Again and Again

"So will it be: the last will be the first, the first will be the last." Mt. 20:16

Hello mga kablogs! Sobrang kakaibang mga araw na naman ang nagdaan. Unting-unti na lang talagang bibigay na ako pero salamat sa mga taong dumarating para mabigyan ulit ako ng buhay/pag-asa.

Ilang gabi akong puyat na puyat at ang mahirap pa sa akin kapag lumagpas ng alas-12 at hindi pa ako natutulog, madaling araw na akong makakatulog at sobrang aga ko ring magigising. Ang hirap pang matulog nang maayos kasi ang dami-daming pumapasok sa isip ko. Ayay!

Nakakatuwa lang si God kasi palagi akong bibigyan ng hint kung anong nangyayari sa paligid ko at maaaring mangyari. Kung naaalala niyo ang SUSI tragedy na naging dahilan nang nakitulog ako sa kapitbahay, muntik na namang mangyari kanina at may mas malala pa na hindi ako nadala-dala at palagi ko pa ring ginagawa.

Sa sobrang dami ng dapat kong gawin at pagkatapos kong bumili ng mga pagkain (maraming buhat-buhat) isinarado ko na naman ang pinto ko na hindi ko pa nakukuha ang susi sa labas. Ilang minuto rin ang lumipas tapos nagtataka akong bakit parang may tumutunog na susi. Una, tinignan ko muna kung nasaan ang susi ko kaya nong hindi ko makita nilakasan ko ang loob kong buksan ang pinto. Nasa labas ay lalaking hawak ang susi ko na paalis na. Sabi lang niya, "your keys... by the way, where is the Indonesian lady?" Hindi ko alam kung anong nasa isip at puso ng lalaking iyon pero pasalamat na rin na hindi niya natangay ang susi ko (baka pasukin ako sa gabi). Sabi ko naman, "thank you, I think she's staying up there." Malay ko kung may Indonesian nga sa building eh hindi ko naman gaanong kakilala mga kapitbahay ko. Thank God!

Itinuloy ko na ang pagluluto at paglalaba. Noong magsasampay na ako, paglabas ko bigla kong nakabig ang pinto nang hindi pa nakukuha ang susi sa loob. "AGAIN?" HKD250.00 na naman iyon para lang papuntahin ang locksmith guy at makapasok ako. Sinubukan kong tanungin si Popo kung may susi siyang naitatabi kasi iba ang case ngayon na kung may susi sya mabubuksan ang pinto at nagsign lang syang 250 habang kumakamot sa ulo (akala niya pareho na naman ang katangahan ko). Haaay! Buti na lang nabuksan ko ang pinto. Thank God!

Nakaschedule akong bumalik sa Pilipinas on Oct. 1 kaya naman August pa lang nagsubmit na ako ng lease termination notice kay Popo na until September 30 na lang ako sa room ko. Sobrang bait naman ng matanda kaya pumayag siya at ipinagamit pa nga ang deposit money ko. Nakakatuwa pa kasi kakapasa ko lang ng notice tapos may letter pang ipinost sa gate na hanggang Sep. 30 lang daw iyong stay sa building. Nagtataka lang ako kasi hindi naman pangalan ko iyong nakalagay sa papel....

Last week, nag-iba ang plan at mapopostpone ang paglipad ko to Phil. Kaya naman dali-dali akong nagpagawa ng sulat sa katrabaho ko (Cantonese version) na nagsasabing binabawi ko na iyong termination notice at titira na ulit ako sa room ko hanggang specific period. Dahil hindi kami nagkakaintindihan ni Popo, pinakausap na lang niya ako sa boss niya. Hindi ko rin masyadong maintindihan iyong kuwento pero in short ay kailangan ko talagang umalis.

