blog ULIT

"If you have faith even the size of a mustard seed, you may say to this tree: 'Be uprooted and plant yourself in the sea,' and it will obey you." Lk. 17:6

See, I am sending an Angel before you to keep you safe on the way and bring you to the place I have made ready. Ex. 23:20


Hello mga kablogs! Grabe, ang tagal ko ring hindi nagblog. Kaya ko naman pinagpaliban ang blogging kasi nga hindi ako napapakali kapag hindi ko nasusulat(type) ang mga tumatakbo sa isip ko. Kagaya ngayon, ala-una pa lang pero hindi na ako makatulog ulit kaya sabi ko husgahan na 'yang blog na 'yan. hehe.

Let's start...

A year from now, when you look back at today, you'll see that the problem you're so concerned with right now, was another valuable lesson waiting to be learned. - galing yan sa mga quotes na pinopost ko sa Shared Success na nanggaling sa friend kong si Eden.

Kukuwento ko ngayon iyong career ng kaibigan kong si Rosel na naka-based sa Dubai. Magkaibigan na kami simula pa lang nong HS kaya alam ko ang background ng career niya. Para mas may emotion, kunwari ako si Rosel para imbes na 3rd person ang gagamitin kong pronoun, 1st person na lang....

Rosel - Simple lang akong tao, nag-aral kasi nandon na e. Mga teachers ang mga magulang ko at sobrang talino naman ng mga kapatid ko kaya kahit hindi naman ako kasing galing nila, feeling-feelingan na magaling na rin kaya deep inside sobrang dagdag naman ng effort sa pag-aaral para makasabay sa mga kaklaseng talagang pinanganak ng 2 ang utak. Naaalala ko nong HS, halos lahat ng mga kasabayan ko sa honor roll nakapasa sa UP, UST at ibang schools na mahirap makapasa. Sobrang frustrated ako non kasi nga akala ko dati kapag nasa top ka dapat ang school na papasukan mo UP, UST o iba pa. Kahit nga course na hindi kilala itatake ko sana para lang makayapak sa UP. Salamat at may nakahanda palang course sa akin sa school na pinagtatrabahuhan ng ate ko at ang ganda pa ng course. See, I am sending an Angel before you to keep you safe on the way and bring you to the place I have made ready. Ang ending, nagtapos ako nang maayos at nagbigay daan ang course ko sa maraming opportunities.

Kala ko ulit kapag Engineer ka, dapat magtrabaho ka sa mga Real Estate o firms na highly engage sa mga construction. Nag-apply ako ng maraming beses para lang makapasok sa mga malalaking firms pero ang kinalabasan napunta ako sa isang maliit na firm at pinasahod ng minimum. Doon nagsimula ang career ko. Habang ang mga kasamahan kong Engineers ay nag-iipon ng meaningful experiences sa mga big firms, ako naman patalun-talon sa iba't-ibang companies na walang connection sa bawat isa - small firm, water refilling business, auto retail at huli ay Real Estate business (Megapips). Naka-4 na companies din ako sa Pinas bago pa ako napunta sa Saudi Arabia.

Hindi ko alam sa mga ibang Engineers pero ako kasi super love ko ang numbers at hindi naman kami close ng language. Naka-79 pa nga ako noong college sa Literature na naging hadlang para maging cum laude sana ako. Buti na lang! Karaniwan kasi pressured ang mga laudes during board kaya imbes na makapasa, eh hindi nakakapasa dahil nga pressured. Salamat sa 79! Ayun na nga, kaya nong nasa Saudi ako, haaaay, grabe, parang hindi ako ang same Rosel employee na nasa Pinas. Paano ka ba naman makakabasag ng conversation eh iniisip ko pa lang iyong ibabato ko, tapos na ung topic na iyon. Natagalan din akong mag-adjust ha. Ngayon, mas comfortable na ako kapag kinausap mo ako ng English. May mga uhms at you know pa rin pero magkakaintindihan naman kami ng ibang nationalities -Arigatu. When you look back at today, you'll see that the problem you're so concerned with right now, was another valuable lesson waiting to be learned.

May balita sa amin noon sa Saudi na isasara raw ang branch namin. Sobrang kaba talaga ako kasi maraming umaasa sa akin maliban sa family ko. Halos lahat ng bansa, inapplyan ko na. Araw-araw akong tumitingin sa mga job sites. Hanggang isang araw, iniapproach ako ng mga managers na kung mabibigyan daw ako ng job offer to Dubai, ayos daw ba sa akin. Aba! Kung alam lang nila na super worried ako kaya gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Kaya nasa Dubai ako ngayon at inienjoy ang matataas na buildings dito. OH OH.

If you have faith even the size of a mustard seed, you may say to this tree: 'Be uprooted and plant yourself in the sea,' and it will obey you. Lahat ng nangyari, nangyayari sa buhay ko, natuto na ako. Pinatibay lalo ang pananampalataya ko ng mga pinagdaanan ko kaya ngayon medyo alam ko na kung paano magrereact. Simple lang - SURRENDER to God! Sobrang yabang ko noong mga panahon na pinipiga ko ang sarili ko sa paghahanap ng trabaho, sa pag-aaral o sa kahit anong pagsosolve ng problema. Nakalimutan kong if God wants it for me, isang kumpas lang Niya, makukuha ko ang blessings. O masyado kong pinipilit ang sarili ko sa isang bagay pero hindi naman pala iyon ang gusto ni Lord dahil may inihahanda Siyang mas maganda para sa akin.
Palagi kong sinasabi, sa lahat ng nangyayari sa atin ay palaging may dahilan. Kapag may mga nagsasabi sa akin ng tungkol sa mga problema nila lalo na iyong mga malalapit kay Lord, "Te Shel, bakit ganoon, kung kailan ka napapalapit kay Lord, saka ka Niya lalong susubukan?" Ang isasagot ko lang, "Dahil mahal ka Niya at gusto Niyang mas lalo kang mapalapit sa Kanya." Kapag matututo tayong isuko ang lahat kay Lord at tanggapin na mahina tayo, lalo tayong nagiging malakas kasi SIYA na ang kikilos. Don't get me wrong ha. Ibig sabihin ko ng pagsuko, ask His guidance habang kumikilos ka rin.

Siguro ito na muna. Simula next week, regular na ulit ang aking blog. O diba, nabuhay ang blogs ni KC nong nagstop ako. E di ngayon dahil buhay na sya, 2 blogs na mababasa natin every week. Pakisama niyo ako sa prayers niyo, please... - sana matahimik ang aking isip sa pag-iisip ng ibang ibang issues kahit isang linggo lang. Makatulog nang maayos at maging handa sa kung anuman ang pinaghahandaan. Maging grateful kung anuman ang kakalabasan. bow!
I miss you all my FB friends! I'll be in touch again... Magsasawa ulit kayo sa mga comments ko.
Pahabol - tuloy-tuloy ang 4S kaya sali na rin kayo. Ito ay binuo namin not just to help youths but to share the secrets to you. Gusto ko pong lahat tayo ay maging masagana at sobrang tested na if you give, you'll receive more. Subukan mo para malaman mo! Nasubukan ko na at ginagawa kaya sa tingin ko I'm so blessed.
Gbu!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?