bonus blog - lent


Hello mga kablogs! Sabi ko sa blog ko kahapon, durugtungan ko pero ang gusto kong ishare ngayon ay hindi iyong naisip kong idagdag nong Saturday. Saka na lang ulit iyon...

Gusto ko lang ishare iyong pakiramdam ko kanina sa stations of the cross. Malayo pa ang Good Friday, may stations of the cross na?? Opo. Kung hindi kayo aware, lahat ng bansa mayroon niyan (sa tingin ko). Ginawa ko iyan sa Bermuda, sa Cincinnati hindi yata kasi masyadong maaga iyong schedule nila eh nasa office pa ako, tapos ngayon nga sa HK.

Noong misa pa lang, sinasabi ko na sa sarili ko na pagbalik ko sa bahay magbu-book ako ng ticket to the Philippines dahil gusto kong maging meaningful ang holy week ko. Bago magsimula ang stations of the cross, sinabi ng leader na gawin daw naming meditative at reflective kaya naman nadala talaga ako ng mensahe ng paghihirap ni Hesus.
Feeling ko nandoon ako habang pinapako Siya sa Krus. (Hindi naman ako naiyak, muntik lang) Kaya nga gustong-gusto kong ginugunita ang Triduum sa Phil dahil kumpleto sa activities ang parish namin. Siguro nagtataka ka bakit masyado akong active sa simbahan... Sige, ikaw kaya ang nakatira sa 2 bahay lang ang pagitan, simbahan na. Ikaw kaya ang maging anak ng Nanay kong leader ng Worship Committee? Ikaw kaya ang maging kapatid ng leader ng Legion of Mary? Kaya tignan mo, isa ako sa mga leaders ng PYM. Mga kapatid kong lalaki, palaging gumaganap na apostol. Sina Memey at Ate Nym naman ay Mary. Ako? tupa. hehe.

Kaya ganito talaga ako. Habang ang iba ay aligaga sa pagpaplano ng bakasyon o gigs nila kapag holy week, busy ang grupo namin sa pagpapractice ng 7 last words. Habang ang iba ay nakahilata kapag Good Friday, ang family namin ay gising na ng 5am para sa malakihang stations of the cross tapos napakaraming prusisyon.

Ayan ha may background ka na. Kaya parang touched ako kanina sa stations of the cross, naalala ko lang noong umalis ako sa Philippines noong 2007 para makipagsapalaran sa Bermuda. Sa totoo lang wala akong kakilala roon (Si Ate Emily lang na hindi ko pa nakita ni minsan). Itinanim ko na sa isip at puso ko na si God ang magsisilbing gabay ko. Kaya nagugulat mga napupuntahan kong lugar kapag ang una kong hinahanap ay simbahan. Kahit nga palipad na lang ako konagabihan, iinsist ko pa ring magsimba. Papuntahin mo ako sa isang lugar kahit saan pa iyan at pag pumatak ng Linggo, asahan mong dapat makaattend ako ng mass.

Pagdating ko sa napakabusyng lugar na ito, feeling ko parang napalayo ako kay God. Siguro dahil na rin sa parang ang lapit-lapit ko na sa family ko (na puwedeng gumabay sa akin). Idagdag pang ang dami-dami kong kaibigan dito. Isang text ko lang sa kanila para makipagkita, malamang magpupuntahan sila. Ganoon pala no? We tend to forget iyong number 1 kapag marami ng options. Masyado ring nangingibabaw sa akin ang pangarap ko, idagdag pang masyado akong nagpaalipin sa trabaho. Nagpadaig ako sa tukso...

Mabuti na lang at kahit paano ay unti-unti akong nagigising at muling bumabalik ang pananabik ko sa mission ko sa mundo. Hindi man ako masyadong mabait, dadaanin ko na lang sa blogs ang paggunita ng lenten season.

Gusto ko lang ding paalalahan mga kaibigan ko at iyong mga napapadaan sa page ko. Kapag pasko, BER pa lang naglilista na tayo ng mga pangalan ng mga inaanak natinat nagsisimula ng bumili ng mga regalo. Kapag may mga occasions, malayo pa pero pinapaghandaan na natin. Lenten is actually the same as other occasions. Hindi naman tayo hinihingian na magpapako rin sa Krus e. Kahit naman sana paano maging mas malapit tayo kay Lord - 40 days lang. Kung hindi ka nagbabasa ng bible, bakit hindi mo subukan kahit 1 verse lang bago ka matulog? Kung hindi ka nagsisimba, bakit hindi ka magsimba kahit gaano pa kahectic ang schedule mo? O kaya daanin mo sa pagtulong sa kapuwa. O kaya kahit sa sarili mo na lang. Masyado tayong addict sa FB at iba't-ibang mga sites na kahit antok na antok na tayo, we still check pictures at mga posts ng friends natin. Kung inihiga na natin ang mga minutong iyon, nakapagpray pa tayo kahit kaunti at magiging conditioned pa for another day. Basta there are many ways at puwedend-puwede kung gugustuhin mo.

Hanggang dito na lang. I want to experience HK way sa pagcecelebrate ng holy week kaya hindi na lang ako uuwi sa Pinas. ayk.

Pahabol pala... Nagpunta ako sa isang park na nagdisplay ng iba't-ibang bulaklak. May dala akong camera at dahil gusto ko ring may picture nakisuyo ako sa isang Pinay na kuhanan ako ng picture. Busy pa nga sila ng kaibigan niya pero kinulit ko pa rin. Kinuhanan naman niya ako ng picture. Pagkatapos sabi ba naman, "mag-isa ka lang?" Sa loob-loob ko, matagal na akong mag-isa at masaya ako. When I am weak, I am strong because God is guiding me. Sabihin na nating loner talaga ako. hehe. Masayang may mga kaibigan pero sa totoo lang masaya rin ang mag-isa. Doon mo malalaman kung anu-anong mga kaya mong gawin. Doon mo malalaman kung gaano mo matatagalan ang bawat lungkot dahil malayo ka sa family mo. Doon mo lalong marerealize na dapat lalo kang magsikap dahil inaasahan ka ng mga mahal mo sa buhay na naghihirap sa Pilipinas. Doon mo malalaman na kaya mo pala kasi si God ang ang nagdadrive ng buhay mo.

I really miss magserve kay Lord. Kung puwede nga lang i-bukluran mga tao sa HK, ginawa ko na. Kung may kapangyarihan lang ako, nagpanood na akong inspirational movies sa mga Pinoy habang day off nila para hindi na sila tumatambay sa Central, ginawa ko na. Haaaaay.

Ang tangi kong panalangin ay maging instrument ako ni Lord kung anuman ang nais Niyang mangyari sa mundo. bow....

(parang ang bait ah... hehe. makasalanan po ang blogger. pero sabi nga sa bible, hindi matutuwid ang tinatawag ni Hesus, iyon daw makakasalanan ang minsang effective mang-engganyo sa iba pang mga makasalanan.)

Ayun lang! Tulugan na.

http://www.youtube.com/watch?v=XqUuy2lXKqg&feature=related

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?