GISING




"...he put to the test by the devil." Mt. 4:1
Hello mga kablogs. 3:48pm at kakagising ko lang. Kakagising ng katok ng manong na sinamahan pa ng pagpupumilit buksan ang pinto ko. Grabe iyong experience na iyon ha. Kausapin ko naman si Popo, hindi naman kami magkaintindihan. Basta ang nasa isip ko lang natatakot ako at parang aatakihin sa puso. Pinicturean ko lang iyong gasul para maexplain gusto kong sabihin pero wala pa rin. Buti na lang nakakaintindi at nakakapagsalita ng Cantonese si Ate Agnes kaya ayun siya ang nagsabi ng pangyayari.

Kahit hindi ako HK local hindi ibig sabihin exempted na ako kung mayroon mang mga akyat-bahay o kung anumang pangyayaring hindi maganda sa paligid ko. Ang aksidente ay walang pinipili.

Kilala ang mga Hapon na super power. Ang dinig ko pa nga sa kaibigan ko, grabe raw makapagdemand ang mga Japanese. Kapag may gusto sila, agad dapat ibinibigay. Kapag nagkamali naman kahit na katiting, big deal sa kanila. Balikan natin ang history... eh di ba ang mga Hapon ang nagpasabog sa maraming lugar? Sila rin ang mga nagsamantala sa mga Pilipina. At kung anu-ano pa. Pero goood side naman, sila ang magaling sa technology at sobrang yaman ng bansa nila. Super power pero heto sila ngayon nadali ng nature.

Isang panggising lang sa ating lahat na kahit gaano tayo kagaling, katalino o kaganda, when nature decides, isang agos lang ng tubig wash out ako/ka/tayo sa mundo. Sabi nga ng kapatid ko, matapos ang mga rallies sa middle east, Tsunami naman sa Japan, what will happen next?

What will happen next? O dapat kayang ang tanong ay AM I PREPARED? Am I making the most out of my life? Am I doing what God wants me to do? Am I a good son/daughter to my parents? Am I a good brother/sister to my siblings? Am I extending help to those who need help?

Hindi natin alam baka mamaya katapusan na rin pala natin sa mundo. Make the most of it pero in a good way. Haaaaay.

Anyway, ganito ang nangyari sa gasul na 'yan. Dapat pala sa 4th floor idedeliver iyon pero nagkamali nga si Manong. I'm thinking Popo gave him the keys kaya pilit niyang binubuksan ang pinto ko. Nakakakaba lang ha. Naaalala ko pa mukha niya. Ginigising lang ako ni Lord dahil alam Niyang naiiba ako ng landas. Salamat po sa pagsubok na ito.

Hanggang dito na lang dahil makikipagchat pa ako. Magbablog na lang ulit para masundan ng paliwanag tungkol sa pagpapahalaga sa family. I just realized we are so concerned with other things na hindi natin nabibigyan ng halaga ang mga tunay na mahahalaga. Masyado tayong busy sa mga trabaho natin para kumita ng pera pero may time ba tayo sa family natin? bow.

God bless us all!


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?