I'm too Blessed to be Stressed P2

"However, as soon as the man went out, he began spreading the news everywhere..." Mk. 1:45
Hello mga kablogs! Hindi pala ako nakapagblog last week. Sobra kasi talagang busy nitong mga nagdaang araw. Contradicting pa lahat ng mga nababsa ko kaya ang hirap dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Para bigyan kayo ng ideya kung anong mga pinagdaanan ko, magkukuwento na lang ako simula nong September 2011.
Dapat sana ay nasa Pilipinas na ako noong October pa lang. Kaya naman sinabihan ako ng employer kong iterminate ang lease ko. Dati akong nakatira sa isang maliit na studio room. Maliit na nga, hindi pa ako marunong maglinis kaya ayon palaging magulo. Nanay ko lang nakapag-ayos ng kuwartong iyon nong nagbakasyon sya rito. Dahil nga pabalik na ako sa Pilipinas, dali-dali kong ipinabox ang mga gamit ko papuntang Pilipinas. Last week of September nang sinabi ng employer kong hindi pa kami matutuloy sa October. At, kahit anong magic ang gawin ko hindi ko na maibabalik ang mga gamit ko, dagdagan pang sakto palang for renovation ang building so kailangan ko talagang maghanap ulit ng bahay.

Sa lahat ng "problemang" kinaharap ko, ang paghahanap ng bahay ang talagang nagpapakunot ng noo ko to the MAX.

Hindi man lang pumasok sa isip kong tutulungan akong makahanap ng company ng apartment at sila pa ang magbabayad! Imagine that. So, I went to the Philippines then when I returned to HK, the apartment was waiting for me - sobrang ganda at hindi ko man lang naisip na titira ako sa isang magandang fully furnished room simula October hanggang "makalipat sa Pilipinas."

Iyon ang akala ko... Nang sinabihan ako ng company na hanggang Feb. 8 na lang ako sa apartment ko at hindi na irerenew considering nakaplano kaming bumalik sa Pinas on Feb. 25. Nabigla lang ako kasi nasagad ang budget ko at hindi ko isinama sa budget na magbabayad ako ng rental. Para na naman akong pinagtakluban ng langit at lupa at biglang nawala ang pagiging optimistic ko.

Lahat ng kinaiinisan ko sa trabaho na pinapalusot ko dati ay parang biglang nagpapansin lahat at gustong-gusto akong itulak palabas ng pinto. Idagdag pa ang ideas ng Rich Dad, Poor Dad na ang tinutumbok ay nagtatrabaho ka lang to get the required skills para sa isang trabahong naghihintay para sa'yo.

Sa gitna ng mga inis ko sa buhay dahil sa patung-patong na stress, hindi ko alam unti-unti na palang pinaparealize ni God kung gaano Niya ako kamahal. Hindi talaga biro ang paghahanap ng bahay dito at kung maarte ka kailangan mo ng 9,000-10,000 HKD. Muntik-muntik na akong magyes sa isang hostel na gagastos ako ng 6,000HKD pero dahil sa tulong ng kaibigan ay nakahanap ako ng isang room sa isang flat...

How much did you spend? This is what I can give...

Sa tanan ng buhay ko ay hindi nabubunot ang pangalan ko sa mga raffle draw prizes hanggang sa noong Annual Dinner namin (Feb. 3) . Nanalo ako ng Samsung camera na nagkakahalagang HKD2,190. Ang kagandahan pa ay napagana ko ang luma kong camera by using the battery of the won camera. 1/3 na lang, maibabalik na ang nagastos ko sa binayad ko sa renta. Pero, muntik ko nang itapon ang lumang camera kaya sa totoo lang nagkapera pa rin ako.

What are your standards?

Feeling feeling kawawa ako dahil nga nakaranas ako ng marangyang pamumuhay sa magandang apartment pero ang katotohanan ay I'm too blessed. I had my own toilet before pero ngayon ay I have to share with others (10+). I have my own room pero sila ay naghahati-hati pa sa isang room. Makakarinig ka pa ngang "ang suwerte mo naman na sarili mo ang room mo."

Depende kasi kung paano natin titignan ang buhay natin. Ok lang na ikukumpara natin ang buhay natin sa mas angat sa atin para mainspire tayong magsikap lalo. Pero, kapag feeling mo ay ang bigat-bigat na ng problema mo at gusto mo na lang mawala sa mundo, mag-esep-esep ka muna at tignan mo ang ibang tao sa paligid mo na dumaranas ng mas higit sa problema mo.

Narealized ko na ngayon kung bakit nangyari sa akin ang mga issues na pinagdaanan ko. Nakalimot akong sobrang blessed pala ako at imbes na pasasalamat ang namumutawi sa mga labi ko, napalitan ng puro reklamo. I've changed (I think). Ipinangako ko pa ngang magiging mabait na ulit ako at iiwasan nang magreklamo.

I'm like a leper in the reading today na kahit anong pagpigil ang gawin not to spread the good news, I'll still definitely do.

Salamat po ulit Lord sa lahat ng mga karanasan na lalong nagpapatibay ng aking pananampalataya. Patawad po sa lahat ng aking pagkakasala.

God bless us all!

NNES Batch 94 Mass Feeding on Feb. 14.



Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?