalataya ko sa Kanya at tinanggap ang kahit na anong misyon ang ibibigay Niya sa akin.
Sabi Niya, "Shel, tulungan mong makapag-aral ang mga kabataan ng PYM. Ako ang bahala sa'yo." Kaya ako naman sumusunod lang at palagi namang tumutulong si God.
Hanggang dito na lang muna dahil may ka-chat ako. hehe.
Ang mensahe ngayong linggo ay lahat tayo ay tinatawag ng Panginoon. Palagi tayong binibigyan ng pagkataon para maging instrument ng Kaniyang pagmamahal.
God bless us all!
Comments