Triduum - Good Friday. Ang huling pitong wika alay sa mga OFW

The First Word – (Luke 23:34) - “Father, forgive them; for they know not what they do”
The Second Word – (Luke 23:43) - “Amen, I say to thee, today thou shalt be with me in Paradise.”
The Third Word – (John 19:26-27) – Woman, behold thy son… Behold thy mother”
The Fourth Word – (Mark 15:34) – “My God, my God, why hast thou forsaken

The Fifth Word- (John 19:28) – “I thirst. “ me?”
The Sixth Word – (John 19:30) – “It is consummated.”

The Seventh Word – (Luke 23:46) – “Father, into thy hands I commend my spirit.”


Hello mga kablog! Gaya ng ipinangako ko, magbabahagi ako para sa 7 last words. Para sa kaalaman ng ibang bloggers, bukod sa Good Friday service, mayroon din kaming 7 sharers ng 7 last words sa San Isidro Labrador. Hindi ko pa naranasang magbahagi sa 7 last words kaya igagrab ko na ang opportunity ngayon. Habang pinagninilayan ko ang huling pitong wika ni Hesus, naisip kong magfocus sa mga OFWs. Noong una akala ko isang salita lang ang magagamit ko pero puwede ko palang gamitin lahat. Mga masusugid kong tagabasa, samahan niyo akong pagnilayan ang pitong huling wika ni Hesus habang iniisip niyo ang mga mahal niyo sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ina, narito ang iyong anak; Anak, narito ang iyong ina. – Marami na akong pinagdaanang situwasyon na nalusutan ko dahil sa tulong ng aking Nanay. Mas magaan sa pakiramdam at alam kong kaya ko ang lahat basta’t katabi ko siya. Kahit presensya lang niya malaking bagay na para sa akin. Magkalayo man kami palagi ko pa rin siyang nararamdaman. Kahit hindi siya nakakapagtext sa akin naniniwala ako na palagi niya rin akong naiisip at palagi lang siyang nandyan para sa akin. Ganoon din ako sa kanya, siya ang unang-una sa lahat ng panalangin ko specifically ang kalusugan niya para makasama pa namin siya ng maraming-maraming taon. Ngayon din ay isasama kita sa paraiso. - Hindi ako nasanay na mawalay sa pamilya ko na kahit nga sa pagtulog magkakatabi kami nina Nanay at Memey. Kahit nakakakaba mas nangibabaw sa akin ang mga pangarap ko. Sa kabila ng takot, tinahak ko pa rin ang malaparaisong Bermuda baon ang pananampalatayang palagi akong gagabayan ng Panginoon. Nauuhaw ako. - Dumarating din ang mga panahon na sobrang nangungulila ako sa kanila lalo na kapag hindi sila nagtetext. Madalang lang iyon at mabibilang sa mga daliri. Nagpapasalamat nga ako dahil sila ang aking kapamilya. Napansin ko kasi ang ibang pamilya na… Patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa / Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan. - akala nila kapag sa abroad nagtatrabaho maraming maraming pera. Lumalaki tuloy ang kanilang “bills.” Bil’ mo ko niyan, bil’ mo ko niyan… Pabili nang pabili ng mga bagay kahit hindi naman kailangan. Hindi nila alam na sa bawat dolyar na kinikita ng mga OFW, katas ng pawis ang puhunan at gabi-gabing iyak dahil sa pangungulila sa mga mahal nila sa buhay. May nakakuwentuhan akong housekeeper na sobrang nahihirapan sa trabaho. Sa bawat kuskos niya ng sahig nasasabi niyang “Ano ba ‘to God? (= bakit mo ako pinabayaan) Sabi ko sa kanya i-enjoy niya na lang para gumaan. Ang sabi naman niya “Iniisip ko na lang na marami akong natutulungan kaya tinitiis ko.” Marahil ay hindi alam ng iba na naghihirap ang mga OFW hindi lang dahil sa hirap ng trabaho bagkus lalo na sa bawat gabi na hindi kapailing ang mga mahal sa buhay. Naganap na. - Mabuti na lang at may bakasyon kami. Kahit gaano pa kahirap ang ginagawa namin napapawi iyon kapag naiisip naming malapit na naming makapiling ang mga mahal sa buhay. Sabi nga ay sa bawat hirap ay may kapalit na ligaya. Sa bawat paglalakbay ay magandang destinasyon na naghihintay. Kaunti mang panahon basta’t quality time maeenjoy na rin.

Mga kapamilya ko, don’t worry about me ha. Sobrang gaan lang ng trabaho ko rito. Ganito lang ang sharing ko kasi OFW ito in general. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa paggabay Niya sa akin sa araw-araw kaya parang ang dali-dali.

Tuloy-tuloy ang buhay at nananampalataya ako na magiging maayos ang lahat dahil Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa.

Bow. Sa parokya namin pagkatapos ng sharing, tatahimik ang lahat habang kumakanta ang choir. Iyong above all ang choice ko.

Abangan niyo ulit ang blog para bukas.

Nag-apostol pala ang aking 2 kapatid na sina Kuya Athan at Kuya Ryan pati si pinsang Jay-R. Sila daw ang naka-assign magvigil ng 11:00pm–12:00mn. Sa kanilang munting paraan nakakatuwang nakikibahagi rin sila sa mga gawaing pangholy week. Mayroon namang stations of the cross mamayang 5:00am. Hindi man kapareho ang mga gawain dito sa mga gawain diyan, naicecelebrate ko pa rin ang Holy week. Sa katunayan may misa mamayang 7:30pm at pagkatapos ay holy hour hanggang 9:30.

Palagi ko kayong iiencourage na umattend sa mga gawaing iyan.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?