Mag-esep-esep




So he ran ahead and climbed up a sycamore tree. Luke 19:4

Hello mga kablogs! Happy birthday ulit kina Gaudi at Ate Alma.

Sa Bermuda ko natutunan ang happy hour - mag-iinuman na nakatayo at magkukuwentuhan ng bonggang-bongga. Hindi ko masyadong naeenjoy kasi hindi naman ako makuwento at hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Out of my world ba...

The other night, niyaya ako ng friend kong kumain ng burger madness. Apat lang kami at comfortable ako sa kanila. Nakakarelate naman ako sa mga pinag-uusapan nang biglang naging topic ang car. Ang dami-daming brands at models ang nabanggit. Naissue pa nga kung 2-door o 4-door. Ano namang malay ko sa car?! Kung tricycle pa yan, puwede kong sabihin sa Pilipinas may iba't-ibang kulay ang tricycle depende sa lugar. As in tameme talaga ako at sobrang wish na iba naman ang pag-usapan.

Hindi ko pa kasi iniisip na bumili ng sasakyan (dahil wala akong pambili. wahaha) kaya hindi pa ako ganoon ka-knowledgeable about don. Kung iisipin kong gusto ko ng magkaroon ng car, palagi kong iisipin kung anong gusto kong brand, anong model, anong kulay, etc.; hanggang sa gumagawa na ako ng actions para magkaroon ng gusto ko. Ganyan kapowerful ang mind natin kaya naniniwala ako na kung iisipin mo ang gusto mong mangyari sa buhay mo, matutupad mo iyon. Iisipin mo ang gusto mo at iaalign ang actions mo para makuha ang bagay na iyon.

Lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon, inisip ko talaga at ipinagdasal. At dahil sa gusto kong makamit ang mga bagay na natatamasa ko, pinagsikapan kong mabuti para makamit ko ang mga pangarap ko.

Nakakatuwa iyong kabataang nakausap ko na gustong-gustong magcollege. Sabi niya, "Ate Shel, sana maranasan ko rin na may tatawaging prof at kapag nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, mababanggit ko na ang galing ng prof namin sa English." Ang sinabi ko sa kanya, "mangyayari yan, manalig ka lang."

Kapag iniisip at ipinagdarasal natin ang mga mabubuting bagay, ang trabaho ng universe ay ilapit tayo sa mga bagay na iyon (from the Secret, Law of Attraction). At si God naman dahil sobrang mapagmahal, ibibigay Niya sa atin kung makakabuti sa ating buhay.

Kagabi, may natanggap akong message from 4S scholar, "Ate Shel, salamat po sa inyong mga 4S sponsors sa pagbibigay sa akin ng opportunity para makapag-aral... enrolment na po pala next week." Sa isip-isip ko, oo nga pala, nakalimutan ko! Magpapacute na naman ako sa mga kasamahan ko sa 4S na hindi na ako masyadong nakapagparamdam lately kasi nabusy sa election at ibang bagay. Bahala na si Batman.

Paggising ko kaninang umaga, may text message from a friend, "Shel, nagpadala ako ng Php5,000.00, pakisabi na lang kay Nelileen Sawali (ingat-yaman namin)." Dali-dali akong bumangon at nagbigay puri kay Lord. Iba ka talaga, Lord!

Inisip ko lang ang scholarship foundation dati at ngayon heto na, nakakasuporta kami ng 2 kabataan at dadagdagan pa namin sa susunod na pasukan. Naisip ko lang at ginawan ng actions at inilapit ako ni Lord sa mga taong may mabubuti ring kalooban kaya ang pangarap ko ay naging pangarap na ng marami. Sa tulong ng mga kaibigan ko at ng ibang tao (malay mo ikaw rin) nakakasurvive naman po kami. Pero baka gusto mo ring magshare, tumatanggap pa. hehe.

Sa barangay namin, may mga naisip ako dati at ngayon ay nilalapatan ko na ng actions. Idinadalangin kong samahan ako ng mga nahirang at makapaghikayat pa kami ng iba para mapagtulung-tulungan ang pagpapatupad ng mga projects na sa tingin ko ay makakabuti sa marami.

Ayun lang for now. Aabangan ko ulit ang magandang blog from a friend.

Isang mapagpalang linggo sa ating lahat at sana ay isipin nating mabuti kung anong gusto nating mangyari sa mga buhay natin. Decide what you want and ALIGN your actions plus ask HIS guidance.
Run ahead and climb up. You can do better. You can achieve more.
Bow.


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?