BONUS BLOG
Hello mga kablogs! Sabi ko sa blog ko kahapon, durugtungan ko pero ang gusto kong ishare ngayon ay hindi iyong naisip kong idagdag nong Saturday. Saka na lang ulit iyon...
Gusto ko lang ishare iyong pakiramdam ko kanina sa stations of the cross. Malayo pa ang Good Friday, may stations of the cross na?? Opo. Kung hindi kayo aware, lahat ng bansa mayroon niyan (sa tingin ko). Ginawa ko iyan sa Bermuda, sa Cincinnati hindi yata kasi masyadong maaga iyong schedule nila eh nasa office pa ako, tapos ngayon nga sa HK.
Noong misa pa lang, sinasabi ko na sa sarili ko na pagbalik ko sa bahay magbubook ako ng ticket to the Philippines dahil gusto kong maging meaningful ang holy week ko. Bago magsimula ang stations of the cross, sinabi ng leader na gawin daw naming meditative at reflective kaya naman nadala talaga ako ng mensahe ng paghihirap ni Hesus.
Feeling ko nandoon ako habang pinapako Siya sa Krus. (Hindi naman ako naiyak.) Kaya nga gustong-gusto kong ginugunita ang Triduum sa Phil dahil kumpleto sa activities ang parish namin. Siguro nagtataka ka bakit masyado akong active sa simbahan... Sige, ikaw kaya ang nakatira sa 2 bahay lang ang pagitan, simbahan na. Ikaw kaya ang maging anak ng Nanay mong leader ng Worship Committee. Ikaw kaya ang maging kapatid ng leader ng Legion of Mary. Kaya tignan mo, isa ako sa mga leaders ng PYM.
Kaya ganito talaga ako. Habang ang iba ay aligaga sa pagpaplano ng bakasyon o gigs nila kapag holy week, busy ang grupo namin sa pagpapractice ng 7 last words. Habang ang iba ay nakahilata kapag Good Friday, ang family namin ay gising na ng 5am para sa malakihang stations of the cross tapos napakaraming prusisyon.
Ayan ha may background ka na. Kaya parang touched ako kanina sa stations of the cross, naalala ko lang noong umalis ako sa Philippines noong 2007 para makipagsapalaran sa Bermuda. Sa totoo lang wala akong kakilala roon (Si Ate Emily lang na hindi ko pa nakita ni minsan). Itinanim ko na sa isip at puso ko na si God ang magsisilbing gabay ko. Kaya nagugulat mga napupuntahan kong lugar kapag ang una kong hinahanap ay simbahan. Kahit nga palipad na lang ako konagabihan, iinsist ko pa ring magsimba. Papuntahin mo ako sa isang lugar kahit saan pa iyan at pag pumatak ng Linggo, asahan mong dapat makaattend ako ng mass.
Pagdating ko sa napakabusyng lugar na ito, feeling ko parang napalayo ako kay God. Siguro dahil na rin sa parang ang lapit-lapit ko na sa family ko (na puwedeng gumabay sa akin).
Comments