Queen's Garden

"Blessed are you who believed that the Lord's word would come true." Luke 1:45
Hello mga kablogs! Mabilisang blog 'to dahil ako'y tinatawag na ng aking higaan.
Sana naging masaya ang nagdaang linggo niyo lalo na ang inyong weekend. Ako, ayos naman sa trabaho, ang weekend naman busy pa rin sa pag-aaral kaya nag-dalawang isip akong sumama sa mga katrabaho/kaibigan ko nong niyaya nila akong pumunta sa theme park dito. Sumama na rin ako for two reasons - una, baka isang araw hindi na ako nakatira rito sa Cinci tapos hindi ko pa nakikita ang K.I. at panagalawa, para makabonding ang mga kaibigan dahil ilang araw na lang aalis na rin sila pabalik sa Pinas.
Sa totoo lang hindi na ako big fan ng theme park lalo na iyong mga nakakatakot na rides. Nagpupunta lang ako sa EK dahil libre palagi ang ticket at para makita ang mga pamangkin kong nag-eenjoy sa mga rides.
Pagkatapos ng experience ko sa space shuttle together with my college friends dagdagan pa nong nakita ko iyong parang inihahagis-hagis sa Star City, sabi ko noon sa sarili ko hindi na ako uulit sa mga nakakatakot. Kaya kapag nagpupunta ako sa EK, doon lang ako sa "maiksing" roller coaster na kayang-kaya ng pamangkin ko at sa ibang rides na nakakasama ko sina Nanay.
Kanina nong nasa park kami, nabuhay na naman iyong ala-ala ko noong nagpunta nga kami ng mga kabarkada ko nong college sa EK. Ako iyong tipo ng taong matapang, talagang susuungin ko kahit hindi ako sigurado kung anong kakalabasan. Iyon din ang pagkakakilala ng mga kaibigan ko. Pero dahil nga sa sobrang sama ng naging epekto sa akin ng experience na iyon, nawalan na ako ng gana sa space shuttle. Inulit ko lang ulit ang isang mahirap nong nagpunta kami sa Star City.
Kaya kanina hindi na ako sumubok ng mga rides na may pinakamatataas na thrill. Nakuntento na lang ako sa mga kaya ng aking kalamnan. hehehe. Tutal ang objectives ko naman ay makita ang KI at makasama ang mga kaibigan na na-achieve ko naman. :-)
Bible connect... Nakakatuwa ring pagmasdan iyong mga matatapang na sumakay sa mga nakakatakot na rides. Nandoon ang paniniwala nilang safe nilang malalagpasan ang thrill ng bawat rides na iyon. Syempre, nagtitiwala sila sa gumawa ng mga rides na they are not designed to harm people but for them to have fun. Sa simula, simple muna tapos may mga points na biglang nakakatakot na naman na tipong mapapasigaw ka ng "O my God," tapos huhupa na naman hanggang sa hindi mo namamalayan tapos na pala. Masasabi mo pa nga sa kasama mo, "Iyon na Iyon?"
Para ring sa buhay natin, dumarating ang mga times na masusubukan ang faith natin. Parang gusto mo na lang na sumuko at irequest na tapusin na. Para sa iba naman na matitibay na ang faith, alam na nila na ang secret ay tawagin lang si Lord para matulungan silang malagpasan ang mga nakakatakot na points. Hanggang sa hindi rin nila mararamdaman, tapos na pala at puwede na ulit sumakay sa susunod na mas "nakakatakot" na ride (mas mabigat na pagsubok).
Ayun lang muna! Good night!
Summary - Enjoy life to the fullest! Lahat ng pangyayari sa mundo ay ayon sa design ni Lord. Kailangan lang ay ang ating matibay na pananampalataya.


"Blessed are you who believed that the Lord's word would come true."

Happy Solemnity of the Blessed Virgin Mary!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?