ASK and BELIEVE


"For whoever makes himself out to be great will be humbled and whoever humbles himself will be raised." Luke 18:14

Hello mga kablogs! Palagi naman akong naglalagay ng mahabang insight these days kaya feeling ko palagi akong nagbablog. Iyong sleeping habit ko hindi pa bumabalik sa ayos. Nagigising pa rin ako ng maaga kaya kung anu-anong kinakalikot ko. Hehe.

Sobrang sarap talaga ng feeling kapag gigising ka sa umaga na wala kang dapat alalahanin kasi hindi mo na kailangang mag-aral ulit, good bye accounting books for few months. Ibablog daw ng isang kaibigan ang tungkol sa pag-aaral kaya hindi ko papalawakin 'to. Ang sa akin lang ay ang pagpapaalalang kaunting tiis lang kapag nakalagpas, lifetime na kaligayahan ang katapat. Kahit magdamag ka pang magFB.

Ikukuwento ko ulit sa inyo ang buhay ng kaibigan ko. This time si Jana naman. Aariin ko ulit para mas madaling magsulat. Ito ang istorya niya.

Mga readers, ramdam na ramdam ko kung gaano akong pinagpala, kung gaano akong kamahal ni Lord. Sa aking pagtatrabaho simula 2003, damang-dama ko kung gaano Niya akong binibiyayaan. Sumubok akong magtrabaho sa ibang bansa at nakuha naman sa panalangin - nabigyan ako ng magandang trabaho at malaking suweldo. Hindi nga ako makapaniwala noon e. Naniwala na lang ako noong nakuha ko na iyong una kong sahod. Syempre, kapag lumaki ang income, kasabay na lalaki ang expenses kaya parang ganon pa rin BREAK EVEN.

At dumarating din iyong times na namomroblema ako kung saan ko kukunin ang pambayad sa mga dapat bayaran. Para sa akin, napakatibay na ng pananampalataya ko. Iyong tipong nananalig ako na Siya ang driver ng buhay ko. Na ang dapat ko lang gawin ay MAGTIWALA. Kaya ganoon lang ang style ko, mag-aalala ng kaunti pero aalalahanin kong sabihin ko lang na "SUKO NA PO AKO" may darating na agad na rescue.

Habang nangyayari ang mga bagay na ito, sobrang subok naman akong makahanap ng trabaho para makawala sa nakakainis kong amo. Kahit nga siguro bumaba ang sahod ko, tatanggapin ko basta lang makawala na. During negotiation ng bago kong assignment, sinubukan ko lang na iapply ang nabasa ko sa mga books na kapag may gusto ka raw ISIPIN MO LANG, kaparehas din ng sinasabi ng bible ASK AND YOU SHALL RECEIVE, SEEK.... Aba! Parang magic na iyong naiisip ko at ipinagdarasal ko, ito na isa-isa ng dumarating. Pati problema ko sa pambayad ng mga bayarin, nabigyan din ng kalutasan.

Idagdag pa ang usapan namin ng katrabaho nang sabihin niyang, "Jana, alam mo bang sa mga nandirito sa mga kasamahan mo, ikaw ang may pinakamataas na kita?" Sa loob-loob ko, "HUH! Kumikita ako ng malaki pero hindi pa rin ako kuntento kasi alam kong puwede pa akong kumita ng mas malaki kaysa roon. At iyong mga kasamahan natin, kuntento na kasi sila sa ganoon, ako hindi. Gagawa ako ng paraan para mas kumita pa ng mas malaki."

Para kasi siyang eng-eng, feeling niya iyong pera niya hindi sa kanya. Tagamanage lang daw sya kaya ayun nangungutang pa nga sa akin dahil walang natitira sa kanya. haha. Buking ka Jana!

Tatapusin ko na para hindi masyadong mahaba at para basahin niyo. Katulad ni Jana, subok ko na rin ang pagmamahal ni Lord. Kailangan lang talaga nating HUMINGI AT MAGTIWALAng kapag makakabuti sa ating buhay ipagkakaloob Niya.

Palagi rin tayong mag-isip how we can improve our lives. Huwag tayong gumaya sa iba na kuntento na sa buhay kaya hindi na nagsisikap. Baka magsisi ka kapag hindi mo nagamit ang lahat ng requests mo habang nandito ka sa lupa. PAg-akyat mo sa langit you'll see that there are many gifts that you never asked. (may kuwento 'to). At syempre pa, habang umaasenso ka, idamay mo na ang mga taong nakapaligid sa iyo. Ang lagay ba ay mag-iiwanan? Siyempre, dapat sama-sama hanggang sa pag-abot ng tagumpay! Finally, bawal daw ang magyabang kasi yari ka babawiin lahat 'yan. Ingat-ingat...

"For whoever makes himself out to be great will be humbled and whoever humbles himself will be raised." Luke 18:14

Ayun lang. Manonood na ulit ako ng movie. Yahoo!

Have a fabulous week sa ating lahat!

Ay botohan pala - bahala kayo mga botante basta ilang beses ko kayong pinaalalahanan. Kaw na bahala.

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?