Hinanap ko agad sa contacts ko si Ate Jane (isa sa mga tumulong sa akin para makahanap ng bahay) at makikiusap ako na magstay muna sa kaniya kapag natapos na ang contract ko sa room na ito. Syempre, nakasave ang number niya sa nasira kong phone kaya hindi ko alam kung paano ko sya kokontakin. Matutulog na lang ako kanina nang bigla kong naisipang magtapon ng basura at bumili ng tubig. And I saw Ate Jane!!! Ang bungad niya sa akin ay, "saan ka lilipat ng bahay?" Nagtataka ako na parang alam niyang aalis ako. "Wala nga ate e, hinahanap nga kita e." sabi lang niya, "ako, may malilipatan na." "Bakit ba nag-aalisan ang mga tenants?" tanong ko. Ang sagot niya na nakapagpalaki ng mga mata ko "gigibain na ang building na 'to. Hindi mo ba nakita iyong notice?" Hanggang sa naintindihan kong naaprubahan na ang pagpapagiba sa building kaya lahat ng tenants ay pinaalis na.

Saka ko lang narealize na kaya pala nong nagsasampay ako sa taas, parang walang ibang nagsasampay at ang gulo-gulo. Paano ba naman kasi ay nag-alisan na ang karamihan ng tenants kaya iyong mga kalat ay iniwanan sa taas. Haaaay. Iyon pala iyon.

Palagi na lang.... Sa lahat nga talaga ng decisions na gagawin ay may kadikit na consequences. Ilang beses ko nang naranasang maghakot ng mga gamit at magpalipat-lipat sa iba't-ibang lugar at heto mangyayari na naman.

Bahala ka na po Lord! Alam ko pong palagi Kang nandiyan para sa akin. Iniisip ko nga lang kung paano ko makocontact si Ate Jane, pinagkita Mo pa kami sa hindi inaasahang pagkakataon. Salamat po! Basta patuloy po akong mananalig na kapag Ikaw ang no. 1 sa buhay ko, Ikaw na ang bahalang umayos ng mga gusot! Kaya po love na love Kitang lalo!

Sobrang antok na ako. Please pray for me na makabawi ng rest para sa isa na namang bagong linggo at another ipatan blues.


Comments

cielann said…
sa pinakamamahal naming author,

gustong kong malaman mo na madami kang natatouch sa pamamagitan ng mga blogs mo. palagi mo kaming binibigyan ng inspirasyon para lalong maging matatag sa lahat ng mga pagsubok.

kung tutuusin, dahil nga AGAIN AND AGAIN na naman, sabi daw ni God, sisiw na yan sa yo. heley. sabi mo sa status mo, Reputasyon... Komplikasyon... ayk. baka naman kasi isip ka nang isip ng mga complicated things tapos nandyan na pala sa harap mo yung mga solutions na hindi mo iniexpect na sobrang simple lang pala. (sorry jungi. hindi ka naman nanghihingi ng advise pero dami kong paliwanag. ayk)

basta. ang bottom line ay yung ending ng maganda mo na namang blog na nandyan lang palagi si God at kailangan lang nating ientrust sa Kanya ang lahat. alagaan mo daw sarili mo at wag isip nang isip at ipahinga ang katawan, especially ang mind. God bless you always. mwah
cielann said…
sa pinakamamahal naming author,

gustong kong malaman mo na madami kang natatouch sa pamamagitan ng mga blogs mo. palagi mo kaming binibigyan ng inspirasyon para lalong maging matatag sa lahat ng mga pagsubok.

kung tutuusin, dahil nga AGAIN AND AGAIN na naman, sabi daw ni God, sisiw na yan sa yo. heley. sabi mo sa status mo, Reputasyon... Komplikasyon... ayk. baka naman kasi isip ka nang isip ng mga complicated things tapos nandyan na pala sa harap mo yung mga solutions na hindi mo iniexpect na sobrang simple lang pala. (sorry jungi. hindi ka naman nanghihingi ng advise pero dami kong paliwanag. ayk)

basta. ang bottom line ay yung ending ng maganda mo na namang blog na nandyan lang palagi si God at kailangan lang nating ientrust sa Kanya ang lahat. alagaan mo daw sarili mo at wag isip nang isip at ipahinga ang katawan, especially ang mind. God bless you always. mwah

Popular posts from this blog

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?