THE BLOG RETURN: Week 2 WeAk FAITH?




"Woman, how great is your faith! Let is be as you wish."

Hello mga kablogs! Akala ko hindi ko na magagamit 'tong blogspot. Buti na lang nareset iyong password. Bago ko simulan ang ikalawa kong blog matapos ang mahabang break, nagpapasalamat ulit ako kay Ate Alma sa pagpush sa akin na ituloy ang blogging. Ang mga kagaya niyang nagbabasa ng blogs ko ang nagbibigay inspiration para ituloy ko ang gawaing ito.

Ala-6:00 na ako natulog tapos gising na ako ng 8:00am at kahit gusto kong matulog, hindi talaga ako makatulog. Kaya heto, FB at kung anu-anong anik-anik ang pinaggagawa ko.

Gusto ko lang ikuwento ang kaibigan kong matibay ang pananampalataya pero palaging kinakabahan. Taun-taon iyon namomroblema sa career niya pero taun-taon din namang may kasagutan. Ewan ko ba sa kanya na parang hindi pa na-immune at kapag may problema, natatakot pa rin. Hindi raw niya alam ang gagawin niya noong Huwebes kaya inaliw ang sarili sa FB at umiyak nong matutulog na. Before she went to bed, may notification siyang natanggap sa email niya about sa result ng exam nong May/June window (*).

(*) Palawakin natin 'to. She decided to gain more qualifications kasi nga sobrang takot na sa pagbabago ng economy kaya she thinks na additional qualification might help para maging mas stable ang trabaho niya. There are two parts of the exams. Iyong unang part, maniniwala kang bumagsak muna siya ng 2 beses bago siya pumasa? Ang dami ring luhang nasayang noong 2010 dahil sa failures na 'to.

Iyong part 2, as in super milagro! God really intervened. Early 2011 pa lang nag-book na siya ng exam in June para nga mapuwersa siyang mag-aral at magbawas ng FB. Though, makikita mong nagsacrifice talaga sa FB hindi pa rin siya nakapag-aral mabuti kasi sobrang adjustment naman sa work. Gustuhin mang mag-aral everyday, hindi na kaya ng isip dahil sa sobrang pagod sa trabaho. Heto pa, tamang vacation siya with her family and friends bago mag June 21. So, nagdecide siyang ipostpone ang exam at sa September 2011 na lang itake.

When she phoned the organization for the cancellation of her exams, hindi naman pala marerefund ang USD250.00. Tapos, iyong scheduled leave hindi na rin puwedeng palitan. She was thinking kung itutulog na lang ba ang June 21 o ichecheck ang site. Her friend suggested na wala namang mawawala if she sits sa exam kaya nga nagtake siya ng exam.

Grabe iyon! Nagsasagot lang siya. Click-click. Inuna raw niya iyong mga alam niya tapos kapag hindi alam, iskip. Hanggang sa kahuli-hulihan, she had to guess. 2 parts ang exams 100 multiple choice questions at essay. Wala siyang idea kasi hindi naman ganoon iyong part 1. Ang nakakatuwa pa, may pop-up message after multiple choice questions na makakapagproceed ka lang daw sa Essay kapag nakapasa ka sa MC. She was prepared na hindi nga siya makakapasa kaya alam niyang pauwi na siya pero pagclick niya ng submit - napunta sa ESSAY.

Sobrang natuwa siya at parang nakapasa sa MC. Kaya, sabi niya, "sige, itodo na 'to." Sobrang bait ng Diyos na hindi siya nagkaroon ng chance na magreview ng essay problems pero iyong lumabas ay masasagot naman kahit hindi ka nakapag-aral ng bonggang-bongga. Kaya lang, nandoon pa nga rin iyong kaba na parang papasa pero parang hindi rin.

Isang tao lang ang sinabihan niya na may chance talaga siyang pumasa at pareho nilang hinintay ang araw ng release ng result. Pinag-usapan nga nila kung mag-aaral pa siya kasi nga for September. Para lang walang regrets, right after June 21 nag-aaral talaga siya.

Gabi ng Friday pagkatapos ang nakakalungkot na Thursday, she found out that she passed the part 2! Tapos na ang pagsusunog ng kilay at kahit paano may konting kabig sa main issue ng buhay niya.

Nakapasa po ako! Salamat sa mga panalangin niyo.



Bago ang mga araw na 'to, naaksidente ang nanay ko at nagkasakit naman ang kaibigan. Sa totoo lang, sabi ko kay God "mahalaga po ang pera Panginoon pero kung puwede kong ibargain na pagalingin Mo po ang mga mahal ko sa buhay kahit hindi Mo na ako tulungan." Such a poor faith!!! And I found out last night na ipinalangin naman ng friend ko na kahit magkasakit siya, maging maayos lang daw ang family niya at matupad ang mga wishes ko, ayos lang daw.



Sobrang kabaligtaran ng pagbasa ngayong linggo tungkol sa babaeng ang tibay ng pananampalataya. Sana kahit paano ay mahawaan ako ng ganitong pananampalataya. Haaaay. Eh, ako may mga factor pa na kapag may nabasag may mangyayaring masama kaya dapat magbasag ka ulit para makontra. Or, kapag natumba iyong cross ko sign iyon na may hindi magandang mangyayari. Nakakahiya!!



Ang gusto ko lang pong sabihin ay si God ay sobrang mapagmahal, sobrang maawain. Kung para sa atin ang mga dinadalangin natin, He will provide it pero kung may nakalaan na mas magandang plano para sa atin, He will arrange it for us. Hindi na kailangan ng bargain-bargain.


Panalangin:



Lord, sorry po kapag nag-aalinlangan ako sa kapangyarihan Niyo at pinapangunahan po ako ng takot. Kayo na po ang bahala sa isa ko pang request. Please po. Dinadalangin ko rin po ang good health ng mga mahal ko sa buhay.

Pakinggan Mo rin po ang panalangin ng mga kaibigan kong makakabasa ng blog na 'to.



Heto na lang muna. Next week ulit.


Hindi po ako masyadong mapost ng mga nangyayari sa akin. Hindi mo nga malalaman na nasa isang lugar ako because I don't post pictures pero po nagdecide akong iblog ito para magbigay inspiration sa ibang nakakaramdam ng pagkabigo. Para po paalalalahan tayo kung gaano kalaki ang pagmamahal ni God sa atin.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?