Lagina Handa







"Do not be afraid, little flock, for it has pleased your Father to give you the kingdom." Luke 12:32


"Be ready..." Luke 12:35






Hello mga kablogs! May dapat akong gawin kaya lang katatapos ko lang kumain kaya sabi ko blog na muna para puwedeng gawin kahit nakatayo.

May magkapareho sa pagbasa ngayon at last week kaya kinanta ulit iyong Where Your Treasure Is kanina. Ang ganda talaga ng kantang iyon.

Ok, ok, ang blog ko ngayon ay tungkol sa aking career. Kung titignan mo ang employment background ko sa Pilipinas, pinakamatagal na iyong 1 year and 1 mo. Hindi naman sa nateterminate ako, parang gusto ko lang gumawa ng iba, may mameet ulit na mga kaibigan at wala lang, maiba lang. Sa Bermuda nga kung hindi lang nagkaroon ng economic crisis, naghahanap na ako ng work non. Kahit dito rin sa Cinci, sobrang gusto ko na talagang makalagpas sa mission na 'to. For the past few weeks, todo talaga ako sa paghahanap ng work sa mga isla. Nafufrustrate na nga ako. Hanggang sa isang araw, bigla ko na lang naalaala iyong naging experience ko sa Bda nong sinabihan kaming isasara ang branch. Habang ang iba kong mga officemates ay may offer to go to other branches, ako binigyan lang ng letter sa kung magkano ang marereceive na separation pay. Sabihan ka pa ng pakonsuwelo na "hahanapan ka namin ng work sa ibang branch, tumingin ka rin sa intranet." Sarap batukan.

Sabi ko noon sa sarili ko, kung mag-ooffer sila sa akin, hindi ko tatanggapin dahil sa ginawa nilang paasa. Kaya naman halos lahat ng bansa, pinasahan ko ng CV. Singapore, HK, Cayman, London, Bda, US, Canada, CH, AU at marami pa. Halos lahat din ng job sites, nagsubscribe ako. Where my treasure is there my heart shall be. Kung sarili ko lang iisipin ko, sa mga panahon na gusto kong magpahinga muna sa trabaho, iyong tipong kapag ayaw na, o kaya kung papairalin ko pride ko, magreresign na lang bigla-bigla tapos saka maghahanap ng bagong trabaho. Eh sa situation ko ngayon, hindi puwede iyon. Kaya nakakatuwa rin kasi iyong mga inspirations mo ang magpupush sa iyong magpatuloy kahit napapagod ka na. Kahit hindi ka matiisin, mapapag-aralan mo para nga sa mga mahal mo sa buhay. Ang mga inspiration ko ang aking mga treasures kaya nasa kanila rin ang puso ko. Ang kinahantungan, nabigyan din ako ng job offer. Kailangang pakabahin muna...

Ayun na nga, dahil sa naisip kong pagkilos ni Lord noong mga panahon na iyon, sumuko na rin ako sa issue ngayon. Sabi ko, Bahala ka na po ulit!

"Do not be afraid, little flock, for it has pleased your Father to give you the kingdom."

"Be ready..."

Kapag malalim ang faith mo kay Lord, ipagkakatiwala mo ang lahat sa Kanya PERO kailangang gawin mo rin ang part mo. Halimbawa na lang sa situation ko ngayon, kahit anong gusto kong gawin makahanap ng work sa ibang lugar kung hindi naman ako mag-aapply, walang mangyayari. At habang ginagawa mo ang part mo dapat paganahin mo rin ang pananampalataya button. Do your part and believe na He's preparing the best for you. At maging handa ka rin.

Kunwari na lang pinagpipray mong umulan, kung nanampalataya kang uulan, magiging handa ka at magdadala ng payong. Kung nananampalataya akong kumikilos na si Lord for my next job, handa na ba akong iwanan ang mga trabaho ko? Makakapag-iwan ba ako ng magagandang ala-ala sa mga katrabaho ko...?

Isa pang halimbawa, gusto mong magabroad kaya todo apply ka sa internet. Kapag nangailangang bigla ang inaapplyan mo, may passport ka na ba? Isa pa, todo ka sa pagdarasal na sana po makapasa ako sa exams, naghanda ka ba (nag-aral ka ba)?

Salamat sa pagiging handa ni Ate Lhok at naisilang nang maayos si Baby Kriscien Yana. Panibagong blessing sa aming family.

Hanggang dito na lang at dalangin kong mas tumibay pa ang ating pananampalataya at maging handa tayo sa tugon Niya.

God bless everyone!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?