haaaay buhaaaay


For him all are alive. Luke 20:38


Mga kablogs, quick blog 'to dahil kailangan ko pang mag-impake. Mamimiss ko kayo this weekend dahil hindi ako masyadong magfafacebook.

Noong nag-aaral kami, nakagawian na naming ipakita ang cards/grades namin kay Nanay at Tatay. Dahil mga teachers sila siguro sawa na sa mga cards kaya walang effect mga grades namin kahit mataas o mababa. Wala kang maririnig na kahit anong comment.


Kapag may nagsasabi rin sa akin na mga kabataan ng grades nila na minsan ay may hindi matataas na grades (for them), palagi ko lang isasagot. Ang galing ha. Keep up the good work. Walang negative comment.


Ganyan din si Lord, may gawin kang mabuti, matutuwa Siya. May magawa kang mali, malulungkot Siya pero hindi ka Nya sasabihan ng negative. Good luck na lang kapag bigla Siyang nagsalita. Tayong mga tao ang gumagawa ng ating basehan. Tayo ang naglalagay ng grades sa sarili natin. No one really cares. Dahil buhay mo iyan at bihira lang ang mga taong magsasabi sa iyo ng mga dapat mong gawin.


Ewan ko kung nagkakaintindihan tayo. Halimbawa, for you ang ikakatuwa mo ay 2.0 na grades, sa ibang tao 1.5, sa ibang tao naman basta makapasa lang. Ganoon iyon, walang standard at hindi mo dapat kinukumpara ang sarili mo sa kanila.


Ito pa ang isang gusto kong ipaalam sa lahat ng aking mga mahal sa buhay lalo na sa mga dumaraan sa point na mga pinagdaanan ko. Noong HS graduation, isa ako sa mga top students, so nagset ako sa sarili ko na as one of being the top students dapat sa UP ako mag-aral. Dahil hindi naman iyon ang plano ni Lord at ang katotohanan hindi kinaya ng utak ko ang entrance exam, sa Letran ako nagtapos. Ako ang nagset ng sarili kong standards, noong hindi ko nameet, pakiramdam ko bagsak ako. Pero no one really cared kung saan ako nag-aral. Ewan ko kung big deal sa mga kaklase ko iyon pero I doubt. So ako lang ang affected at hindi huminto ang ikot ng mundo nong bumagsak ako.


Habang nag-aaral, kala mo hindi ako bumagsak sa mga exams? Akala mo hindi ako nagkaroon ng 76 at 79? Pangarap kong maging Laude pero hindi natupad dahil nga sa mga bagsak na iyan. This year lang, ilang beses akong bumagsak sa exams, 2 beses! Sa work, gusto kong tumaas ang position ko matagal na, hindi natutupad. Bagsak ako. Bagsak!


Pero iba ang naging pananaw ko. Natuto na ako sa mga pagbagsak na nangyari sa akin noon pa man. Noong mga una, sobrang lugmok talaga. Iiyak, hindi makakain nang maayos tapos gusto ko iyong kakaawaan ako. Tapos na ang mga iyon! Naging mas matatag na ako dahil naiintindiihan ko na ang concept ng failures.


Kapag may mga maling nangyayari sa buhay ko, iniisip kong gusto lang akong magchange ng direction. Hindi ako nakapasa sa job interview sa Cayman, ibig sabihin hindi ako para doon. Hindi ko naipasa ang exams for 2 trials, ibig sabihin hindi ko pa time makapasa. Hindi ako napopromote, ibig sabihin mas marami akong matututunan sa operations than management. Lahat ng gusto kong mangyari na hindi natutupad, I take them positively at nagiging mas maayos ang buhay ko.


Pinakamahalaga ha, sa lahat ng bagay na iyan, I'll always do my best. Kapag ginawa ko ang best ko at hindi pumasa, masaya ako kasi nga may ibang will si Lord.


Papayagan ko lang ang feeling ng "pagsisisi" kapag hindi ko ginawa ang best ko.


Simple as that. Kapag bumagsak ka sa isang bagay, evaluate mo sarili mo kung ginawa mo ba ang best mo. Kapag hindi, try ulit and do better. Kapag oo, may ibang plan sa iyo or hindi pa time.


haaay naku. mahirap matutunan yan alam ko pero sana unti-unti mong iabsorb ang concept.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?