Bermuda is my extended world



I started doing this in December, ngayon lang matatapos. Huli man daw, nakakatuwa at makakatulong, maihahabol pa rin. :-)

Isang maligayang pasko sa lahat. Masaya ako kasi nandito akong muli sa Bermuda. Kay saya-saya. Malayo man kami ni Kuya sa aming mga kapamilya, maayos naman ang aming pagsasama kaya masaya. Sana iyong mga kapamilya ko sa Pinas ay masaya rin at nawa'y they are taking advantage of the moment that they are together. Sana ay madama nila ang diwa ng pasko.

Anyway, balik sa blog. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari nong bago ako umalis hindi ko pa pala nagagawan ng "kuwento" ang aking buhay-Bermuda. Very timely kasi may nameet akong kababayan yesterday na baguhan sa isla. Minabuti ko ng i-blog para sa iba pang mga Pinoys at Pinays na darating sa isla Batu-bato at para na rin sa mga naku-curious sa kung anong kakaibang buhay sa gitna ng tubig.

Una ay tungkol sa biyahe, halos 2 araw ang biyahe from Pinas. Puwedeng via US kapag may visa pero normally sa London dumadaan dahil nga wala pang US visa. Shorter ang biyahe at cheaper ang pamasahe kapag via US. Saan ako dumaan nong unang tapak ko rito? From Pinas, napadpad ako sa Qatar tapos sa London at huli nga ay Bermuda. Marami pang ibang daan gaya ng Dubai, Netherland, London Gatwick at Heathrow, New York at marami pang iba. Email niyo na lang ako if you need more details about this. I will always remember the help of Ate Ivy sa kanyang pagsusupply ng information noong nasa Pinas pa lang ako. Maliit lang ang airport pero ang gara kasi may kumakanta parang pang-welcome nila sa mga dumarating. Tapos kakaiba rin kasi libre iyong baggage cart (sa ibang airports, $3.00) pero dapat magbayad ng 25% sa lahat ng items na ipapasok sa isla. Of course, Pinoy ako kaya may konting dagdag-bawas. hehehe. Basta ang mahalaga ay huwag papahuli. Kung bago ang mga damit, tanggalin ang tags tapos ilagay sa form na used clothes. Kung may electronics naman na bago like cell phone, etc. kahit bago sabihin mo used na at syempre depreciated na ang value. Iyong iba, dinideadma talaga as in hindi nagdedeclare pero para safe magdeclare kahit kaunti. :-)

Para sa isang first-timer na kagaya ko, syempre may lungkot moments din. Mabuti nga at may kaibigan si Nanay dito kaya may naging kapamilya agad ako. Dito ko natutunang makisama; iba na kapag lumabas ka na sa nakasanayan mong bahay. Sa bahay namin, buhay prinsesa ako kasi si nanay ang nag-aasikaso ng lahat. Dito naman, may schedule kung sinong magluluto, maghuhugas ng plato, maglilinis ng bahay at kung ano pang mga gawaing bahay. Dahil hindi naman ako nasanay magluto kaya paghuhugas ng plato ang palaging nakatoka sa akin. Nakakatuwa kasi para talaga kaming isang pamilya. Nadala ko rin sa Pinas ang ugaling 'to kaya sobrang taka sila kapag naghuhugas ako ng plato at naglilinis ng bahay.

Sa office naman, ilang linggo rin akong nag-adjust. Nakakadugo ng ilong ha. hehehe. Natatawa pa nga ako kapag naggu-good night sila 'pag uwian na. Sa isip ko, hindi pa naman matutulog bakit kaya naggugood night. hehehe. so nakiki GN na rin ako, tapos may see you later pa. Ang taray. hehehe. Sa trabaho, pare-pareho lang naman. Sa simula mag-aadjust pero makakasanayan din at sa bandang huli Pinoy pa rin ang magaling in general ha. In my case, hindi masyado e. (pahumble effect... hehehe)

On the other side naman after ng bahay at office. Bike (tawag nila sa scooter) ang main transportation dito kasi nga maliit lang ang isla pero ako in 2 years naging suki ako ng bus so palagi akong may bus card worth $55/mo kapag bibili for 1 month pero $135 naman kapag 3 mos kaya tipid ng $30. Ugali rin dito na igi-greet ang bus driver (Good morning, etc) pag akyat mo sa bus at mag Thank you naman pag bababa na. Ang style nila ng pagpaPARA ay parang jeepneys sa Pasig iyong may string na hahatakin kapag bababa ka na. Dito naman may buttons na pipindutin tapos ibababa ka nila sa nearest bus stop. Syempre may mga bloopers din ako kaya mega Sorry ako sa bus driver. "I'm sorry, next stop please." Friendly rin ang mga tao kaya wag kang magugulat kung sasabihan ka ng How are you? kahit hindi ka kilala. Minsan nga nakakarinig pa ako ng Good morning beautiful lady. wahahaha. Tapos sa round about (iyon ung parang pangtraffic nila) malapit sa town, nandoon si Johnny Barnes na nakatayong kumakaway habang nagsasabing I love you simula 6:00am hanggang 10:00am. It should be noted na 20 years niya nang ginagawa ito at 85 years old na sya ngayon kung di ako nagkakamali. For more info igoogle si Johnny Barnes.

