Ano kayang role ang nakalaan sa akin?

Gospel
Jn 13:21-33, 36-38

Reclining at table with his disciples, Jesus was deeply troubled and testified,
"Amen, amen, I say to you, one of you will betray me."
The disciples looked at one another, at a loss as to whom he meant.
One of his disciples, the one whom Jesus loved,
was reclining at Jesus' side.
So Simon Peter nodded to him to find out whom he meant.
He leaned back against Jesus' chest and said to him,
"Master, who is it?"
Jesus answered,
"It is the one to whom I hand the morsel after I have dipped it."
So he dipped the morsel and took it and handed it to Judas,
son of Simon the Iscariot.
After Judas took the morsel, Satan entered him.
So Jesus said to him, "What you are going to do, do quickly."
Now none of those reclining at table realized why he said this to him.
Some thought that since Judas kept the money bag, Jesus had told him,
"Buy what we need for the feast,"
or to give something to the poor.
So Judas took the morsel and left at once. And it was night.

When he had left, Jesus said,
"Now is the Son of Man glorified, and God is glorified in him.
If God is glorified in him, God will also glorify him in himself,
and he will glorify him at once.
My children, I will be with you only a little while longer.
You will look for me, and as I told the Jews,
'Where I go you cannot come,' so now I say it to you."

Simon Peter said to him, "Master, where are you going?"
Jesus answered him,
"Where I am going, you cannot follow me now,
though you will follow later."
Peter said to him,
"Master, why can I not follow you now?
I will lay down my life for you."
Jesus answered, "Will you lay down your life for me?
Amen, amen, I say to you, the cock will not crow
before you deny me three times."

Kakaibang pagbasa talaga ‘to. Sina Judas at Peter ay mayroong role na gagampanan na hindi kaaya-aya kay Jesus pero kailangan nilang gawin para matupad ang nasusulat. Naalala ko tuloy iyong movie na napanood ko. Matalik na magkaibigan sina Tony at Terry. Hindi mo maiisip na magagawang saktan ni Tony si Terry. Dahil nga kagaya ng pagbasa na nakaplano ang lahat, sobrang nalungkot at nasaktan si Terry sa ginawa ni Tony. Galit ang nangibabaw sa puso niya pati iyong isang tao ay hindi niya mapatawad. Sa simula ganoon ang reaction ni Terry pero nang makapagnilay-nilay siya, naisip niyang may dahilan kung bakit nangyari iyon. Para makalimutan ang nakaraan at makaiwas na rin sa taong kinaaasaran niya, lumipat siya sa ibang school. In the end, successful si Terry sa nilipatan niyang school at naging magkaibigan pa sila ulit ni Terry. Sa naging resulta, magagalit ba siya o magpapasalamat sa role ng mga dati niyang kagalit?

Marahil nangyari o nangyayari na rin sa inyo yan. Mababaw o malalim. Nalate ka kaya hindi mo nacatch ang fx. Unknowingly, flat tire pala kaya lalong nahuli ang mga taong nakasay sa fx na namiss mo. Nagkatanggalan sa company niyo pero hindi mo rin alam na may inihahanda ng mas magandang company para sa iyo. Pag-alis ng isang kapamilya na sa una mong tingin may magbabago negatively o kaya malungkot pero ang hindi mo alam makakatulong pala at magiging mas masaya pa.

Our tendencies ay magreact negatively sa mga bagay dahil hindi iyon ang gusto nating mangyari. We always forget na may Diyos na nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa buhay natin. Magtiwala lang tayo at palagi nating hingin ang gabay Niya para magampanan natin nang mabuti ang mga roles na nakalaan sa atin. Bow.

Holy Tuesday na. May Chrism mass mamaya rito sa amin. Thursday naman ginagawa ang Chrism mass sa Pilipinas. Naaalala ko ang unang attend ko ng Chrism mass. Isang bus na halos puro kabataan. Ano nga ba ang Chrism mass? Misa rin ito gaya ng ordinary mass pero ang mahalaga roon ay binabasbasan ang mga oil na ginagamit sa mga taong maysakit at nagrerenew naman ang mga pari sa pagkapari nila. Ang pinakagusto ko ay aabangan ang mga pari. Kanya-kanyang pakulo ang mga parishioners sa pagwewelcome sa mga pari nila. Siyempre papansin kami kaya todo ingay with matching tambourine pa. Tuwang-tuwa talaga ang mga pari kasi ramdam na ramdam nila ang pagmamahal ng mga parokyano. Subukan mo rin kayang pumunta…

Magbablog ako nang mas maaga sa Thurday, Friday at Saturday para mabasa ng mga taga Pilipinas beforehand. Mayroon ding nagpromise na magbabablog daw siya ng Holy week experience niya. Sa aming munting paraan makakapagbigay sana kami ng kaunting liwanag na makakatouch nang malaki sa mga buhay niyo.


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?