AKO'Y MAY MUNTING TINIG
Hello mga kablogs! Nandito ako sa trabaho ngayon. Hehe. Wala namang masyadong ginagawa kaya sabi ko isusulat ko na an...g mga naiisip ko.For every one who exalts himself will be humbled, but the one who humbles himself will be exalted.
Sakit ko na ang hindi makaget-over agad sa isang pangyayari na nakatouch sa akin nang sobra.
Simulan na natin. Ito ay kuwento ng aking kaibigan. Itatago ko na lang sya sa pangalang Verna Mendiola na nagtatrabaho sa Dubai. Simple lang syang manggagawa. Matalino pero hindi gaanong maboka. Mabuti nga unti-unti na nyang natututunan ang pagsabi ng mga nararamdaman lalo na iyong makakatulong sa department nila. Medyo inis sya sa amo niya (ibang story na ‘to) pero still kapag may naiisip sya about improvement ng grupo nila, pinapadaan pa rin niya ang mensahe rito. Lalo syang naiinis kapag hindi man lang nagrereply ang amo niya.
Isang instance, mayroon syang nabasa sa bulletin nila at may message ang director para sa lahat ng empleyado. Dahil concern sa buong grupo, ipinasa niya ang message sa amo at inaasahang sya ang magpasa sa buong grupo. Pero gaya ng palaging nangyayari hindi rin nagreply at walang ginawang action. Makalipas ang 3 linggo, iyong message ng director ay ipnrint at ibinigay sa lahat ng manggagawa. Nong nakita niya iyong mail, sobrang tuwa sya kasi iyon ang nabasa niya dati pa at ipinasa pa nga sa amo sa intensyong maipasa sa grupo, heto na ngayon ibinibigay directly sa bawat empleyado. Kung ipinasa iyon ng amo nya sa grupo namin dati eh di nauna na kami sa balita.
Ang kuwento ni Verna from Dubai ay maihahalintulad sa mga nangyari sa 2 sikat na Filipinos – Rolando Mendoza at Venus Raj.
Hindi binigyan ng pansin ang munting tinig ni Mendoza kaya naisipang gumawa ng hindi kaaya-aya para lang makakuha ng attention. Hindi tayo aware pero nangyayari rin sa atin ang ganyan at minsan pa nga tayo ang hindi nakikinig/pumapansin sa kapuwa. Halimbawa na lang ay may anak kang nagsabi “Dada, ang sakit ng tiyan ko.” Ikaw naman tatay ka dahil sa isip mo ordinaryong sakit lang ng tiyan kaya hinayaan mo lang ang anak mo. Iyong simpleng sakit ng tiyan na pala iyon ay paputok na ang appendicitis kaya nong pumutok na huli na ang lahat para gumawa ka ng action. Maraming-marami pang halimbawa sa buhay natin na kapag patuloy nating iignore, hindi magdudulot ng mabuti. Maging ugali sana nating makinig at alamin ang buong detalye para magawan natin ng tamang hakbang.
Dahil sa hostage-taking incident na nangyari the night before Ms. Universe, maraming nakasubaybay kay Ms. Venus. Iyong mga Filipinos, sobrang asa na siya ang makakaangat muli sa atin. Iyong ibang lahi naman nakatutok dahil kapag may nakita silang mali lalo nilang titirahin ang Pilipinas. Dahil sa maling pagkakasagot ni Ms. Venus, inulan na sya ng puna from different nationalities. Sana lang napanood din nila iyong video from CNN na mahirap daw talagang sagutin ng MATALINONG TAO ang ganoong klase ng tanong. Nature raw kasi ng tao na mahirapang iadmit ang pagkakamali. Kung tatanungin ulit sa kanya iyon, puwede na nyang sabihin na ang major mistake nya ay ang kulang na sagot sa Ms. Universe 2010. :-)
To sum up, kung anuman ang mga naiisip nating makakabuti sa kapuwa natin, ipaalam sa mga kinauukulan. Kapag hindi ka pinakinggan, humanap ka ng taong makakapagtulay sa ‘yo sa kanila. Kapag post ka nang post sa page mo at wala man lang nagkocomment or naglalike, huwag kang mafrustrate agad kasi time will come biglang makikita ng friends mo sa ibang friends ang same message na pinost mo. Lalo na ngayon mayroon ng "shared links." Ugaliin din nating makinig sa kapuwa natin. Palagi kang may matututunan. At, huwag din nating hayaang maging major mistake natin ang may alam nga pero hindi naman pinapaalam. May talents nga ngunit hindi naman ginagamit sa kabutihan.
Siyempre pa, maging humble lang sa lahat ng instances. Minsan kasi hindi ka rin nila pinapansin dahil baka ang intention ay magyabang at pangsarling kapakanan lang. Remember - For every one who exalts himself will be humbled, but the one who humbles himself will be exalted.
ayun lang.
Comments