Sa pamamalengke naman, dahil nga isla ang karamihan ng pagkain ay frozen. Huwag niyo nang tanungin ang presyo dahil nakakalula. Kaya ako may strategies para makatipid. Tuwing Wednesday ako namimili at cash ang ibinabayad para may 5% discount. Tapos tatawagan namin si joel (1441-7991328) para ihatid kami sa aming bahay sa halagang $10.00. Sobrang bait ng mamang ito at he's available 24 hours except for inevitable circumstances. Kaya kung kailangan niyo ng maghahatid o sundo, phone him. Palagi rin akong nagbabaon, kung hindi man kami nakaluto magbabaon pa rin ako ng kanin para ulam na tinitimbang na lang ang bibilihin ko.

Maraming parks sa town na puwedeng pagtambayan during lunch. Actually, kahit nga after work tumatambay pa rin ako sa park. Sobrang dami ng oras dahil strict kami sa office hours. Strict means "on the dot" uwian na. Yipee. ......

continuation Jan. 10, 2009.

Iba't-iba ang trips ko during lunch, most of the times magkikita kami ni Van Venzon (isang very jolly friend). May times din na during lunch ang get together ng mga friends kasi nga halos lahat ay sa town nagtatrabaho. Sina Eden at Richard, si Jovy, Ate Wena at ang friend kong ... book. hehehe. Kapag wala akong imimeet, makikita mo ako sa park na may hawak-hawak na libro. Minsan naman sa library. Sobrang dami ko talagang nabasang books.

Dito rin sa islang 'to narevive ang aking hilig sa sports. Akala mo kung anong sports no? Chess un. hahaha. Ako ang kanilang reyna kasi ako lang ata ang weird na nahiligang magchess. Niyaya ko sina Van at Arvie, parang hindi nagclick. Tuwing Tuesdays yan from 7:45-sawa. Minsan inaabot kami ng 12mn. Nakakatuwa kasi dahil dyan, nakakamingle ko ang mga Chess masters kapag may International Tournament. Sa building na yan din ginaganap ang Toastmaster. Para sa kaalaman niyo, ang Toastmaster ay international organization na ang goal ay maiimprove ang communication skills especially public speaking ng mga members nito. Right! I also joined this org at I can say na talagang maganda sya and I would recommend na sumali kayo.

Hep, hep. Kung anu-anong pinagsasabi ko eh ni hindi ko pa nababanggit ang religious side. Sa Pinas pa lang active na ako sa gawaing simbahan kaya hinahanap-hanap ko talaga sya when I was in Bda. Oks naman kasi bawat parishes ay may kanya-kanyang simbahan. Tapos nasa Town iyong cathedral. Iba ang celebration ng holy week pero ang gusto ko ay mass every 12:10 at stations od the cross every Fridays during kuwaresma. Dito ko rin nakilala sina Sisters Judith and Dolores aka Sisters J and D. Mayroong tinatawag na Caritas house where you can spend your time silently. May mass din doon every other Wednesdays tapos dinadayo ng mga parish priests from different churches kaya nakakatuwa. Makikita ang information about these sisters sa bulletin ng bawat simbahan. Sumali rin ako sa ilang activities ng CFC. Yep! Active ang CFC rito at magaganda ang mga layunin nila.

Bukod sa mga organizations na yan, syempre active rin ang Association of Filipinos in Bermuda. May mga activities sila during special seasons at talaga nga namang nakakatuwa ang pagkakaisa ng mga pinoys....

Maraming-marami pang dapat na ilagay rito, kailangan ko lang matulog na at gusto ko na ring wakasan ang pending blog na ito. Kahit wala na ako sa Bermuda, dala-dala ko pa rin ang mga bagay, mga tao at mga pangyayaring nagpatibay at nagtulak sa akin para tahakin pa ang ibang landas. Salamat sa lahat ng mga naging bahagi ng buhay ko sa Bermuda lalo na kay Ate Jane at Mr. Ed, sa Comber family, sa roomate kong si Sis Maricel, sa aming cook na si Kuya Norms, kay Ate Glo at Morena, kay Ate Esther at Ate Elma, kay Ate Beth at Ate Flo, sa Kapatid team, sa mga kaibigan ko lalo na iyong mga nabanggit ang pangalan sa mga naunang paragraph, sa Chess Club headed by Larry, sa Bermuda Toastmaster Club, sa mga Padres at Madres at sa lahat-lahat. Too many too mention but definitely remembered. Saan man tayo makarating basta't marunong tayong lumingon sa ating pinanggalingan tiyak na makakarating nang matagumpay sa paroroonan. bow!

I will always go back to this island lalo na at nandoon ang aking poging bro na si Kuya Rye.

I encourage Bda former and current residents na magshare ng mga experiences nila lalo na sa mga hindi ko nabanggit so we can guide the new Pinoys/Pinays sa isla. :-)


Comments

Popular posts from this blog

Again and Again

Another bonus blog - Pag-ey-blog

Handa na ba ako?