OH MY BLOG, the Special Edition 1 of 2


"Was no one found to return and give praise to God but this alien." And Jesus said to him, "Stand up and go your way; your faith has saved you."


October 2003: "Carla, kahit hindi ka maging cpa ayos lang. Huwag mong puwersahin ang sarili mo at baka kung anong mangyari sa'yo." Palaging paalala ng Mama ni Carla kasalukuyang peak ng pag-aaral ni Carla for board exam. Ilang araw matapos ang 2 weekends of examinations, mangiyak-ngiyak si Carlang ibinalita sa Nanay at mga kapatid na nakapasa sya. Haaaaaay! To God be the glory! Siguro kung hindi sya nakapasa, baka nasiraan ng bait ang kaibigan kong 'to dahil sobrang effort talaga ang binigay nya. Akala ko doon na nagtapos ang pag-aaral at pagtatake ng exams sa buhay ni Carla...


Ang pagiging certified ang nagbigay daan sa kanyang buhay para magkaroon ng maayos na trabaho at nabigyan pa nga ng chance na mapunta sa Dubai. Dahil mag-isa lang na namumuhay, naisipan niyang mag-aral ulit at itake ang International exam para mas maging in demand. 2010 and 2003. Things have changed. Isang take lang ang cpa at nakapasa agad sya pero itong 2010 sobrang sinubok talaga sya...


Passing grade ay 500 pero noong unang take nya nong February, 430 lang ang nakuha nyang score. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon ng magkausap kami sa telephone. "Ganito pala ang pakiramdam ng bumabagsak. Mabuti naman ang intentions ko, gusto kong makapasa para lumaki ang sahod ko at makatulong sa marami. Bakit hindi pa ibigay?" Sa sobrang sama ng loob at kagustuhang makapasa agad, sumubok na naman sya ilang buwan lang ang nakakaraan. Bago matapos ang exam, sabi niya, "Heto na! Pasado na 'to!" 470!!! Parang piangtakluban sya ng langit at lupa. Hindi ko makakalimutan ang mga araw na iyon. Sobrang stressed na sya sa trabaho, sa pag-aasikaso ng kanyang bakasyon at idinagdag pa ang MULING pagbagsak sa exam.


Kakaiba 'tong kaibigan ko. She always thinks na EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON. Pangarap din kasi nyang magturo kaya habang nag-aaral ulit sya for the third time sabi Nya kay Lord, "Gusto mong maranasan ko ang pakiramdam ng bumabagsak? Alam ko na. Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit. Gusto mong sabihin ko sa mga estudyante ko na ang failures ay part lamang ng pagiging successful? Alam ko na! Ibigay Mo na, please. Ang dami ko nang pinuhunan, ang dami ng time na nasayang, wala na akong pera, ibigay Mo na, please. O tell me, anong gusto Mong matutunan ko sa mga pangyayaring ito? Tell me, please." Haaaay. Palagi nyang sinasabi 'to at ang masaklap pa naapektuhan ang kalusugan nya kasi hindi na sya nakakatulog nang maayos. Hanggang isang araw, she decided to surrender. "I gave my best Lord, kung para sa akin itong ginagawa ko, You will give it to me. My faith is just as big as mustard seed but it can move mountains You know that." She took things easy. She sacrificed some of her addictions - Fb, blogging at internet surfing. Nahihiga rin sya nang maaga.


Grabe ang tense kahapon habang nag-eexam daw sya. Matapos nyang mag-aral ng bonggang-bongga, iyong mga questions ganoon pa rin. Hindi niya alam kung saan mga nanggaling dahil wala naman sa mga materials na inaaral nya. Nakakatawa nga sya e, sabi nya wala na akong pakialam. "Bahala na. Basta ako, excited ng magFB at magblog ulit. Babalik na ang buhay ko sa normal, makakatulog na ako nang maayos." Haaay. Ang kinalabasan - 560!


TO GOD BE THE GLORY! Salamat sa lahat ng mga nagdasal para sa kanya. 50% na at isa pang exam magiging qualified na rin sya na marerecognize ng maraming countries.


Lessons:


Darating sa buhay natin na babagsak din tayo o kaya'y magkakamali. Mangyari man ang mga ito hindi ibig sabihin katapusan na ng mundo. Kaya nga palagi kong sinasabi na don't be centered in one thing o one people. Maraming mas importante sa buhay ni Carla kaya she survived kahit na nakaranas sya ng failures.


Sometimes, God wants us to experience ang pakiramdam ng nasasaktan at nahihirapan. Because by knowing how it feels, mas makakatulong tayo sa mga taong daraan sa same situations. Madaling sabihin na, kaya mo yan! Pero mas makakatulong ka sa kanya if you also felt the pains (s)he's experiencing. Alam mo ang pinagdaraanan nya at dahil nakasurvive ka, alam mo na ang sasabihin at gagawin mo to ease her(his) pains. Ginagamit kang instrument ni Lord kapag nakakaranas ka ng pagbagsak...


God sees! God hears! God knows! He doesn't require us to succeed, He only requires us that we try - MT. Kapag nagawa na natin ang part natin, it's up to Him to decide kung ibibgay Nya o hindi. Kung para sa atin ba ang mga bagay-bagay o may hinahanda lang Sya na mas masisiyahan tayo. Basta magtiwala at manampalataya!


At siyempre, sa lahat ng biyayang natatanggap, magpasalamat sa Kanya! Praise Him!


Hope you learn a lot from Carla's experience.


God bless us all!


part 2 - gagawin pa lang...

Comments

Anonymous said…
excited na ako sa next part ng blog mong ito...:)
Anonymous said…
excited na ako sa next part ng blog mong ito...:)
Anonymous said…
ganda nito, excited na ako sa next part ng blog mong ito...:)

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?