Pasalubong
Holy Saturday - Maraming pagbasa at kinakantang salmo sa madilim na simbahan (court). Ayan ang kapansin-pansin tuwing Sabado de Gloria. Ang pinakagusto ko naman ay kapag bubuksan na ang ilaw at kakantahin ang “Papuri.” Kung napansin niyo hindi kinakanta ang Papuri at Alleluia during lent kaya talagang nakakaexcite kapag muling maririnig. Para bang pakiramdam ng isang nanliligaw kapag narinig niya na ang “Yes, I love you too” ng nililigawan niya. Ito rin ang panahon na nirerenew natin ang ating pangako sa binyag. Sasagot sa mga tanong ni padre ng “Opo, sumasampalataya at Opo, itinatakwil namin.” Kaya ginagawa ito taun-taon dahil may isip na tayong magconfirm sa mga pananampalataya natin. Noong tayo’y bininyagan, ang mga ninong at ninang natin ang sumagot sa pari in behalf of us. Isa pa ipinapaalala ang ating faith. O diba, puwede ng kahalili ni Father sa homily. Hehehe. Magagaling ang mga parish priests sa SILP kaya natanim sa isip ko. Maraming kulang sa paliwanag pero makakatulong na rin kahit paano.
Dumako na tayo sa life connect. Renewal! Isang beses lang naman tayong ipinanganak pero bakit palagi tayong binabati ng “Happy Birthday” every year? Minsan lang ding nangyari ang araw na nalaman mong mahal ka ng mahal mo pero bakit may anniversary? At marami pang occasions na paulit-ulit nating ginagawa taun-taon. Gaya ng renewal natin sa ating binyag tuwing Sabado de Gloria; sa bawat celebration natin ng mga mahahalagang araw sa buhay natin nareremind tayo sa mga nangyari noong araw na iyon. Sa bawat dagdag ng taon ng aking buhay, ipinapaalala ang hirap ng pag-iri ni Nanay nong nilabas niya ako. Hehehe. Sa bawat card naman na natatanggap sa loved one ay paalalang hanggang ngayon ay mahal kita at palagi kitang mamahalin. Asus! Hehehe. Sana nagegets niyo. Maganda rin kasi na mayroon tayong ginagawa para maalala ang mga mahahalagang araw na iyon. Lalo na sa mga mag-aasawa, kapag dumating ang puntong naiinis ka sa asawa mo alalahanin mo lang iyong masasaya at muling titibay ang inyong pagmamahalan.
Happy Christening!
Pagkatapos ng mahabang misang madilim na lumiwanag susunod naman ang salubong. Naalala ko na naman ang kauna-unahan kong salubong. Kapilya pa lang ang San Isidro noon pero kami ang naatasang magdala ng Mama Mary sa Ina ng Buhay. Nagpuyat ang marami habang binabantayan ang image. Akala mo mayroong patay na pinaglalamayan. Tapos kailangan daw maganda ang damit. Sabi ni Nanay France ang Easter ay para ring pasko. Kaya isinuot ko ulit iyong pinamasko ko. Hehehe. At last, sa mahabang panahon ng paghihintay dumating na ang araw ng pagkabuhay ni Hesus. Palaging ganyan taun-taon. Ngayong parokya na rin kami pagkatapos ng Saturday service, maghihiwalay ang mga babae at mga lalaki. Magtatagpo sila sa simbahan kaya siguro tinawag na salubong. Magkakantahan ang mga bata ng Alleluia! Alleluia! habang inilalagay sa kalapati ang belo ni Mama Mary. Ang saya-saya talagang balikan. Siyempre matapos ang matagal na pagsasakripisyo kapalit ay ligaya ulit (libreng mainit na sopas at masarap na tinapay). Patunay lamang na sa lahat ng paghihirap natin palaging may nakaabang na ginhawa. Huwag lang tayong susuko at tiyak na makakamtan natin iyon.

Haaay. ayan ang mga namimiss ko sa Holy Week sa Pinas.
Malayo man ako nakakapagreflect pa rin naman kaya lang dahil iba ang kultura, medyo naiiba rin. Ang good friday dito ay kite flying sa beach. Instead na alas-3 ang service, inilipat sa 7:00pm para makaattend ang mga tao at isa na ako ron sa mga taong imbes na ginugnita ang paghihirap ni Hesus naroon sa beach at nagpapakasarap. Parang nakakakunsenya pero maiintindihan naman siguro ni Lord. hehehe. Nakipagbargain na lang ako at dinagdagan ko ang sacrifices ko. Anyway, naishare ko lang sa inyo. Ang galing daw ng PYM sa acting nila sa prusisyon kaninang 4:00am sa SILP. Palagi talaga akong proud sa inyo. Hindi ko man nakita ang ginawa niyo alam kong talagang ang galing-galing niyo.
Hanggang sa muli. Magbabakasyon muna ang blog... Time naman para sa family. Mamimiss ko ang pagbablog. Maaari pa rin akong magpost ng blog galing sa ibang contributors o kaya kapag natapos ko na ang project na ginagawa ko.
Happy Easter! Enjoy every minute of your life.
God bless you all!
Comments