Sanayan lang yan
The moment your greeting sounded in my ears, the baby within me suddenly leapt for joy. Luke 1:44
Hello mga kablogs! Ang bilis ulit, isang linggo na naman ang nakaraan. Sana ay sinubukan niyong gawin na tumahimik sandali. Hindi pa rin ako master ng sarili ko kasi minsan ay nararamdaman kong sobrang daming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko magawang pahintuin. Kaya sabi magandang exercise iyong pagtahimik sandali para macontrol ang ganoong situation. Anyway, dumako na tayo sa blog ngayon.
Dumating ako noong isang araw dito sa isla from a cooler place. Noong umalis ako sa Oh, the temperature was 37. Ok pa iyon kasi last week umabot sa 18. Tapos nandito ako ngayon at 60 ang temperature. Ang tanong ay summer feeling ba sa ganitong weather kapag galing sa isang malamig na lugar? Kung naka full winter outfit ba ako sa Oh, naka summer gear naman ako rito? Ang kasagutan ay HINDI. Kagaya na rin lang ng sabi nila bago ako malipat sa Oh na sobrang lamig daw don at hindi ko kakayanin kapag winter. Unti-unti naman ay nasasanay ang sarili ko at nag-a-adjust ang katawan ko sa lamig. Gusto ko ring banggitin iyong nabasa ko sa isang libro (Chicken soup yata iyon), mayroong daw isang lalaki na napunta sa kuwartong sobrang baho dahil may namatay na daga. Hindi nya matake ang amoy at ang masaklap pa ay nalock sya roon. Dahil walang magawa para makalabas, makalipas lang ang ilang sandali, nasanay na sya sa amoy at hindi na sya nababahuan...
Pinapaalalahanan lang tayo na anumang sitwasyon ang dumating sa ating buhay kaya nating makasanayan. Sitwasyon katulad ng mula sa pagiging isang entry level employee to managerial level employee. Isa pa ay ang work schedule from day shift to night shift. Native language speaking work environment to English speaking work environment. Maaari ring mula sa isang lugar na maraming kamag-anak at kapamilya tungo sa pagiging mag-isa. Maraming-marami pa. Ang bottom line lang ay nakakasanayan ang lahat ng bagay kahit gaano pa kahirap. Maging receptive lang tayo sa changes at ienjoy ang effects ng mga pagbabagong iyon then we'll have a wonderful life. Who knows baka maraming rewards ang naghihintay sa atin habang nagiging adaptable tayo sa changes... The moment your greeting sounded in my ears, the baby within me suddenly leapt for joy.
Anu-anong mga pagbabago ang nararanasan mo ngayon? Tandaan mong may kakayahan tayong makasanayan ang mga bagay-bagay basta't maging receptive lang tayo sa mga pagbabago at magtiwala na sa bawat pag-atake sa mga bagay-bagay, God is with us all the time.
Maaari niyo ring subukang magbawas ng Php50.00 sa monthy budget niyo at itulong sa 4s.... hehehe. Try it, I'm sure you'll love it.
Bermuda is another world...
Comments