Crucify Him!



Crowd: Crucify Him!

Bayan: Ipako Siya sa Krus!
Hello mga kablogs! 9:46 pm... Nagsimba na ako kanina (Sabado rito) kasi aattend ako ng Stations of the Cross bukas. Pangatlong Holy Week na simula nong nagtrabaho ako sa ibang lugar. Kung nasa Pinas ako, ngayong mga araw na ito aligaga na kami sa pagpapractice ng play. Busy na rin sa simbahan at maraming mga activities. Damang-dama talaga ang holy week doon sa Pinas. Naalaala ko last year sa Bermuda, feel na feel din sa mga activities ng bawat parishes. Weekly ay mayroong Stations of the Cross tapos marami rin silang mga seminars. Kakaiba lang iyong holy week don especially Good Friday. Kakaiba kasi imbes na lungkot mode, ang ginawa ko noon ay nakijamming sa mga kaibigan ko sa beach. Ang tradition don ay magpalipad ng kites kapag Good Friday. Dito kaya? Hmmmm. Parang feel ko rin na holy week at nakakatuwa kasi may mga activities for Triduum sa parish na sinisimbahan ko.

Para sa kaaalaman ng iba, ang Triduum ang pinakamahahalagang araw sa calendar ng mga Catholics. Kaya tinawag na Triduum kasi tatlong mahahalagang araw iyon. Sana nga tama itong sinasabi ko. hehehe. Nagsisimula iyon sa Holy Thursday at natatapos naman ng Easter Sunday kaya alamin ninyo kung anu-anong mga activities sa parishes niyo para IN din kayo. Para rin itong PBB o American Idol na kaabang-abang. Mahalagang naiintindihan natin ang pananampalataya nating mga Katoliko... That's all sa kaunting paliwanag tungkol sa mga mahahalagang mangyayari this coming week.

Sa buong buhay ko tuwing Palm Sunday, kanina lang pala ako nakapagsimbang mag-isa. Kasama ko si Sis Maricel non sa Bermuda as far as I remember. Minsan kapag solo ka lang, talagang nakaconcentrate sa pakikinig. Kaya kanina habang binabasa ang mahabang gospel muntik na akong maluha. Di ba ang mga tao ay iyong tagasagot ng IPAKO SIYA SA KRUS!? Ilang beses iyon sa pagbasa. Nakakakilabot iyong pakiramdam na isa ako sa mga nagsasabing Ipako Siya sa Krus. Reenactment lang iyong sa pagbasa pero kung irerelate sa tunay na buhay sa bawat paggawa ko ng mga hindi mabubuting bagay unti-unti ko rin Siyang ipinapako sa Krus...

Paulit-ulit, taun-taon ay ganito. May lenten, may Triduum, may stations of the cross, may Good Friday at taun-taon mayroon din akong isinasacrifice. Hindi ko rin maikakaila na after ng season na iyan, bumabalik ulit ako sa kasalanan. Pero hindi ba't kagaya rin ng ibang occasions na paulit-ulit taun-taon gaya na lamang ng birthday bilang paalaala na nakasurvive ng isang taon at pumapasok na naman sa bagong taon. O kaya ay ang mga anniversary ng mga nagmamahalan lalo na ng mga mag-asawa at during that time, nagbibigayan ng flowers, cards, chocolates o kaya ay nagdadate para icelebrate ang pagbabalik tanaw sa mahalagang araw na iyon. Kagaya ng pagbuhay nating muli sa mga emotions noong araw na ipinanganak tayo o sinabi ng mahal mo sa iyo na mahal ka rin niya, puwede rin nating ilagay na muli ang ating mga sarili sa state ng mga araw na pinapahirapan si Hesus at mamamatay. Hindi nating kailangang magpakakawawa mode o todo active sa mga gawaing simbahan. May kakilala nga akong magbabakasyon pa sa Singapore sa mga mahahalagang araw na mga iyan. Ang sa akin lang ay kahit kaunti sana makiisa tayo. Kung tayo iyong tipo ng mga taong madaldal at mahilig magsabi ng hindi magaganda tungkol sa kapuwa, pilitin nating mangilin at gamitin ang pagkakataong ito na imbes na hindi mabuting bagay ang sabihin sa kapuwa, puro kabutihan ang ating babanggitin. Kung ikaw ay kagaya kong addicted sa FB, puwede nating gamitin ang pagkakataon na imbes na politics ang pinopost sa wall maglagay tayo ng mga magagandang verses o kaya ay mga inspirational quotes. Kung ikaw ay kagaya ko ulit na mahilig magpuyat kakabrowse sa internet, gamitin nating ang pagkakataon na palitan na lamang ng panonood ng Passion of the Christ kaysa mapuyat sa mga walang kuwentang bagay. Kung ikaw ay iyong tipo na mahilig mag-text group message ng mga joke messages, this is the time na gamitin mo ang load mo sa pag-group message about God's love. There are so many ways para makiisa sa holy week. Nasa sa iyo na iyon kung gagamitin mo ba ang pagkakataong ito o palagi ka na lang magpapalagpas ng pagkakataon.

Hanngang sa muli dahil inaantok na ako. Sa Friday na siguro ang next blog.

Pilitin nating makiisa sa pagdiriwang ng simbahan ng holy week! Sana ay maalaala nating isa rin tayo sa mga dahilan kung bakit Siya naipako sa Krus!
Gbu!

Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?